Amanda's Pov
Minulat ko ang aking mata at napansin kong nakahadusay lang ako sa sahig, nakagapos ang mga kamay at ginapos ng puting tela ang aking bibig.Masakit yung ulo ko
Yan ang unang naramdamam ko, nilibot ko ang aking paningin at nasa isang sulok ako ng kwarto. Tatanggalin ko na sana yung nakatali sakin nang may biglang humila sa buhok ko at ginuyod niya sa sahig na para akong sakong bigas.
Inihagis niya ako sa harapan dahilan sa madapa ako. Napapikit ako sa sakit ng mga sugat ko sa katawan ko.
Napatigil ako sa pag hinga ng marinig ko ang yapak ng takong sa sapatos na malapit lang sakin.
"Sa wakas, nag kita din tayo ulit" lumingon siya sakin
Nagkasalubong yung kilay ko dahil hindi ko naintindihan yung sinabi niya.
Ulit?
"Sa tingin ko hindi mo ako matatandaan kung san mo'ko nakita?" Dahan dahan siyang umupo at nakita ko ng maliwanag yung mukha niya.
Siya yung, babaeng tumulong sakin sa CR nun.
"Hello Amanda, its me. Samantha Black"
Lance's Pov
Dinig na dinig ko ang mga emergency rings, lalong lalo na sa opisina ko. Si Terrence lang mag isa dun, sana hindi siya na pahamak o may nangyari man lang.
Nang makarating ako sa opisina ko kukunin ko sana yung keycard sa bulsa ko pero nawala ito, kinapa ko sa bulsa ko pero wala talaga.
"Asan ba yung susi-shit!" Napa facepalm ako dahil may tumabi sakin sa coffe bar na babae at dikit siya ng dikit sakin.
"Ninakaw niya yung keycard ko."
Napatingin ako sa pinto tinignan yung pinto, dahan dahan kong pinatigas ito gamit ang ice, dahan dahan hanggang sa naging matigas na, sisipaim ko na sana para mabiyak nang may narinig akong parang lindol sa loob ng opisina.
Idinikit ko yung tainga ko sa pinto hanggang sa lumakas ang tuning neto at umatras nako at sumabog yung pinto at yung mga pader.
Sumabog ng malaking apoy sa opisina ko, at nakita ko si Terrence nakakapit at nakatago sa isang bahagi ng pader hinahawakan yung kanang braso niya para mapigilan sa pag agos yung dugo ng braso niya.
"F*ucking Sh*t!!" Tumakbo ako papunta sakanya.
"Anong nangyari ha?!? May ginalaw ka ba sa loob kaya sumabog?!?!?! Ha?!? Pano na yung gamit dun terren-"
"Gusto mo bang sabogin ko yang utak mo?" Hingal niya
"Anong nangyari?"napasilip aiya ng konti sa kung san siya nanggaling
"Wala na siya." Napalingon ako kung san siya nakatingin
"Ang alin?"
"Si Samantha, andito siya. Inatake niya'ko kanina." Nanlaki ang mga mata ko
"ANO?!??"
Mindy's POV
"Ma'am may problema po sa CCTV Cameras sa camera 14"
"Ayusin mo"
Nakatingin ako sa lahat ng monitors at isa isang nagloloko ang mga ito. Hindi ko ma monitor ang mga nangyari dahil nag loloko ito.
"Camera 23, destroyed ma'am" napatingin ako sa isnag kasama ko
"Check the Camera 19 baka gumagana pa."
BINABASA MO ANG
Eyes (Soon to be Published)
FantasyAmanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an accident came that killed his brother, and changed her life. Years later, she comes back to discover som...