Chapter Thirty-Four

1.6K 46 62
                                    

A/n:

Okay, para mas may thrill, dadagdagan ko kayo ng pag-ooverthink-an. 😏🤪😎

Hindi lang si Gwen ang may kapatid. Dalawa pa sa kanila ang meron. Yung isa, kasama din sa OT8 ang kapatid while yung isa is hindi.

Magpapa-guessing game ako sa mga readers para masaya. Mag-iiwan ako ng ilang mga clues sa bawat chapters, pero kayo na bahalang maghanap. I'll be mentioning the name ng makakahula.

So, good luck!

***********






C O L E T

Tahimik akong nakaupo sa gilid ng swimming pool habang nakalublob sa tubig ang dalawang paa ko at umiinom ng beer na nasa lata. Pasado alas dyis na ng gabi at tulog na halos lahat ng kasama ko dito sa bahay.

Hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan ko munang tumambay dito sa labas para magpahangin. Kumuha ako ng tatlong in-can beer sa ref para naman hindi boring.

Nakatingin lang ako sa kawalan habang umiinom at tahimik na pinag-iisipan ang nga bagay bagay. Mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay ko.

"Kaya pala wala ka pa sa kwarto. Andito ka lang pala." Wika ng taong naglalakad patungo sa gawi ko.

Kahit medyo madilim sa part na to, malinaw ko pa din naman syang nakikita. At kahit na hindi ko man kita ang mukha nya ay kilala ko pa din naman ang boses nya.

"Papahangin lang." Tipid na tugon ko at muling uminom sa lata ng beer na hawak ko.

Hindi sya nagsalita at tahimik lang na naupo sa may tabi ko pero may ilang dangkal na espasyo din sa pagitan namin kung saan nakalagay yung dalawa pang in-can beer na hindi ko pa nabubuksan.

Kinuha nya ang isa at binuksan bago uminom doon. "Ang daming nangyari nitong nakaraan. Feeling ko, parang sasabog na yung utak ko ngayon." Saad nya saka malalim na napabuntong hininga ay tumingin sakin. "Anong iniisip mo? Tahimik mo masyado, ah?"

"Bawal na ba 'kong maging tahimik kahit isang beses?" Pabalang na sagot ko kaya napaismid sya.

"Saya mo kausap, grabe. Tsk!" Sarkasikong wika nya bago umiling-iling. "Pero seryoso kasi, 'tol. Ang tahimik mo masyado ngayon, eh. May problema ba?"

Umiling ako. "Wala naman."

"Oh, e bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago."

"Nakakapanibago din pagiging tsismosa mo ngayon." Pabarang sagot ko sa kanya. "San napunta pagiging nonchalant mo?"

"Nasa bulsa ko. Nagkakape. Bwiset ka." Inirapan nya pa ako kaya mahina akong natawa. "Pero seryoso kasi. Ang tahimik mo ngayon."

"Nasanay ka lang masyado sa kaingayan ko. Para kang tanga dyan. Tsaka nagiging maingay lang naman ako kapag kaharap ko si Maloi, eh." Naiiling na wika ko na ikinatawa naman nya ng mahinga.

"Maloi, amp. May sarili pang call name, ah? Enemies pa ba talaga kayo? Para kasing hindi, eh."

"Dumi ng utak mo. Obvious namang enemies kami, diba? Ingay ingay ng babaeng yun."

"Sus? Kunwari ka pa. Pero hinahanap mo din naman kaingayan nya."

Nakuha pa talagang mang asar ng isang to.

"Pumasok ka na nga lang dun. Panira ka, eh. Kitang nagmo-moment ako dito."

"Moment daw tapos mag-isa ka lang dito?"

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon