Julien's Pov
"Ya!" Binuksan ko yung office ni lance at nag babakasakaling andun si Aldren pero pag dating ko dun walang tao.
Aalis sana ako kaso pag lingon ko nasa harap ko na si lance humihingal at nakatingin sakin.
"Ano? Tumabi ka nga? Wag mo'kong sundan hinahanap kong kaibigan mo-" hinila niya ko pabalik at tumingin sakanya
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"Anong gagawin ko? Sasabihin ko sakanya na ipaalam sa iba na buhay yung kapatid niya. Hindi ba obvious lance?"
"Nagbago ka ata, noon ayaw mo kay amanda pero ngayon ikaw pa ang mas nag aalala sakanya?" Napaharap ako sakanya
"Masamang tao ba talaga tingin mo sakin lance? Tao ako, nagbabago din ako." Tahimik lang si lance at napabuntong hinga ako
"Wag kanang sumunod sakin, aalis ako."
"T-teka, hindi ko naman sinasadya yun eh. San ka ba pupunta? Im warning you Julien! Wag kang sumugod kay Aldren!" Sigaw niya habang naglalakad ako palayo sakanya
"Wala kanang pake alam kung san ako pupunta.." sabi ko sa sarili ko
Lance's Pov
"Babaeng yun talaga, di naman siya basta bastang nagagalit kapag sinabihan ko siyang nagbago siya ng konti." Sabi ko sarili ko habang pinapanuod siyang naglalakad paalis hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
"Naging mainitin na ulo niya, ano kaya naman ang nakain nun?"
"Lance-"
"Butiki!! Ano ba?!? Bakit kaba susulpot lang kung saan saan?"
"Nagmamadali ako, pwede bang makipag cooperate ka muna?"
"O? Anong kailangan mo?"
"Gusto kong malaman kung..."
"Kung??" Napatingin ako sa dala niya at suot niya
"Teka san ka din naman pupunta?kanina kapa ba dito?" Naka brown trench coat siya naka tali yung buhok niya may dala siyang sling na white, black jeans na may ripped kanang paa niya at naka wedge heels siya.
"Alam niyo? San ba trip niyo? Kanina si Julien gustong umalis ikaw? Aalis ka din? San ba punta m-" napatigil ako ng may nakita akong passport at cellphone sakanyang kamay at napatingin ako sakanya
Nakita ko siyang naluluha yung mga mata niyang nakatingin sakin. Parang ilang minuto nalang tutulo na luha niya
"San ka ba pupunta, Mindy?"
"Anong oras ang flight niya?"
"Flight? Anong flig-"
"Nicholas, anong oras ang flight niya papuntang France??"
"Ni-Nicholas?" Napatingin naman ako phone ko at binasa ko convo namin ni Nicholas.
"Sabi niya sakin, mamayang alas 8 daw ng gabi"
"Ano?" Napatingin naman ako sa orasan
"Pupuntahan mo ba siya?"
"Mahal ko siya.."
"Ha?!? Edi bakit ngayon ka lang kumibo?!?!! Aalis na siya ilang oras nalang at-"
"Keep me updated kung dumating na siya dun" bigla nalang siyang tumakbo papuntang exit at nagmamadali.
"Mga babae talaga oh? Ang hilig mag walkout"
Mindy's POv
"Salamat sa pag hintay manong" nagulat yung driver dahil bigla lang akong sumulpot sa likod ng taxi niya
BINABASA MO ANG
Eyes (Soon to be Published)
FantasyAmanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an accident came that killed his brother, and changed her life. Years later, she comes back to discover som...