Chapter Sixty-One

461 19 5
                                    

S  O  M  E  O  N  E

"Fuhé." Magalang na yumuko ang dalaga sa harap ng isang may katandaan ng lalaki.

Iaangat na sana nya ulit ang ulo nang may bigla syang marinig na binato nito papunta sa kanya kaya mabilis syang umilag. Nang lingunin nya ang bagay na tumama at bumaon sa pinto ay nakita nyang isang kutsilyo yun na kung hindi nya nailagan ay siguradong sa katawan nya babaon.

Ngumisi ang lalaki. "Impressive. You're improving. But still a little slow." Wika nito at doon nya lang napansin ang maliit na hiwa nya sa braso.

Napayuko sya at hindi nakaimik. Nakaramdam sya ng bahagyang pagkapahiya dahil sa nangyari at itinatak sa isip na kailangan nya pang pag igihan ang pag eensayo.

"How's the mission I gave you?" Tanong ng lalaki habang humihithit sa hawak nitong tabako.

Kaagad naman syang sumagot. "It's going well, Fuhé."

"They trust you now?"

"Not yet but I'm almost there." Sagot ng dalaga at napailing lang naman ang lalaki.

"You've been with them for so many years now and yet, you still haven't completely gain their trust. What's taking you so long?"

"I'm doing my best. It's just they're too cautious. Especially that Primus. She's too observant, watching everything I do. I need to be careful or else she'll find out I'm a spy." Sagot nya at kinakabahan sya sa magiging reaction ng lalaki.

Napabuntong hininga naman ang lalaki saka tumayo mula sa swivel chair na inuupuan nito at naglakad patungo sa may floor to ceiling glass.

"That Primus is really getting on my nerves. We need to get rid of her or she'll continuosly get in our way." Madiin at seryosong saad ng lalaki na nagbigay sa kanya ng matinding kaba. "I will send Xion to get rid of her. And you. Focus on your mission. Find the heiress of the House of Fernàndez and bring her to me."

"Shì." Madiing sagot nya kahit na nagdadalawang isip sya kung gagawin nya ang inuutos ng lalaki o hindi.

'Bahala na.' Aniya sa isip habang nakayuko.

"You can go now." Utos ng lalaki at tumango naman sya saka agad na lumabas ng opisina nito.

Nang tuluyan syang makalabas ay saka lang sya nakahinga ng maluwag. Pakiramdam nya ay ilang minuto nyang pinigilang huminga ang sarili.

Saglit syang tumitig sa pinto ng opisina habang paulit-ulit na bumabalik sa isip nya ang sinabi nito. Napapikit sya at malalim na napabuntong hininga.

'I need to hurry before it's too late.' Sa isip nya bago naglakad paalis nv lugar.





Y V E S

The beeping sound of a sort of machine beside me woke me up. Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong tulog at walang malay. The only memory I remember was getting shot while I'm trying to save Ate Aiah, my cousin.

Akala ko nga mamamatay na ako, eh. But I'm glad na nakaligtas ako. Thank God! Hindi pa ko ready mamatay 'no. May kailangan pa akong gawing importante bago mamatay. At yun ay ang makapaghigante sa taong sumira ng buhay ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at medyo napapikit pa ulit dahil sa nakakasilaw na liwanag ng ilaw sa kisame. Alam kong nasa ospital ako dahil sa puting kisame at dingding ng kwarto kung nasaan ako.

Nang medyo umayos na ang paningin ko ay saka ko tinignan ang paligid. Wala namang kakaiba bukod sa tipikal na hitsura at ayos ng isang hospital room.

May dalawang mahabang sofa, isa sa may gilid malapit sa bed at ang isa ay nasa may paahan ko nakapwesto. May isang table din malapit sa hinihigaan ko na may mga nakapatong na pagkain, prutas at pati bulaklak. Sa kabilang side ay ang machine na kanina pang tunog nang tunog na dahilan din kung bat ako nagising. Isturbo ampotek! Masira nga yan mamaya. Tsk!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masked FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon