C O L E T
Matapos ang halos tatlong oras na pagstay namin sa bahay nina Staku, ay nagpaalam na din kaming babalik na ng Maynila. Aabutin na kami ng lagpas alas dos bago mabalik ng Maynila.
Nagpahatid kami sa driver ni Stacey at pinabaunan naman kami ni Manang ng makakain namin para sa dinner. Para hindi na daw kami huminto sa mga kainan at diretso lang ang byahe namin.
Nagpasalamat kami saka umalis na kami. Tulog ang Mommy ni Staku pag alis namin kaya hindi na sya nakapagpaalam pa ng maayos. Humalik lang sya sa pisngi at noo nito at binilinan ang mga nagbabantay sa Mommy nya na bantayan ito ng maayos. At kapag nagkaproblema ay tawagan agad sya.
Bago kami tuluyang lumabas ng Nueva Vizcaya ay may dinaanan kami saglit. May binisita lang si Staku at halos ten minutes din syang nagstay dun. After 'non ay bumyahe na kami pabalik ng Maynila.
Habang nasa byahe ay panay ang pagkukwento ni Staku. Nakikinig lang naman ako at hinayaan lang syang magdadaldal. Hanggang sa napagod sya at nakatulog din.
At habang tulog sya ay naisipan kong tawagan yung dalawa. Kanina ko pa kasi iniisip kung kumusta na yung dalawang yun.
Kinuha ko yung cellphone ko sa maliit na beltbag ko at idinial ang number ni Gwen.
Dialing...
GwenchanaNakailang ring dim bago nya sinagot.
"Yes?"
Napairap ako. "Wala man lang hello? Nagye-yes ka dyan, hindi naman ako nagtatanong." Pabirong sabi ko pero hindi sya sumagot kaya napairap ako ulit at napabuntong hininga. "Anyways. Nakauwi na kayo?"
"Yes. Kayo?"
"Obvious naman na hindi pa kami nakakauwi, diba?" Sarkasitkong sagot ko sa tanong nya. "Pero pauwi na kami. Kakalabas lang namin ng Nueva Vizcaya."
"Okay."
"Si Manok na Pula nasan?"
"Rooftop."
Napatango-tango ako. Kahit hindi nya i-elaborate yung sagot nya, gets ko na kung bakit andun yun. Nagmumuni-muni na naman ang buang na yun.
"Si Yves, hinahanap ka." Wika ni Gwen na ikinagitla ko.
Hindi ako agad nakasagot at napangiwi ng bahagya. Tumikhim ako ng isang beses bago sumagot. "P-Pakihanap ng paki ko, Gwen." Umirap pa ako.
"Sus. Natameme ka nga saglit. 'Wag ako, Cols. I know you." Nang aasar na wika nya.
"Ewan ko sayo. Bye na nga. Sana pala di na kita tinawagan. Piskit ka. Hmp!" Sa inis ko ay binabaan ko sya ng phone.
Langyang Gwenchana 'yun. Tsk!
Ano naman kung hinahanap ako nung OA na yun? Anong gagawin ko? Close ba kami? Psh!
Napairap na lang ako at malalim na bumuntong hininga. Naisipan ko na lang na matulog saglit dahil malayo pa naman ang byahe.
Pero papapikit la lang ako nang biglang magvibrate yung phone ko. Kunot noo kong kinuha yun sa gilid ko at tinignan.
*One message received*
Kaagad kong in-unlock ang phone ko at tinignan kung sinong nagmessage. Pero nagsisi din ako agad na tinignan ko pa kung sinong walang hiyang nagmessage.
From: Gwenchana
Sabi ni Yves, miss kana daw nya. 🤭 Bilisan mo na daw umuwi.Yiee. Naol.🙄😏
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...