Y V E S
"Magkapatid si Jhoanna at Ate Colet, Mom. Si Jho ang nawawalang anak nina Tito Nick at Tita Suzette."
Gulat kaming napatingin lahat kay Staks nang sabihin nya yun. Pare-pareho kaming napakurap-kurap habang nakatingin sa kanya. Kahit si Tita Ivy ay napabaling sa kanya kahit hindi direktang nakatingin sa kanya.
"What did you say, 'nak? Kapatid ni Nico si Jhoanna?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Tita Ivy.
Napayuko lang naman si Staks at malalim na bumuntong hininga. Nilingon ko si Jho na nakatingin kay Staku. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nya. Pero malinaw kong nakikita ang lungkot sa mga mata nya.
Napailing na lang ako at tahimik na bumuntong hininga. Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming walo. Nagpapakiramdaman kung sinong magsasalita at magpapaliwanag pero...
"U-Uh...p-pweding mamaya nyo na lang pag-usapan 'yan? Kain na tayo, oh? Nagugutom na 'ko, eh." Biglang singit ni Sheena kaya napatingin kami sa kanyang pito.
Nakangiwi naman syang tumawa at nagpeace sign pero ngumuso din pagkatapos habang hinihimas ang tyan nya. Gutom na nga ang bruha.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa hitsura nya o babatukan sya dahil sa kalokohan nya. Pagkabuang talaga neto.
Pero atleast, nabasag din yung katahimikan at medyo nawala yung awkwardness.
"Uhm, I think we should eat na nga po, Tita. Lalamig na po yung foods." Segunda ni Ate Aiah.
Natigilan saglit si Tita Ivy pero tumango din bilang pagsang ayon. "Yeah. You're right. Sige na, kain na muna tayo."
Nagkatinginan naman kaming walo at pare-parehong napakibit ng balikat.
Since buffet style yung arrangement ng mga pagkain, need naming tumayo para kumuha dun sa buffet table. Ako na unang tumayo at kinuha yung platong nakalagay sa harap ko.
"Tara na, girls." Yaya ko atsaka tinungo ang buffet table para kumuha ng pagkain.
Sumunod na din agad si Sheena kasama si Ate Aiah, Gwen at Staku na dalawang plato ang bitbit, yung isa sa kanya at yung isa para sa mommy nya.
"Tara na, Ate Colet. Jho." Rinig kong yaya ni Mikhs dun sa magkapatid.
"Mm." Ewan ko kung sino dun sa magkapatid ang tumugon, nakatalikod ako, eh.
Nagfocus na lang ako sa pagkuha ng pagkain at ganun din yung lima. Ang daming pagkaing hinanda sila Nanay Luz. Hindi pa kasama yung malaking cake na binili nina Mikha kanina sa isang bake shop dun sa labas. Hindi ko na iisa-isahin at tinatamad ako. Basta madaming pagkain.
After kong kumuha ng pagkain bumalik na ko sa pwesto kung saan ako nakaupo kanina. Parang gaya nung sa birthday ni Gwen yung pagkakaayos namin sa garden. Ang kinaganda lang kasi yung garden nila Staks, may part na nakaangat sa lupa na gawa sa kahoy. Pero open sya.
Yung balloon arc na ginawa nila anger kanina nilagay namin sa magkabilang side nung halaman na nakakapit sa screen na gawa sa bakal. Makapal yung halaman plus saktong bukadkad yung mga flowers kaya yun na lang ang ginawa naming background kasi sa tapat 'non namin nilagay yung upuan ni Staks mamaya. Dun sya uupo mamaya para para sa picture takings namin.
Princess na princess ang design ng upuan, wag kayo. Grabeng effort nung tatlong papi kanina para magawa yun. Tapos gumawa pa sila ng flower crown para kay Staku.
Grabeng princess treatment, beh! Di ko keri. Charr! Medyo naiinggit lang ako ng slight. Sana all pini-princess treatment, ano? Yung literal, ah.
"Lahat na ba kayo nakakuha na ng food nyo?" Tanong ni Tita Ivy after ilapag ni Staks yung plato nya sa tapat nya.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...