Chapter 4

4.9K 100 3
                                    

Ilang Linggo Simula nung pagkamatay ni kuya at inilibing na siya, naka pag desisyon si mama na maninirahan kami sa amerika. Nag papaalam kami sa kasambahay namin upang sila na ang bahala at mag alaga sa bahay naming habang wala kami.. Si Lance at Crystal ang kasama namin Ngayon Sa airport

"mami-miss kita Amanda" sabi ni crystal

" wag mong kalimutan ang maganda mong pinsan ah?" ngiti niya

"Ako rin crystal" sabi ko " mamimis ko kayo"

"Bakit ka malungkot?" tanong ni lance sakin

" Alam mob a sabi ng kuya mo sakin, ayaw ka daw niya makitang malungkot, kaya ngumiti ka, Sige ka mumultuhin ka nun." Tumawa si lance at si mama

"Mag-ingat ka sa amerika Amanda ah' "sabi ni crystal

" wag mong pabayaan ang sarili mo"

"salamat sa inyo" niyakap ko silang dalawa para pasalamatan

"Anak tayo na, baka mahuli pa tayo" kinuha ni mama ang maleta naming

"sige na, baka maiwan pa kayo" sabi ni lance habang ngumiti, si crystal naka tingin lang sakin.

"mag-ingat kayo ah" kinuha ko ang maleta ko at sumunod na kay mama ,Lumingon ako sakanila para Makita sila ulit

"manda!! Pasalubong ko ah! Hehe " sigaw ni crystal

"lakas mo maka request!" sabi ni lance

" sakin din!! " tinignan ni crystal si lance ng masama

"mas lalo ka pa"

Ngumiti ako sakanila, kanina dalawa lang silang kumakaway sakin pero ngayon tatlo na. Nakita ko si kuya sa likod nila naka ngiting kumakaway sakin, naiiyak ako sa nakita ko.. Gusto kung tumakbo papunta sakanya nang mag blink ako, nawala siya..

"Anak, anong problema? " napalingon ako kay mama at pinunsan ang mata ko

"ah, wala ma namalikmata lang siguro ako, tara na."

Pagkatapos naming mag pa check sa bagahe naming agad kaming pumunta sa eroplano.. nilagay naming ni mama ang gamit namin sa ibabaw at agad akong umupo sa may bintana.

"Amanda" hinawakan ni mama ang kamay ko

"okay ka lang ba anak? Bakit tahimik ka?"

"wala lang po ma" ngumiti ako sakanya at tumingin ulit sa bintana

" pagod lang siguro ako kanina "

" wag kang mag aalala manda" napatingin ako sakanya

" sa oras na makarating na tayo sa amerika ,Lets start a new life okay?" Napataas ako ng kilay sa sinabi ni mama

"N-new life? "

"yes, new life Amanda" ngiti niya

"New life"

"ibig sabihin kakalimutan din natin si kuya-"

"no.." sabi ni mama

" ang ibig sabihin ko, lahat ng masasakit na nangyari ditto iiwan natin, diba yun ang gusto ng kuya mo? Maging masaya tayo?" napangiti ako sa sinabi ni mama sakin at oo nga yan talaga ang gusto ni kuya para samin.. pero..

"ma?" sabi ko

" siguro alam din ni kuya na hindi ako masyadong masaya ngayon dahil din sa pag kamatay ng kaibigan kong si Tyson.." napa tingin si mama sakin at ngumiti

Hindi nag tagal lumabas na ang mga flight stewardess nag de demo na sila kung paano e suot ang seat belt at iba pa.. at lumipad na ang eroplano

"sana.. maging okay rin ang lahat"

Eyes (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon