Chapter 12

2.2K 46 1
                                    

Amanda's Pov

"Sigurado ka ba sa na desisyon mo ngayon manda?"

hindi lamang ako sumagot at tanging ngiti ko lang ang binigay ko kay manang lory.

Nasa Airport kami ng alas 7:00 ng umaga. Si manang nalang ang sumama sakin papunta dito sa airport. Dala ko ang maleta ko, naka black long sleeved knee length dress ako, bagsak yung buhok ko  at bitbit kp yung passport ko at ticket papuntang states.

Pero sa totoo lang hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon. Nagugulohan ako sa desisyon ko, gusto kong manatili dito upang malaman ko kung ano at sino talaga ako,pangalawa gusto ko ring umuwi dahil naiinis ako sakanila sarili kong buhay nagawa nilang mag lihim sakin?

Dahil sa kakaisip ko, napapa buntong hininga nalang ako. Pero sabi nila follow your heart daw, well sabi lang naman eh.

Nang tinawag na ang mga sasakayan papunta nang states agad akong napatayo at napahawak sa handle ng maleta ko.

"Mag ingat ka papunta dun hija" napatingin ako sakanya

"paki kamusta nalang ako sa nanay mo ha?"

"Sige po" dahan dahan akong nag lakad papalayo kay manang,lumingon ako ulit para makita si manang.

Naka ngiti siya na may halong luha sa mata niya. Tapos bigla ko naalala ang sinabi saakin ni crystal nun.

"Kasi noon Ang hinahabol nila ay si aldren, at ngayon wala na siya sigurado ako na ikaw nanaman ang pakay nila"

Pakay nila

Ibig sabihin ba may mangyayaring masama sakin? Lalo nang alam ko na kung ano ako

"AMANDA!!!" Lumingon ako kung san yun nanggaling kaso biglang may dumaan sa mata ko at napaupo sa sahig. Nakita ko na isang bala ang tumama sa pader at nagsitakbohan ang mga tao, napatayo ako sa pwesto ko habang nakatingin lang sa bala.

Lilingon sana ako nang may biglang tumakip sa baba ko at hinawakan ng mahigpit ang katawan ko para hindi makakilos.

"Amanda!!" sigaw ni manang lory na naginginig sa takot yung isip ko naman nanatiling question mark, ang mga tao nag si tinginan na sa amin at yung mga security guards hindi rin makalapit sakin dahil naka tutuok ang kutsilyo sa gilid ko.

"Lumayo kayo kung ayaw niyong masugatan ang babaeng to" kinuha niyang ang kamay niya sa bibig ko pilit akong gusto kumawala, saglit lang akong nakawala sakanya nang hilain niya buhok ko at sinampal ako at natumba. Hinila nanaman niya buhok ko para makatayo

"umayos ka! dahil kung hindi" hinawakan niya ang buhok ko na napakahigpit at tumingin siya sakin at pinalibot niya ang braso niya sa leeg ko

"bangkay ka na pag dating ng mga kasama mo"

Kasama ko?!

"Amanda!!!!" Napatingin ako kung san galing ang boses. Nakita ko si Crystal na halos nakataranta sa nakita niya at hindi lang siya kasama niya ang gang.

Si Bryle, Misty, Jeth , Lance, Julien at yung sinasabi nilang kapatid ni Trixie, na si Terrence.

"Crystal " mahina kong sabi mas hinigpitan pa niya ang hawak sakin

"tumahimik kang babae ka"

"Bitawan mo siya, pag usapan natin ang kailangan mo samin" pakiusap ni lance

"Ang kailangan ko sa inyo ay itong kaibigan niyo!"

"Teka, anong sabi mo?"

"oo, tama kayo ng dinig!"

Eyes (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon