Chapter Thirty-One

1.3K 44 6
                                    


J     H    O    A     N     N     A

Nagkukwentuhan kami ni Yves habang hinihintay namin makabalik sina Ate Aiah. Pabalik na dapat kami sa classrooms namin pero nagpaalam muna syang pupunta ng CR. Sumama naman si Shee at Stacey dahil naiihi din daw yung dalawa.

Kaya naman naiwan kami ni Yves at hinihintay namin silang makabalik. Nasa may tapat lang kami ng SH pumwesto. May mga benches naman kasi dito na pweding tambayan. At malapit lang din dito yung main comfort room for students kaya dito na lang namin sila hinintay.

"Jho, may napapansin na ako sa inyo ni Staku. Parang may something." Wika ni Yves na ikinataas ng kilay ko.

"Huh? Anong something naman yun?" Maang-maangan kong tanong.

Syempre, forda deny muna tayo. Ayoko munang matimbog na may crush ako kay Staks 'no. Okay na yung si Ate Colet pa lang muna ang nakakaalam. At least sa kanya, alam kong safe yung sekreto ko.

"Basta may something. Di ko lang ma-pinpoint kung ano." Aniya.

Napailing na lang ako. "Ewan ko sa'yo. Friends lang kami ni Staks, okay? Ikaw, kung ano ano na namang pinag-iisip mo dyan. Hay naku!" Bumuntong hininga ako at iginala sa paligid ang tingin. "Pero Loi, seryoso. Hindi pa din ako makapaniwalang dito na tayo nag-aaral sa LAVSA. Pangarap ko lang dati na makapasok dito, eh. Tapos ngayon, eto na. Natupad na. Andito na ako tapos kasama ko pa kayong tatlo." Saad ko.

"Ay? Forda emo ka dyan, te? Para kang ewan, Jho. Hindi bagay sayo."

Napasimangot naman ako. "Ang kontrabida mo talaga. Sinasabi ko lang naman yung iniisip at nafi-feel ko. Forda kontra ka na naman. Kaya ka laging inaaway ni Ate Colet, eh." Sabi ko at inirapan sya.

"Bat nabanggit si anger dito? Di sya kasama sa topic, beh."

"Wala lang. Sinasabi ko lang." Kibit balikat na sagot ko.

Kahit hindi ko sya lingunin ay alam kong umiirap na sya ngayon. Tapos maya maya ay bumuntong hininga sya ng malalim.

"Kahit naman hindi ko sya kontrahin o wala akong sabihin, inaaway pa din naman ako nung bugok na yun. May galit yata sakin yun, eh. Di ko naman inaano." Aniya.

"Baka mortal enemies kasi kayo sa past life nyong dalawa kaya ganun." Natatawang biro ko.

"Psh! Past life amp! Di naman totoo yun. And if ever man na totoo, wala din akong pake. Hmp!"

"Sus? Wala daw paki pero kung magbangayan kayong dalawa daig nyo pa mag-away yung aso't pusa."

"Edi wow na lang, Jho." Inirapan nya ako at humalukipkip. "Pero pansin ko lang, ah."

"Ayan na naman sya sa napapansin nyo. Jusko Lord." Pabuntong hininga kong sabi kaya sinimangutan nya ako. "Hehe. Joke lang. Ano ba yun?"

"Wala! Nagbago na isip ko."

"Luh? Ano nga?"

"Tanong mo sa pagong. Bahala ka dyan." Nagtatampong wika nya.

Napangiwi ako. "Si tampo naman 'to.  Biro lang, eh. Ano ba kasi yung napapansin mo na naman?"

"Wala!"

"Wala daw. Kakasabi mo lang na may napapansin ka, diba?"

"Wala. Nagtago na sa utak ko. Psh!" Wika nya sabay irap. "Tsk! Ano ba 'yan?! Ang tagal naman nung tatlong yun. Isang drum yata laman ng pantog ng mga yun sa tagal nilang bumalik. Malapit na magstart yung next class namin."

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon