Y V E S
Friday naaa!!! And last day na ng practice namin today at bukas pahinga na namin buong araw. Bukas ng gabi na 'yung WP at ngayong araw ibibigay yung Invitation.
Excited na ako lalo na kasi tumawag si Tito Elton kaninang lunch break. Na-deliver na daw yung mga susuotin namin para bukas sa WP. Dress sa amin nila Shee at Aiah, tapos suit naman kay Jho.
Ewan ko ba dun. Sawa na daw sya magdress kaya magsu-suit sya sa party. Anyways, okay lang din naman na magsuit sya kasi pinayagan ng Dean na magkaron ng freedom yung mga estudyante na pumili ng susuotin nila between dress and suit. And suit ang gusto ni Jho kaya yun yung susuotin nya for tomorrow.
Waaaahhhh!! Excited na ko makita yung dress kooo!!! Malapit na din kami matapos magpractice ngayong hapon. Grabe, buong maghapon kami nagpa-practice. Actually, 8 days yung binuno namin para lang sa Cotillion.
Ang daming nadagdag na steps at may mga formations. May mga mahihirap na steps lalo na yung sa may last part ng sayaw.
Then kapag may formation kaming binubuo, syempre hindi nawawala yung magkakabanggaan accidentally. Though, wala namang natutumba sa amin, fortunately. Basta ang hirap din kasi ng palipat lipat ng pwesto, eh. Tapos yung steps na gagawin kapag lilipag kayo ng pwesto ng partner mo, beh!! Ang hirap ng iba!
Good thing at nakukuha naman namin sya ni Maki------pero hindi sya yung totoong partner ko, ah. Temporary lang.
Pero infairness, ah? Ang galing nya sumayaw at ang bilis nya makuha yung mga steps namin. At mahaba yung pasensya nya, ah kaya nagkakasunod talaga kami.
Well, I hope kung sino man yung totoong partner ko, sana hindi sya magkamali ng steps bukas. Tatandyakan ko talaga sya.
Pero excited na talaga ako para bukas. Though, medyo kinakabahan din. First time ko lang kasing a-attend sa ganitong party sa school. Di ko pa naman kasi naranasan mag-Prom since umalis kami ng SBA, magti-3rd year pa lang kami. So di na namin naabutan yung Prom Night sana dun pero sa next year pa naman yun.
Anyways, baka may prom night din naman dito sa Feb. So, okay lang. Hahahaha!
Tsaka eto nga, oh? 2nd week pa lang ng school year may party agad. Parang prom na din 'to since naka-formal attire lahat.
Yiee!! Excited na ko para da dress kooooo!!!
"Uy, teh? Para kang tanga dyan. Naiihi ka ba?" Kunot noong tanong sa'kin ni Shee.
Nakaupo kasi kami sa lapag since binigyan kami ng thirty minutes break ng instructor namin. Magkakasama kaming apat at nakaform kami ng circle habang nakaupo sa lapag.
"Parang nabubuang kana dyan, Te Yves." Sabi pa ni Jho habang si Aiah naman, natatawa lang.
"Ang judgmental nyo, ah? 'Di ba pweding masaya lang yung tao? Nae-excite, ganon? Hmp!" Inirapan ko sila ng pabiro pero tinawanan lang nila 'ko.
"Yung mukha mo kasi parang ewan. Kahit sino iisiping nabubuang ka na dyan. Ngumingiti ba naman kasi mag-isa." Naiiling na sabi ni Jho.
"Ih, excited nga kasi ako. Kasi diba, last day na ng practice natin today tapos magdi-distribute na ng invitations and bukas na yung WP. Pero mas nae-excite akong umuwi ngayon kasi..." nginitian ko sila at tinaasan ng dalawang kilay.
"Kasi?" Duet pa talaga sila nyan, ah.
"Kasi...... nasa bahay na yung mga susuotin natin para bukas!!" Masayang sabi ko.
"Oh em gee!! Talaga?"
"Shuxs!!!"
"Seryoso?"
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...