Chapter 45

858 23 1
                                    

Terrence's Pov

"Ano? Kakain ka nanaman?"

"Oo, gusto ko ng Isaw.." napatingin naman ako sa sinasabi niyang parang uod ang hitsura.

Yuck! Ano kayang meron sa babaeng to at gusto na niyan?

"Tara! Kain tayo!"

Gabi na and its time for dinner pero
Bigla nalang niya akong hinila sa nag lakad papunta sa isang kainan dito na puro usok ang nasa paligid. At yung ginagamit nilang utensils ay..

Teka..

Wala??

Bakit wala?!?! Bakit nag kakamay lang sila?!?

"Ate ,may table pa po kayo?" Ngiti ni Amanda sa isang Ale.

"Ah, oo hija. Andun sa may malapit sa view ng dagat pang dalawa. Saktong sakto sa inyung mag-jowa."

"Hayy! Talaga???"

"Ay! ang gwapo naman ng boypren mo, hija! Ang swerte mo na nakabingwit ka ng isang gwapong tulad neto!!"

Napakunot naman ang noo ko at parang enjoy na enjoy naman itong kasama kong si amanda para makipag chikahan sa Aleng to.

Hayy naku, mga babae.. parang Abstract Painting.

Anng hirap intindihin.. pero...

Maganda parin..

"Ay, hija naka titig sayo boypren mo!!"

"Ah? Gutom ka na rin ba?"

"......."

"Hoi! Terrence?"

"Huh? Ah!.. amanda, wala bang ibang kainan dito? Kahit restaurant man lang?"

"Meron" nauna siyang maglakad papunta sa kung saan bakanteng table na sinabi ni ale. Sumunod naman ako sakanya

"Oh? Ba't andito tayo? Dun nalang kaya tayo--"

"Hoi Terrence, sawa na ako sa mga mamahaling kainan noh. Na miss ko na rin itong kainan na ganito."

Umupo siya at tinignan ang dagat habang ako napa buntong hininga at umupo nalang sa harap niya.

"Na miss ko nang kumain dito, kasama si Mom at Kuya. Pati si Manang Lory, lagi kaming tumatawa dito." Napatitig lang ako sakanya habang siya ay nakangiting pinag masdan ang Dagat.

"Kaya bang, gusto mo dito tayo mag First Date sa Baywalk Park?"

"Tama ka. Gusto ko kasi, dalhin dito ang mga mahal ko sa buhay." Ngiti niya

"Mahal mo ba 'ko kaya mo ako dinala dito?" Ngiti ko

"Hm? Hindi kita dinala dito ah! Sinabi ko lang kung san ang direksyon papaunta dito. Hindi ko sinabi na 'Dalhin mo ako sa Baywalk Park' . Chancing ka rin anoh?" Tawa niya ng konti

"Ah ganun? So hindi mo ako--"

"Mahal kita.." napa speechless lang ako sa sinabi niya, hindi ko napansing naka ngiti ako habang tinignan siya naka ngiti rin sakin.

Na taohan nalang ako nang nilagyan niya ako ng ketchup sa ilong, at tumatawa siya ng malakas.

"Amanda!!"

"Ahaahhahaha, kamukha mo na si Rudolf!!" binigyan niya ako ng tissue

"Bakit mo yun ginawa??!" Pinunasan ko yung ilong ko gamit ang tissue na binigay niya sakin

"Kanina pa yun pagkain oh? Tapos naka tulala ka lang dyan! Kain na tayo!"

Nakita kong tumayo siya at nag hugas ng kamay bago siya kumain, kumuha muna siya ng platito at nilagyan ng toyo at sauce, tsaka suka, tsaka sili, tsaka bawang, tsaka Paminta, Tsaka Ketchup.

Eyes (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon