A/n:Na-miss nyo ba ako?
Well, namiss ko din kayo. Hehehe!! Natupad na ang 100k reads natin kaya eto na ang next chapter.
Enjoy!!!
**********
G E L O
Ang sakit ng buong katawan ko ngayon, honestly. Pagkatapos ng ilang daang beses na tumama sa katawan ko ang latigo ng ama ko, hindi ko alam kung papanong buhay pa din ako hanggabg ngayon. Akala ko katapusan ko na nung gabing yun. Sobrang hinang hina na ako at wala na akong lakas na gumalaw pa pagkatapos ng parusang binigay ng ama ko sa'kin.
Sa totoo lang, wala akong ideya kung bakit nya ako pinarusahan nung gabing yun. Ni hindi ko nga maalala kung anong maling ginawa ko o kahit anong kapalpakan na nagawa ko, wala akong maalala na meron.
Gusto kong manlaban. Gusto ko syang kwestyunin pero mas malala ang magiging kapalit kapag ginawa ko iyon. Mapapahamak sya. Malalagay sa peligro ang buhay ng nag iisang taong natitira sa pamilya ko. At hinding hindi ko iyon hahayaang mangyari.
Kaya kahit na wala akong maling ginawa, tinanggap ko na lang ang parusa ng d*monyo kong ama. Alam kong darating ang araw at magagawa ko ding maghigante at makuha ang hustisyang matagal ko nang inaasam. Malapit na. Konting tiis pa.
Bumuntong hininga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Umaga na naman. Pang isang linggo ko na ata sa loob ng kwarto na 'to dito sa ospital mula nang gabing yun.
"Gising kana pala. I bought breakfast." Napalingon ako sa taong nagsalita na syang kakapasok lang ng kwarto ko.
Tumango lang ako saka binalik din sa labas ng bintana ang tingin ko. "Xin?"
"Oh?" He responded while taking the food out of the paper bag.
"Nabanggit mo kahapon na bumisita ka sa puntod ng parents mo, diba?"
Napahinto sya sa ginagawa nya kaya nilingon ko sya. I saw him staring on the floor, his facial expression were mixed of sadness and anger. Napansin ko din ang bahagyang panginginig ng mga kamay nya like he's trying to control himself and his anger.
I stared at him for a minute, waiting for his answer. And after a long minute of being silent, I heard him sighed deeply while his eyes were tightly shut.
"Mm. I did." He said and resume what he's doing, settling the food on the tray. "Bat mo natanong?" Dugtong nya at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.
Tipid lang akong ngumiti at muling tumingin sa labas ng bintana. "I'm just curious."
"Curious saan naman?"
"Sa kung anong na-feel mo when you visited your parents grave." Sagot ko kasabay nang pagbabago ng ekpresyon ng mukha ko. "Were you happy? Sad? Angry? Mga ganung feeling." Nilingon ko sya at tinaas ang dalawang kilay ko. "Ano na-feel mo?"
Hindi sya agad sumagot at nanatiling nakatitig lang sa'kin. Parang ina-annalyze pa nya kung seryoso ba ako sa tanong ko o hindi.
Maya-maya ay mahina syang bumuntong hininga kasabay ng pagkibit ng balikat nya. "Hmm, sakto lang."
"Ha? Sakto lang na?"
"Yung naramdaman ko, sakto lang. Saktong lungkot. Saktong galit. Saktong saya. Ganun." Aniya na parang wala lang saka naglakad palapit sa hospital bed ko bitbit ang tray na may lamang pagkain at tubig. "Oh, kumain kana nang lumakas kana ulit. Nakakapagod kang alagaan, eh. Tsk!" Sabay irap pa nya pagkalapag ng tray sa may lap ko.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...