C O L E T
Pagkatapos ng fireworks display, nagdecide na din kaming umuwi dahil gusto na naming magpahinga nina Mikhs at Gwen. Dalawang linggo na kaming pagod----STRAIGHT! Kaya gusto na naming umuwi since patapos naman na yung event.
Nagpaalam na kami sa ibang mga officers na mauuna na kaming umuwi. Halos kalahati na lang din naman ng mga schoolmates namin ang nandito. Ang iba ay nagsiuwi na at mga inaantok na daw.
Speaking of inaantok, kanina ko pa napapansin na panay hikaw na nitong katabi ko. Halatang inaantok na pero hindi naman nagsasalita.
Dahil dun ay ako na mismo ang nag aya sa kanilang umuwi na. Pagod na talaga ako at gusto ko nang mahiga. Sobrang ngalay na yung katawan ko sa ilang performance na ginawa naming apat. Idagdag pa yung sa cotillion.
Pinasuot ko muna kay Staku yung coat ko dahil meyo nilalamig daw sya. Wala namang malisya sa ginawa ko dahil ganito naman talaga ako ka-alaga kay Staku.
Like I said, prinsesa namin to. At kung hindi man ako ang gumawa nito, for sure yung dalawa naman ang gagawa. Ganun kami ka-attentive sa prinsesa namin.
Hindi namin yan hinahayaan na lamigin, mainitan at higit sa lahat, ingat na ingat kami na wag magkasakit 'yan.
Kasi once na magkasakit sya, tarantang taranta na kaming tatlo sa kung anong gagawin namin. Medyo mahirap kasi alagaan tong si Staku kapag may sakit o nilagnat. Talagang matataranta ka. Plus, inaabot din ng isa o dalawang linggo bago sya gumaling. Kaya ingat na ingat talaga kami pagdating sa kanya.
Well, balik tayo sa kwento.
Yun nga, dahil mga pagod na kami at inaantok na din yung mga kasama namin, kaya nagdecide na kaming umuwi na. Tinawagan ko si Mang Isko na kung pwedi nyang ipasok yung van at masakit na daw ang paa ng girls at hindi na kayang maglakad pa ng medyo malayo.
Malayo-layo din kasi ang gate sa SH kaya talagang kailangan maglakad. Eh, nakaheels tong mga to kaya pinapasok na lang yung van at hinintay na lang namin dito sa may entrance ng SH.
Malawak naman yung space ng campus at kasya yung van. Pinasadya din kasi yun ng Daddy ni Mikhs para pwedi daw makapasok ang sasakyan kung kinakailangan. For emergency purposes ba.
Naghintay lang kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na yung van at huminto malapit sa entrance ng hall. Agad na kaming pumasok doon at pumwesto na kaming apat sa pinakalikod.
Sinadya kong hilahin si Staku papunta sa likod dahil alam kong balak nyang tumabi kay Jhoanna. Which is ayoko. Kaya hinila ko sya patabi sa amin ng mga nonchalants sa likod.
"Ate Colet naman, eh. Kay Jho dapat ako tatabi, eh." Nakasimangot nyang reklamo sa'kin.
"Tss. Dito kana tumabi. Kanina pa kayo magkatabi ni Jhoanna, ah? Pati pag uwi, dapat tabi pa din kayo?" Nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya.
Strikto na kung strikto. Basta yun ako. Nag iingat lang ako dahil napapansin kong may kakaiba na sa closeness nilang dalawa. At alam kong hindi maganda yun. Hindi yun makakabuti sa kanila kaya hanggat maaari talagang pinaghihiwalay ko sila.
Hinayaan ko lang sila kanina sa party since understandable naman na magkalapit sila dahil sa sila ang magkapartner. Pero ngayong tapos naman na at wala na kami sa party, kailangan ko na silang paghiwalayin.
Kainisan nyo man ako, wala akong paki. Basta ang importante sakin, wag silang magkalapit masyado. Ayokong masaktan si Staku pagdating ng araw. Kapatid na ang turing ko kay Staku at nangako ako sa Daddy nya na aalagaan at po-protektahan ko sa abot ng makakaya ko.
"Ang KJ mo talaga, Ate Colet. Hays!" Inirapan pa ako nito saka bumaling kay Gwen at yumakap dito.
Napailing na lang ako at maging si Gwen na nakatingin na pala sa'kin.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...