Chapter Fifty

685 35 54
                                    






S T A C E Y

One hour earlier....

"Staku!!" Tawag ni Jho sa'kin habang nasa kitchen ako.

Nagbi-baby talk pa talaga.

Tumutulong kasi ako sa paglilipat ng mga pagkain kila Manang.

Nakangusong lumapit sa'kin si Jho at hinila-hila ang laylayan ng tshirt ko.

"Uyyyy! Staku!!!"

"Ano ba, Jho 'wag kang magulo." Saway ko sa kanya dahil saktong naglalagay ako ng spaghetti sauce dun sa noodles.

Kanina pa yan sya nangungulit na samahan ko daw syang lumabas kasi may ipapakita daw sya sa'kin.

"Pag ito natapon, hindi kita papakainin mamaya, 'tamo!?" Banta ko.

"Ihhh, samahan mo muna kasi ako." Nakangusong pangungulit nya habang hinihila ang damit ko. "Dali na!! Stakuuu!!"

Napabuntong hininga na lang ako saka nilapag muna sa mesa yung pot kung saan nakalagay yung sauce ng spaghetti bago humarap sa kanya.

"Ano ba kasi 'yon? Kitang may ginagawa yung tao, oh? Nang iisturbo ka. Ano ba 'yon?" Nakakunot ako ng noo at nakapameywang. "San ba pupunta kasi?"

"Basta! Lika na, sama ka muna sa'kin. May ipapakita lang ako sayo." Baby talk na naman si tanga.

Napailing na lang ako. Hindi talaga titigil 'to hangga't di ako pumapayag.

"Mamaya na lang nga kasi. May ginagawa pa kami dito, oh?"

"Mabilis lang naman, eh. Sila nanay na bahala dyan. Lika na, dali na!!" Kung kanina damit ko yung hinihila-hila nya, ngayon kamay ko na.

Parang bata naman 'to si mangga. Ang kulit! Hay naku!

Malalim akong napabuntong hininga saka bumaling kila Manang na kanina pa natatawa sa hitsura ni Jhoanna.

"'Nang, kayo na po magtuloy nito. Sasamahan ko lang po 'tong mangga na 'to at kanina pa nangungulit." Pagpapaalam ko.

"Sige lang, hija. Kami na bahala dito. Samahan mo na 'yan at baka umiyak na 'yan dyan." Sagot ni Manang habang nagpipigil ng tawa.

Napanguso naman si Jho pero kita sa mga mata nyang tuwang-tuwa sya kasi sasamahan ko na sya. Tsk!

"Sige po, 'nang. Alis na po kami. Pasabi na lang po kay Mommy kapag hinanap ako. Mabilis lang po kami."

Hinubad ko na yung suot kong apron saka bumaling kay Jho na nakangiting naghihintay.

"Tara?" Nilahad nya sa harap ko ang kamay nya.

Naiiling na bumuntong hininga ako at tinanggap yun.

"Siguraduhin mong matutuwa dyan sa ipapakita mo kundi bibigwasan ko talaga mukha mong mangga ka." Banta ko pero biro lang naman. Hindi ko naman kayang saktan tong babaeng 'to.

"Mm! Promise, matutuwa ka dun. Tara na!!" Excited syang tumakbo palabas habang hila-hila ako. Nagpatianod na lang ako at hinayaan syang hilahin ako palabas ng bahay.

Nadaanan pa namin sa sala sila Ate Aiah na nagtataka kung saan kami pupunta.

"May pupuntahan lang kami saglit! Bye!!" Sabi ni Jho bago pa sila makapagtanong.

"Huy, Ate Jho, san mo dadalhin 'yan si Staks?!" Sigaw ni Shee.

"Basta!!"

"Jhoanna, wag mo namang kaladkarin yung pinsan ko!" Sigaw din ni Ate Aiah.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon