Chapter Sixty

649 22 29
                                    


A   B   R   I   E   N

"It will take an hour before we get the results from your test." Wika ng doktor habang papalabas kami ng laboratory room kung saan ako kinunan ng blood and DNA samples. "Take a rest for now para hindi ka agad manghina kapag sinimulan natin ang blood transfution if ever na magmatch kayo ng pasyente."

I nodded. "It will match for sure, Doc. She's my sister so of course, we have the same DNA." I said confidently that made him laugh.

Nakakatawa ba sinabi ko? Sabi ko na lang sa utak ko at lihim na napailing.

"We can't be too confident about that. There are times na kahit magkapatid, hindi nagma-matched ang DNA results." Pagpapaalala nya.

"Depende siguro sa genes na namana sa parents, Doc. But in our case, it's very impossible na hindi kami magmatch." Sabi ko naman.

"Really, huh?"

"Yes, Doc. We're fraternal twins, after all. I mean, we'll surely have the same DNA, right?" I said and slightly tilt my head on the side.

Mukhang nakuha na din naman nya kung anong pinupunto ko dahil napatango-tango na lang sya instead of makipagdebate pa sya sakin.

Ang kulit kasi, eh. Ayaw pa maniwala na magma-match kami ni Yves. Hello? Magkapatid kami —— kambal actually so imposibleng hindi kami magma-match.

Magkaiba lang kami ng ugali but we completely have the same DNA's. Except na lang if may magtampered ng test result. And if ever man na may gumawa nyan, talagang babalatan ko sya ng buhay. Psh!

"I understand. She's your twin that's why you're so confident that you will match." Aniya saka bumuntong hininga. "Sya at maiwan na muna kita, hijo. I need to check your sister's condition. I'll just call you kapag lumabas na ang tests results. For now, magpahinga ka." Bilin nito sabay tapik sa balikat ko.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Sige, Doc. Salamat."

Pinanuod ko pa syang maglakad palayo hanggang sa makapasok sya sa loob ng ICU kung saan ino-obserbahan ang lagay ng kapatid ko.

Napabuntong hininga na lang ako ng malalim at naupo sa malapit na silya.

Aaminin kong kinakabahan pa din ako hanggang ngayon. Hindi dahil sa lagay nya kung hindi sa magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako. Hindi ko alam kung matutuwa sya o magagalit. Baka nga bugbugin pa ako 'non sa sobrang galit, eh.

Kilala ko magalit si Yves. Isang beses ko pa lang syang nakitang magalit noong nasira ko yung Harp nya dati nung nga bata kami. Kahit na aksidente ko lang na nasira yun pero sobrang nagalit sya lalo at regalo pa yun sa kanya nang namatay naming Lolo.

Malaki ang sentimental value 'non sa kanya kaya nung nasira ko yun, kulang na lang itakwil nya ako bilang kapatid.

Hindi sya madaling magalit pero kapag may nagawa kang kasalanan sa kanya o may nasira kang bagay na mahalaga sa kanya, hinding-hindi ka nya sasantuhin kahit kadugo ka pa nya. Lalo na kung nagsinungaling ka sa kanya. Pinakaayaw nya ng niloloko sya.

Kaya hindi ko mapigilang kabahan ngayon sa kung anong kahihinatnan kapag nakita nya ako at nalamanang buhay ako.

Muli akong napabuntong hininga at napasandal na lang sa kinauupuan ko. Napatitig na lang ako sa sahig at malalim na napaisip. Pero naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang may paang huminto sa tapat ko.

"I see. Ikaw pala ang taong matagal na nyang hinahanap." Seryosong wika nya.

Dahan-dahang umangat ang tingin ko mula sa paa nya hanggang sa mukha nya. Nakaharap sya sa direksyon papunta sa ICU. Nasa bulsa ang dalawang kamay at blangko ang mukha nyang nakatingin doon.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon