Y V E S
Mabilis na dumaan ang mga araw at linggo at natapos na din ang buwan ng Hunyo. Meaning--July na, mga bebs.
Alangan naman bagong taon na or August, ganern? Bilis naman ng ikot ng mundo sa inyo.
Sa amin kasi sakto lang. Yung sixty minutes per hour--charot! Joke lang. Waley yung joke.
Kung sinong tumawa--baliw ka na. Patingin kana, teh. Baka need mo na ma-check ng albularyo--albularyo? Di joke lang.
Eto na, seryoso na. Baka may sumakit ang tiyan sa kakatawa dyan. Kasalanan ko pa. Lol.
Anyways, gaya ng sabi ko. July na ngayon. Pa-second week pa lang naman ng July, mga besh. Kalma.
Wala namang masyadong ganap nitong mga nakaraang araw at linggo. Wala kaming ibang ginawa kundi ang pumasok, mag-aral, tapos uwi na. Yun lang.
Boring di'ba? Lalo na ngayon.
Dahil Sabado ngayong araw, andito kami sa bahay, nakatengga. Alangan naman nasa Divisoria-shet!!!
May nakalimutan pala ako. Buti naalala ko. Luh?
Nakalimutan tapos naalala? Baliw lang? Chz.
So, yun nga. Naalala ko na kailangan ko palang bilhan ng bagong baso ang Mahal naming Prinsipe na pinaglihi sa sama ng loob.
Kasi nga kung naalala nyo, nabasag ko yung paborito nyang baso--accidentally, ah! Hindi ko sinadya yun. Wag kayong ano dyan.
Malay ko ba kasing andun sya tapos may dala pala syang baso. Ayun, nasagi ko. Ending, basag yung baso.
Sayang nga kasi hindi yung bungo nya yung nabasag, eh. Joke!
Speaking of, kakagising lang ni Anger. Pababa pa lang sya ngayon, teh. Alas nuebe na. Tanghali na tapos ngayon lang nagising ang mahal na prinsipe.
(A: Paalala. Sabado ngayon, teh. Walang pasok. No need gumising ng maaga.)
Ay, oo nga pala. Sornaman.
So, ayun nga. Kakababa pa lang nya ngayon. Actually, sya na lang atsaka si Mikha ang hindi pa bumababa.
Kung nagtataka kayo kung bakit Mikha na ang tawag namin kay Mikha--the answer is, yun ang gusto nya.
Masyado na daw common yung MJ kasi yun na tawag sa kanya sa buong campus. Kaya kaming mga kasama nya dito sa bahay, Mikha na lang ang tawag sa kanya.
Si Ate Aiah nga kompleto, eh. Mikha Lim. Owshi! Sanaol, may sariling call name. Uwu.
Basta! Wag na kayo magtanong. Wala ako sa mood sumagot. Hehe. Joke.
Anyways, andito kami sa sala. Ako, at yung apat na OA. Si Gwen, ewan ko kung nasan. Lulubog lilitaw yung isang yun, eh.
Sobrang tahimik kasi. Nonchalant si Ante mo. Sa sobrang pagka-nonchalant, para na syang kabute minsan. Jusko!
Nagugulat na lang kami, biglang nasa likod na namin sya. As in di man lang namin naririnig yung yabag nya or yung presence nya, di namin nafi-feel kapag dumadating sya.
Kapag dumating sya, andyan lang sya. Tatayo lang 'yan sa may likod namin or sa isang gilid. Tapos kaming mga walang alam, nagugulat sa kanya lagi.
Pero si Ate mo, no reaction pa din. Titignan lang nya kami, then wala na. Yun na yun. Nonchalant nga, eh.
"Ang boring!" Lahat kami napalingon bigla kay Staks dahil sa lakas ng pagkakasabi nya.
"Nakakagulat ka naman!? Jusko! Parang biglang umalis yung kaluluwa ko sa katawan ko ng one second." Sabi ni Jho habang nakahawak pa sa dibdib nya ang gaga.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...