Chapter 15

2.1K 41 2
                                    

Samantha's Pov

"Humihingi po kami ng patawad"

Yumuko sila habang ako nanginginig sa galit sa natanggap kong balita galing sa mga algad ko sa mula sa black empire.. bakit ba lahat ng pinapadala ko sa misyon nila palpak??

"Umalis na kayo, baka magbago ang isip ko upang paalisin kayo ng buhay"

"Babalik na po kami"

Agad silang umalis sa teritoryo namin, at nanatiling nanginginig sa galit . Ano bang dapat gawin ko para makuha ko ang babaeng yun? Tapos sinubukan pa niya akong takasan at pumunta sa ibang bansa??

"Nakakainis na sila.." sabi ko

"Princessa.."

"NAKAKAINIS!!!!!"hindi ko na mapigilan ang galit ko at na activate ang kapangyarihan ko, Ang Dark Shadow.

sinira ko lahat ang Gamit na nakita ko, lalo nang nasa lamesa, tinitigan ko ang sofa naging kulay itim ito at nababalutan ng anino lumitaw ito ng konti at sumabog.

"Princessa! " sigaw ni Zia

" tama na po!!"

"Wag mo akong pigilan zia!!"

"Pero princessa, baka masira mo na ang paligid natin."

"Nakakainis na sila zia!! Palagi nalang sila ang wagi!! " galit na sabi ko at hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko sa isang mata ko na naka eye patch at naka takip sa left eye ko.

"Tama na samantha"

lalapitan sana ako ni zia para pigilan ko siya pero, nang tumingin ako sakanya hindi siya makakilos dahil kinontrol ko ang anino niya, Unting unti siyang lumitaw ng konti at tinitigan ko ang kutsilyo na nasa sahig at nakontrol ko to at naka tutok sa leeg ni zia..

"Princessa.. wag"

kinontrol ko ang kamay niya para sakalin ang sarili niya, hindi ko na alam ginagawa ko ngayon, parang ang kanang mata ko na ang kumokontrol. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Ack.. P-princessa " sabi niya

"please.. pigilan mo.."

Nakita ko nalang ang mata ni zia na Double blend na Fire and water. Gagamitin niya sana ang kapangyarihan niya at hindi nagtagal nawalan na siya ng malay dahil hindi na siya makahinga.

Bigla nalang may pumasok sa pinto at nakita ko si Jin, Naka nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang paligid at makita niya si zia na walang malay.

"Samantha??"

"Jin."

"Stop it.." sabi niya

"pigilan mo ang sarili mo samantha.."

"No, you all are the same!!!!" Sigaw ko

" dapat kayong mamatay lahat!!!"

Bago ko pa madadamay si jin, bigla nalang may gumapos sakin ng isang makapal na bakal sa wrist ko at napatigil ako sa pag lapit dahil mayron ding nakagapos sa paa ko, nasalo ako ni jin at nasalo sa mga braso niya, kahit nakagapos ako sinusubukan ko paring makawala at tumingin ako sa mata ni jin.

"Pakawalan mo'ko jin.."

"samantha, calm down.."

"Pakawalan mo ako"

"Samantha, look at me"tumingin ako sakanya, sakanyang mata, yung dating kulay brown na mata naging silver na may umiikot na parang nahihilo ako.

"Calm down, sam" sabi niya

Eyes (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon