Chapter Forty-Six

1.1K 44 6
                                    




T H I R D P E R S O N

Alas siete pa lang ng umaga ay nasa baba na ang magkakaibigang Colet, Gwen at Mikha. Nagpahinga lang ang tatlo sa kwarto ng mga ito at iniayos ang mga inihanda nilang regalo para kay Stacey. Nakatulog din naman sila sa byahe kaya hindi na nila kailangang matulog ng mahaba.

At dahil wala naman silang magawa sa kwarto nila ay naisipan nilang bumaba na lang para umpisahang asikasuhin ang paglalagay ng mga decorations sa garden nila Stacey dahil doon nila gagawin ang simpleng birthday party nito.

Pababa na sana sila nang saktong lumabas din ang Mommy ni Stacey sa kwarto nito kasama ang dalawang babaeng nag-aalaga at nagbabantay dito. Nakaalalay ang dalawa sa ginang at marahang ginagabayan kung saang direksyon ito dapat na pumunta.

Hinintay ng tatlong makalapit sa may hagdan ang ginang at saka sila bumati dito.

"Hi po, Tita! Good morning po." Magalang na bati ni Colet sa tiyahin na agad naman syang nakilala dahil sa kilala nito ang boses nya.

"Nico? Good morning din, 'nak. Andito ka pala." Sagot ng tiyahin at inilahad nito ang kamay upang mahawakan sya.

Agad na hinawakan ni Colet ang kamay nito at nagmano. "Kasama ko din po sila Gwen, Tita. Pati si Mikha po, andito din."

"Ganun ba? Kompleto pala kayong tatlong gwapo ngayon." Saad nito.

"Good morning po, Tita Ivy." Sabay na bati ni Gwen at Mikha sabay mano sa Ginang.

Napangiti naman ito. "Good morning din sa inyo. Hmm, kayo lang ba? How about Lindtsey? Hindi nyo ba sya kasama? I want to greet her pa naman kasi birthday nya today."

"Kasama po namin sya, Tita. Nasa kwarto nya po siguro, nagpapahinga. Mag-uumaga na din po kasi kami nakarating kanina, Tita eh. Napagod po ata sa byahe si Staks." Sagot ni Colet.

"And it was her request din po sa'min na pumunta dito sa inyo coz' she wanted to celebrate her birthday with you po." Wika naman ni Mikha. "Actually po, Tita, may apat pa po kaming kasama. Yung mga transferees pong kasama namin sa bahay. One of them po is Ate Colet's cousin."

"Cousin? May kasama kang pinsan mo, Nico?" Takang tanong ng Ginang.

Kilala ni Ivy ang pamangkin, alam nyang hindi gaanong malapit si Colet sa mga pinsan nito maliban kay Stacey. Kaya nagtataka sya at may kasama itong isa sa mga pinsan nito.

Napakamot naman sa likod ng ulo nya si Colet at napangiwi. "A-Actually, Tita, ano po, eh. Uhm, d-dalawa po silang pinsan ko na kasama namin."

Nanlaki naman ang mata ng mga kaibigan nya at sabay pang napalingon sa kanya.

"Dalawa sa kanila yung pinsan mo?"

"How come we didn't know that?"

"Nagtanong ba kayo?" Pabalang na sagot nya sa dalawa. "Hindi naman kayo nagtanong, eh."

Napailing na lang ang dalawa habang mahinang natawa naman sa kanila ang mommy ni Stacey.

"Kayo talagang tatlo, naku! Hindi pa din kayo nagbabago." Wika nito. "Anyways, sinong mga pinsan ba ang kasama mo, Nico?"

"Ah, si Jhoanna po. Anak po ng kapatid ni Mama."

Napatango naman ang ginang. "Ah, yung bunso pala nila Kuya Benjie. Eh, sino yung isa pa?"

Medyo nag-alangan pa si Colet kung sasabihin nya ba o hindi. Pero dahil nabanggit na lang din nya kaya nagpasya syang sabihin na lang din.

Tumikhim muna sya bago sagutin ang tanong ng tiyahin. "S-Si.. uhm, a-anak po ni Tita Lou. Si Aiah-- I mean, si Ate Aiah po. P-Pinsan po namin ni Staks."

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon