C O L E T
Habang isa-isang pumapasok ng hall ang mga estudyanteng mula sa 1st year, nakatayo lang kami sa may gilid ilang hakbang mula sa maliit na stage na ginawa namin kung nasan nakaset up yung puting piano at drums set.
Tapos yung instrument na gagamitin ni Staku mamaya, na dito sa may gilid at nasa loob pa ng case nito. Mamaya pa naman nya gagamitin 'to kaya di muna namin nilabas.
Isa pa, ayaw ni Staku nang may ibang humahawak sa instrument na yun maliban sa kanya. Sya lang pwedi magbukas ng case nito para kunin yung instrument sa loob.
Espesyal kasi sa kanya yung instrument na 'yun. Dahil 'yun na lang ang nag iisang alaala na meron sya sa Dad nya. Regalo sa kanya ng Daddy nya 'yan nung 5th birthday nya.
At dahil sa paboritong kulay ni Staku ang color pink, kaya talagang pinasadya ng Daddy nya na gawing pink yung kulay ng instrument na yun. Tapos may naka-engraved din na name ni Staku sa likod ng instrument.
Kaya sobrang importante ng instrument na 'yun sa kanya at hindi nya pinapahawakan o pinapagamit sa iba.
At ngayon lang din nya ulit mabubuksan at mahahawakan yun pagkatapos ng ilang taon. Iba kasi yung ginagamit nya during practice at hindi mismo yung instrument na pagmamay-ari nya.
And masaya ako, si Mikhs at Gwen na after ng ilang taon, gagamitin na nya ulit 'to.
Dati kasi nitong mga nakaraang taon, kapag tinatanong namin sya kung gusto nyang magperform gamit yun palagi syang tumatanggi.
Lagi nyang sinasabi na hindi pa sya handang hawakan at gamitin ulit 'yun. Isa pa, may mas mabigat na dahilan din kung ayaw nyang buksan yun at gamitin. Kaya hindi na lang namin sya pinipilit dahil naiintindihan din naman namin ang dahilan nya.
Pero nagulat kami sa naging reaksyon nya nung sinabi ni Mikhs sa kanya na magpe-perform sya ng solo at gamit yung instrument nya.
Ang ini-expect namin is tatangi talaga sya. Pero hindi. Pumayag sya at ang saya pa nga nya, eh. Tapos parang excited pa. Hindi namin in-expect yun pero masaya kami kasi hindi na sya tumanggi ulit gaya nung mga nakaraang taon.
Habang naghihintay kaming makapasok lahat ng etudyante sa hall, tinignan ko si Staku na nakatayo katabi ni Gwen. Nakakapit pa sya sa braso ni Gwen habang pinanunuod yung pagpasok ng mga freshmen sa entrance ng hall.
Hindi pa sya naka-maskara at mamaya na lang daw nya isusuot kapag pupunta na sya sa table namin na table din nung apat. Magkakasama kami sa table dahil yun ang gusto ni Dean.
Ewan ko ba dun at gustong gusto kaming pagsamahin sa isang lugar. Alam naman nyang may alitan sa pagitan namin ni Maloi. Though parang ceasefire muna kami this past few weeks at ngayong gabi. Busy din naman kami kaya di na kami halos nagpapang abot.
After nito, balik ulit sa dati.
Halos inabot din ng kalahating oras bago natapos yung batch ng freshmen. Tapos sunod na papasok yung mga transferees.
May labindalawang transferees. Dalawang lalaki at sampung babae. Unang pumasok yung dalawang lalaki then sunod na yung girls.
Pero pinakahuling pumasok yung apat. Una si Sheena, sunod si Jhoanna na nakaformal suit.
"Pogi ni Jho. Yieee!!" Rinig kong sabi ni Staku at parang kinikilig pa sya.
Tsk!
Sunod na pumasok naman is si Maloi. At hindi ko alam pero bigla akong napatulala habang pinanunuod syang maglakad sa red carpet na nasa center ng hall.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...