S H E E N A
"Okay, did you get the steps?" Tanong ng teacher slash instructor namin.
May isang video kasi syang pinanuod sa amin and kailangan namin aralin yung steps dun kasi yun ang magiging main choreo namin para sa Cotillion. Pero hindi yun yung song na gagamitin talaga.
Yung steps lang yung kukunin dun tapos gagawa kami ng sariling blockings and mga new positions para sa Cotillion.
"Not yet, Miss." Sagot namin kasi medyo mahirap naman kasi yung steps dun.
Tapos medyo nakakailang pa kasi may ilang steps dun na medyo intimate. Like, grr. Nakakailang gawin lalo na kasi di naman kami close nitong temporary partner ko. Basta naiilang ako.
Tsaka ang mas nakadagdag pa sa pagkailang na nararamdaman ko, yung temporary partner ko kasi ay walang iba kundi yung lalaking nakasagutan ko kaninang umaga.
Like-what the heck?! Sya talaga? Yung mayabang na lalaki kanina na may pagkaengot. Amp!
Sabihan ba naman kasi ako kanina na, "Paharang-harang ka kasi. Hindi mo ba alam na may tao sa likod mo?"
Like, beh?! Ang laki nyang engot-I mean, tanga sa part na 'yon. Wala naman akong mata sa likod para makita or malaman na andun pala sya, duh?!
Sya pa nga galit kahit sya naman yung nakabangga sa'kin kanina. Lakas ng tama sa utak. Sarap nya sampalin sa utak, eh.
Hanggang ngayon, naiinis pa din ako sa kanya, eh. Tapos biglang nalaman ko na sya pala magiging temporary partner ko.
Temporary. Kasi hindi naman talaga sya yung totoong partner ko. I mean, hindi lang ako kundi pati na din sina Ate Aiah. Hindi daw muna kasi namin makakasama yung Quadro kasi sa mismong party pa sila lalabas.
Pero sabi ng teacher na kasama namin is nagpa-practice din daw yung apat. At kung anong inaaral naming steps, yun din yung inaaral nila. So pagdating ng WP at time na ng Cotillion namin, alam nila at hindi sila magkakamali sa sayaw. Ganun.
'Buti na lanh at hindi yung asungot na 'to yung totoong partner ko. Kasi talagang di na lang ako a-attend ng party if ever na sya yung partner ko.'
Pero iniisip ko pa din kung sino dun yung partner ko. At kung lalaki ba yun or babae din gaya ng partner ni Jho. Babae daw kasi yung kay Jho, eh kaya yung temporary partner nya ngayon, is babae din.
Swerte nga nya kasi walang ilangan sa kanilang dalawa. Pati din kila Ate Loi at Ate Aiah. Parang ang bilis nga nila nakasundo yung mga temporary partners nila. Mababait din kasi.
Hindi gaya nitong asungot na katabi ko. Naiinis ako sa kanya. Pamali-mali kasi sya kapag sinusubukan namin gawin yung steps. Ilang beses na din nya natapakan yung paa ko.
Gusto ko na syang sapukin, promise. Feeling ko kasi parang sinasadya na nyang tapakan yung paa ko. May galit din yata sakin, eh at gusto makaganti kasi napahiya ko sya kaninang umaga.
Kasalanan ko bang tatanga-tanga sya, eh? Tsk!
"Alright, bukas na lang natin ituloy yung practice. Pero pwedi ko kayong bigyan ng copy nung video para pwedi nyong aralin sa bahay nyo." Sabi nung teacher.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil finally, tapos na yung paghihirap ko forr today. For today pa lang kasi bukas na naman ulit.
Tumayo na ako at lumapit na kila Ate Aiah. Iniwan ko na yung asungot dun at kanina pa ako nagtitimpi na wag syang sapukin. Kuhang kuha nya inis ko, eh. Tsk!
BINABASA MO ANG
Masked Feelings
FanfictionOne school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanfiction story. With a big twist. 😁 Disclaimer: I don't own the names of the characters an...