Dahil mabait ako, I'll give you a little sneak peeks for the big plot twist of this story.
Hulaan nyo na lang kung sinong mga involved na tao. ☺️
**********
"Who's the nearest kin of the patient?" Tanong ng doktor pagkalabas nito sa OR.
Nagkatinginan ang mga taong nasa labas ng OR at naghihintay ng balita sa kalagayan ng taong nasa loob ng operating room at nag-aagaw buhay.
"Ako po, Doc." Agad na lumapit ang dalaga sa doktor. "Pinsan nya po ako. Ano pong lagay nya?"
Malalim namang bumuntong hininga ang doktor. "Sa ngayon, medyo stable na ang lagay nya. Natanggal na namin ang dalawang bala sa katawan ng pasyente. But I'll be honest with you. The patient is still in critical condition. Bukod sa tumagos sa kaliwang baga nya yung isang bala, maraming dugo din ang nawala sa kanya. Kailangan nyang masalinan ng dugo or else mas malalong malalagay sa alanganin ang buhay nya." Malumanay na wika ng doktor.
Halos manghina naman ang tuhod ng dalaga. "G-Gaano po kadaming dugo ang kailangan? Ako, pwedi nyo kong kunan ng dugo." Mangiyak ngiyak na ang dalaga maging ang mga kasama nya.
"We're doing our best, don't worry. The problem is, her blood type is very rare. We don't have that type of blood in our hospital. So, kailangan natin makahanap ng blood donor. And kahit na pinsan mo ang pasyente, hindi 100% sure na magma-match kayo. We need a person that have the same blood type as hers. I suggest na mismong magulang ng pasyente ang magdonate ng dugo since it would be a hundred percent sure na mag-match sila. Or kahit isa man lang sa kanila ang mag-match sa pasyente."
Mas lalo namang naiyak ang magkakaibigan sa sinabi ng doktor.
"Yun ang problema, Doc. W-Wala na po ang parents nya." Nanghihinang saad ng dalaga. "W-Wala na po bang ibang paraan?"
"Subukan nyong magtanong sa ibang ospital or sa mga blood banks. Baka meron silang stock dun. We need 4 bags of blood for the patient. You need to hurry. Kailangan nyang masalinan ng dugo by the end of this day or else mas malalagay sa alanganin ang lagay ng pasyente." Saad ng doktor.
Tumango naman ang dalaga at agad na nagpaalam para umalis at simulang maghanap ng dugo para sa pinsan.
"Mikhs, samahan mo 'ko. Gwen, maiwan kayo dito. Just message or call me kapag may nangyari dito. Mikhs, tara!"
Akmang aalis na sana silang dalawa nang biglang may dumating na taong hindi nila inaasahan.
Agad na nag-init ang ulo nya nang makita ito at agad na sinugod at malakas na sinuntok.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng ginawa mong hay*p ka!" Galit nyang pinagsusuntok ang lalaki na ngayon ay nakahiga na sa sahig.
Lumapit naman agad ang mga kaibigan nya at hinila sya para awatin.
"Bitawan nyo ko! Papatayin ko 'yang hay*p na 'yan!" Nagpumiglas sya pero hindi sya binitawan ng mga kaibigan.
"Hindi ka na dapat nagpunta dito." Seryosong wika ni Stacey sa lalaki na ngayon ay sinusubukang tumayo.
Dumudugo na din ang ilong at labi nito at may pasa na din sa gilid ng mata nito dahil sa ilang beses na pagsuntok sa kanya.
"Umalis kana. Kung ayaw mong matuluyan ka dito, umalis kana." Saad ni Colet.
"Hindi naman... hindi naman ako nagpunta dito parang m-manggulo." Saad ng lalaki habang nakatulod ang isang braso sa pader. "I'm here to help."
"Help? Siraulo ka ba?! Pagkatapos nang ginawa mo ngayon tutulong ka? Gago ka ba?!" Gusto sana nyang sugurin ulit ang lalaki pero mas lalong hinigpitan ni Colet ang pagkakahawak sa kanya at humarang na din si Mikha.
"I-I'm sorry, okay? I... I didn't mean to do those things. K-Kung alam ko lang na... na aabot sa ganito lahat... I'm sorry. J-Just let me help. Please? I know she needs me." Wika ng lalaki. "N-Narinig ko yung sinabi ng doktor. S-She needs blood, right? I can donate—no. I will donate. K-Kahit gano pa kadaming dugo ang k-kailangan nya, kahit ubusin nyo pa yung dugo ko para mabuhay sya, do it. Just... please! Hayaan nyo kong tumulong."
Nagkatinginan ang magkakaibigan at pare-parehong naguguluhan sa inaasta ng lalaki.
Napailing sya. "Nahihibang kana ba? Papano naman makakatulong yung dugo mo, eh hindi naman kayo magkaano-ano?"
"You're wrong. We're related." Wika ng lalaki.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Colet. Lahat sila ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa lalaki. "Papano kayo naging related sa isa't isa?"
Malungkot na ngumiti ang lalaki. "W-We're siblings. M-Magkapatid kami."
"ANO??!"
*********
Bitin? Hahahaha! Deserve! Joke.
Gang dyan muna. I'll post an update later. Forda sneak peek lang muna tayo sa twist.
Ps: Hindi yan about sa next chapter ah. Baka malito kayo.
Hulaan nyo kung sino yung 'pasyente' at yung lalaking nagpakilalang kapatid. 😏🤔🤭
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...