Chapter Fifty-Two

827 22 41
                                    

A/n:

Una sa lahat, pasensya na if natagalan ang update. Nagkasakit na naman kasi otor nyo gawa nang naulanan nung isang araw.

Tsk! Ewan ko ba bat ang hina ko pagdating sa ulan. Lagi na lang nagkakasakit. Hays!

Anyways, eto na ang chapter 52. Wala akong maisip na title. Suggest na lang kayo at ilalagay ko bukas.

Enjoy!!

***********






C O L E T

"Oo."

Lahat kami ay biglang napatingin sa taong sumagot sa tanong ni Staku. Si Jho. Sya ang sumagot instead na si Maloi.

Nakatayo sya sa may likod nina Gwen at Sheena at diretsong nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya.

Oo? Ibig sabihin...?

"Magkapatid kami." And that answered the question running in my head.

Napaawang ang bibig ko at mas lalong naiyak dahil sa sinabi nya.

Sya? Napailing ako ng ilang beses habang lumuluha. S-sya si Naiah? Sya ang kapatid ko? Pero...

I saw her glanced at Stacey. Gaya ko, panay na din ang pagtulo ng luha ni Stacey at alam na alam kong masakit para sa kanyang malamang magkapatid kami ni Jho.

The pain was visible on Stacey's face while staring back at Jhoanna. She's hurt.

At nang lingunin ko ulit si Jho ay nakita kong pati sya umiiyak na din. Tumutulo na din ang luha nya at kitang kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata nya.

No..

"Sandali!" Lahat kami napatingin kay Shee nang bigla syang sumigaw.

Nagpalipat lipat ang tingin nya sa amin ni Jho na parang hindi makapaniwala sa narinig at nalaman nya.

Kahit ako naman. Hindi din ako makapaniwala.

"M-Magkapatid kayo?" Turo nya sa'kin at kay Jho na hindi naman sumagot sa kanya. "Ate Jho? K-Kapatid mo si Ate Colet? Seryoso ba 'to? Teka-- pano? Pano kayo naging magkapatid?"

Hindi na maipinta ang mukha ni Sheena at halatang gulong gulo sya sa nangyayari.

Kung alam mo lang, Shee. Kung alam mo lang...

Napayuko na lang ako habang nakakuyom ang mga kamay ko. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko.

Mariin akong pumikit at pinakalma ang sarili ko pero hindi matigil ang mga luha ko sa pagtulo. Ayaw din paawat ng piskit na luhang to.

Nasa tabi ko pa din si Maloi at mukhang naramdaman nya ang magkahalong tensyon at awkwardness sa pagitan naming lahat.

Tumikhim sya at marahang tumayo. "Uhm, girls. I think... I think we should leave them muna." Aniya at palihim akong sumang ayon.

Tama sya. Kailangan muna nilang umalis.

"Huh? Bakit, Ate Loi?" Napapikit ako dahil sa tanong ni Shee.

"Shee, kailangan nila ng time para makapag-usap."

"Tama si Loi, Shee. We should give them space para makapag usap silang.. m-magkapatid." Pagsang ayon ni Ate Aiah. Pero ewan ko kung ako lang ba ang nakapansin na may diin ang pagkakasabi nya ng word na magkapatid.

Ate Aiah knows about my missing sister pero pareho kaming walang kaide-ideyang si Jhoanna pala ang nawawala kong kapatid. And we both know about Stacey's feelings for Jho at ganun din kay Jho. Alam naming lahat na may gusto ang dalawang yun sa isa't isa.

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon