Chapter Forty

1.5K 43 30
                                    




G      W       E       N

After securing a birthday gifts for our Princess, we went to the AZ (Arcade Zone) to pick up the girls. Nag-aaya kasi silang manuod ng sine and they want us to pick them up there.

The cinema is on the second floor lang din naman so parang susunduin lang namin sila dun then, diretso na kami sa sinehan. I don't know if anong panunuorin namin. Depende siguro sa trip nila.

Pagdating namin sa AZ, nagulat kami kasi may naririnig kaming parang nagsasagutan sa loob. Nasa labas pa lang kami pero rinig na yung pagsasagutan ng kung sino mula sa loob.

Base sa boses, parang babae at lalaki yung nagsasagutan. Pamilyar sa'kin yung boses pero di ko matukoy kung kanino. Tapos hindi pa namin makita since may mga taong nagkukumpulan sa kung saan nangyayari yung sagutan.

"Sino yun? Bat parang may nag aaway?" Takang tanong ni Colet habang nakatayo kami sa labas ng AZ.

"Let's find out. Come on!" Nauna nang pumasok si Mikhs kaya sumunod na din kami.

Nakisingit kami sa mga taong nagkukumpulan hanggang sa makarating kami sa gitna. And we got shocked when we saw the girls arguing with five random guys.

Yes, the girls.

Nasa unahan si Ate Aiah, Yves pati si Jho habang nasa likod nila si Stacey at Shee na parang pino-protektahan nila.

What the hell is goin on here? Why are they arguing with these guys?

Kunot noo akong nakatingin sa kanila at alam kong pati yung dalawa nagtataka din at naguguluhan sa nangyayari.

"Ang kukulit nyo naman, eh!? Hindi ba kayo makaintindi, ha? Mas nauna kami sa inyo dito tapos gusto nyong sumingit? Adik ba kayo?" Naiinis na sabi ni Yves na napapagitnaan ni Ate Aiah at Jhoanna. "Tsaka ang dami namang ibang games na pwedi nyong laruin, ah? Bat di kayo mamili dun? Nakikigulo pa kayo dito, eh may naglalaro nga."

"Tigas talaga ng bungo nito. Eh, sa yan nga ang gusto naming laruin! Nakakaintindi ka din ba, ha, Miss?" Sagot naman nung isang lalaking medyo matangkad at may blond na buhok.

"Isa pa, Miss, hindi naman bagay sa inyong maglaro nyan. Hindi 'yan bagay sa mga babae." Dagdag pa nung lalaking nakatop knot yung buhok.

"Ay wow? May gender basis na pala sa paglalaro nito? May ganung rules na pala dito sa Arcade? Di naman yata kami na-inform tubgkol dyan." Sabi naman ni Stacey na sigurado akong nakataas na ang kilay ngayon.

"Wag kang maniwala sa pinagsasabi nyan, Staks. Walang ganung klaseng rules dito." Sabi ni Jho bago humarap ulit dun sa mga lalaki. "Imbento din kayo. Inyo na ba 'tong mall at kung makaasta kayo, para kayong mga kung sino?"

"Wala kang pakialam, Miss. Basta umalis kayo dyan kung ayaw nyong masaktan. Tabi!" Sabi nung lalaking medyo maliit at itim ang buhok bago tinabig si Yves na muntikan nang matumba.

Hindi ko alam kung anong nangyari basta nagulat na lang ako andun na agad si Colet at sinalo nya si Yves.

Eh?

"Loi!"

"Ate Yves!!"

Sabay sabay na sigaw ng girls nung tinabig nung lalaki si Yves papunta sa direksyon namin. Halos dalawang dipa din ang layo namin sa kanila at talagang babagsak sa sahig si Yves.

Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Cols at nakakilos sya agad para saluhin si Yves.

"Ayos ka lang?" Malumanay na tanong ni Cols kay Yves na gulat namang tumango.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon