T H I R D P E R S O N ' s P O V
As their Cotillion Dance ended, everyone inside the hall applaud and cheered continuesly. Lahat ay namangha sa pinakitang kakaibang performance ng huling grupo para sa Cotillion.
At dumagdag pa sa pagkamangha ng mga nanunuod ay ang katotohanang kasama sa grupong 'yon ang mga iniidolo nila. Ang Quadro.
Ang Quadro base na din sa pangalan ng grupo ay binubuo ng apat na miyembro. At lahat ng miyembro nito ay anak ng apat na magkakaibigan na syang may ari ng mismong eskuwelahang pinapasukan nila.
Si Mikhaela Janna Lim na mas kilala sa tawag na MJ Lim ang tinuturing na lider ng grupo nila. Anak ng negosyante at mismong nakaupong Chairman at syang may pinakamalaking shares sa eskuwelahan.
Sumunod naman si Gweneth Apuli o mas kilala naman sa tawag na Gwen. Ang pinakatahimik sa grupo. Anak naman ng isa ring negosyanteng si at isa sa matalik na kaibigan ng ama ni MJ.
Pangatlo naman ay si Maria Nicolette Vergara pero mas kilala sa palayaw nyang 'Colet' at sa pagiging mainitin ang ulo. Anak ng isang kilalang arkitekto at negosyante at isa din sa matalik na kaibigan ni Chairman Lim. Ito ang nagdisenyo ng eskwelahan mula sa mga classrooms at iba pang building na makikita sa loob ng campus.
At ang paghuli ay tinuturing na prinsesa at bunso ng grupo, si Stacey Sevilleja. Sa mga nakakakilala lang at hindi gaanong malapit sa kanya ay 'Stacey' ang tawag sa kanya. Pero ang talagang palayaw nya na binigay sa kanya Lola nya ay 'Staku'. Na sya ding naging tawag sa kanya ng tatlo na tinuturing na nyang mga Kuya. Anak si Stacey ng isang sikat na musikero at namana nya dito ang hilig sa pagtugtog.
At nabuo ang pangalan ng eskwelahan sa pinagdugtong na unang letra ng mga apelyido ng apat na magkakaibigang nagpatayo nito.
Lim. Apuli. Vergara. Sevilleja.
L.A.V.S Academy.
Kilala ang grupo nila hindi lang dahil sa anak sila ng mga taong nagpatayo ng eskwelahan. Kundi dahil na din sa mga natatanging talento na meron sila.
Nabuo ang grupo nila noong huling taon nila sa elementary. Magkakaibigan na sina Colet, MJ at Stacey simula ng mga bata pa lang sila. At huling napasama si Gwen at nakilala lang nila ito nang minsan nilang masaksihan ang pambubully dito ng iba nilang mga kamag-aral.
Tahimik at hindi mahilig makihalubilo si Gwen at mas gusto lang nito palaging nag iisa. Araw araw syang tumatambay sa garden o hindi naman kaya ay sa library. Nasanay itong palaging nag iisa at walang kaibigan dahil na din sa palagi syang naiiwan sa bahay nila at tanging mga katulong lang ang kasama.
Home schooled lang din si Gwen simula nang magkagulang sya hanggang sa umabot ng grade 6. Pagtungtong nya ng grade 6 ay saka lang sya hinayaan ng mga magulang na mag-aral sa mismong eskwelahan. Hinahatid sundo lang sya ng driver nila araw araw.
May tatlong bahagi ang LAVSA. Una ay ang primary o elementart school. Pangalawa ay ang secondary o high school kung saan nag aaral ngayon ang apat. At panghuli ay ang campus naman ng college.
At dahil sa insidente kung saan nasaksihan ng tatlo ang pangbubully, kaya nakilala nila si Gwen at nakipagkaibigan dito. Isinali nila si Gwen sa grupo nila at hindi nagtagal ay naging malapit na din ang loob nito sa kanila. Hindi na din nakaranas ng pambubully si Gwen dahil sa halos lahat ng kamag aral nila ay takot kina Colet at MJ.
At dahil dito ay nabuo ang pangalan ng grupo nila na QUADRO. Hanggang sa naging kilala ito sa buong campus ng LAVSA.
Magkakapareho lang dapar sila ng year level pero dahil sa magkasunod na insidente nitong nakaraang taon kaya nahuli ang dalawa. Pero nanatili namang matibay ang grupo at pagkakaibigan nilang apat. Mas tumibay pa lalo na at magkakasama sila sa iisang bahay.
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...