Chapter Thirty-Two

1.3K 48 61
                                    

G W E N

"Okay class, dismiss. Enjoy your lunch break." Sabi ng Math teacher namin bago sya lumabas ng room.

"Enjoy your lunch break daw pero yung mukha parang sinusumpa tayong sumakit mga tiyan natin. Kaloka to si Miss." Bulong ng isang kaklase kong lalaking frontmate ko.

"Oo nga. Nakuha pang mag-overtime, amp!"

"I'm so hungry na, my God!"

"Oh, edi arat na. Tomguts na din ako."

"Geh, arat!"

Napailing na lang ako at hindi na pinansin ang mga bulungan nila ng mga katabi nya. Nakalabas naman na yung teacher namin kaya safe silang hindi marinig yung pinagbubulungan nila. Except na lang if may magsumbong.

Good luck na lang.

Inayos ko na yung mga gamit ko at ganun din ang ginagawa nina Aiah at Yves. Samantalang si Colet, nakayupyop lang sa armrest nya.

Natulog ang bugok buong klase. Buti na lang hindi sya napansin nung teacher since nasa pinakalikod kaming seat nakapwesto.

"Loi." Tawag ko kay Yves na nag-angat naman sakin ng tingin.

"Hm? Bakit?"

Inginuso ko si Cols. "Pakigising naman 'yan."

Agad na nalukot ang mukha ni Yves at umiling. "Naku, Gwenny. Baka sapakin ako nito kapag ginising ko. Baka magkaron pa 'ko ng black eye dito. Ikaw na lang, beh."

"Pfft!" Pigil tawa naman ni Aiah.

Napailing na lang ako atsaka bumuntong hininga. Tumayo na ako sa upuan ko at lumapit kay Cols saka ito tinapik sa balikat ng marahan para gisingin.

"Cols. Gising na." Wika ko pero umungot lang ang bugok at hinawi ang kamay ko. "Tsk! Huy!"

Tinapik ko sya ulit kaya nagalit.

"Ano ba!? Natutulog yung tao, eh." Iritang sabi at yumupyop ulit sa arm rest nya.

Naiiling na napabuntong hininga na lang ako. Napakahirap talaga gisingin ng isang 'to. Hampasin ko kaya? Di joke lang.

Tatapikin ko sana ulit sya pero pinigilan ako ni Yves.

"Ako na, Gwen. Ang soft mo naman manggising, eh. Akong bahala, don't worry. Gigisingin ko lang." Aniya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at mapakibit balikat na lang. Lumayo na ako dun at tumayo malapit sa upuan ko para hintayin sila. Tumayo na din si Aiah na parang kinakabahan pero natatawa din sya at the same time.

Kumunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong. Baka may ini-imagine lang sya kaya hinayaan ko na lang.

Binalik ko kay Yves ang tingin ko na nakangisi habang nakatingin sa natutulog na si Colet. Nakatayo na sya sa tapat ni Cols at marahang isinu-swing ang kanang braso nya at may hawak syang notebook.

Huh? Ano naman kayang gagawin nito para magising si Cols? Tanong ko sa utak ko habang nagmamasid at naghihintay.

"Ayaw mong magising, ah? Hmm, pwes tignan natin kung 'di ka magising dito sa gagawin ko." Rinig ko pang bulong nya at pagkatapos ay....

*BLAGGG!!!!*

Nagitla ako at pati na din si Aiah nang biglang hampasin ni Yves ng malakas yung upuan nya gamit yung notebook na hawak nya. At dahil dun ay biglang napabalikwas si Cols at agad na luminga sa paligid habang nanlalaki ang mga mata.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon