Amanda's Pov
"Kamusta si manang lory?" Tanong ko
" ligtas ba siya?" Hindi niya ako sinagot at nakatingin lang siya sa daan, di rin nagtagal nagsalita narin siya
"Okay lang siya, kinuha siya at sinamahan nila bryle at misty sa isang ligtas na lugar"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya, si manang lory nalang ang tanging natira sakin at nag aalaga, ano na kayang gagawin ko kapag napahamak pa siya.
Kasama ko ang isang taong sinasabi nila na si Terrence daw, concentrate lang siya sa pag mamaneho at diretso lang ang tingin niya sa daan, nakita ko ang sugat sa kanyang labi dahil sa labanan niya kanina.
Ano kayang nangyari sakin ngayon kung hindi siya dumating sa oras na yun, at isa pa saan kaya ako niya dadalhin??
"By the way, thank you. Kung di ka siguro dumating sa oras na yun. Di ko na alam kung ano na ang nangyari sakin" he did not respond
"Masakit ba?"
"Ang alin?"
"Yung labi mo?"
"Wag mo intindihin to, daplis lang yan. Intindihin mo ang sarili mo, yung labi mo na may sugat." Napahinga ako ng malalim at tinignan siya
"Terrence ba talaga ang pangalan mo?" tahimik lang siya at naka tingin parin sa daan
" Terrence Suitcliff ba?"
" kung yan ang narinig mo sakanila, oo " tumingin siya sakin
" ako nga, si terrence suitcliff"
"Mag kapatid talaga kayo ng ate mo no?" Ngumiti ako sakanya
" minsan masungit" Napatingin siya sakin, at tumingin siya ulit sa daan. Naman oh, ang tahimik niya, umimik ka kanaman diyan nabibingi nako sa katahimikan sa kotse ko.
"Naalala ko tuloy siya." Sabi ko
"kung buhay siguro siya malamang kasing edad na kami kung hindi baka mas matanda pa siya sakin siguro"
"May sinasabi ka?"
"Yung kaibigan ko noon"
"Number one rule ko sa tuwing nag dadrive ako" bigla akong napatingin sakanya
" ayokong may umiiyak o naiiyak sa loob ng kotse,"
"Sorry ah.. " pinunasan kp ang luha ko
"Sino ba yan? Bakit parang na miss mo? Nakita mo na ba siya?"
"Hindi pa" Napatingin siya sakin at tumingin ulit sa daan
"Nag bibiro ka ba?"
"Hindi " sabi ko
" Bulag ako noon"
" sino yung donor mo?"
" Yung kuya ko.."
"Kaya pala hinahabol ka ng black empire" sabi niya
" dahil nasayo na pala ang mga mata"
"Kanina ba.." hinawakan ko ang jacket na suot ko na pina suot muna niya sakin
" hinabol ba nila ako?"
"Hindi.. "
" bakit sila andun sa airport kanina?"
"Hinarangan kami, pupuntahan ka sana namin para pigilan sa pag alis."
" Ano ba talaga ang kailangan nila sakin?"
" yung mata mo" sabi niya
" or should i say your brother's eyes"
" sabi ko na nga ba eh, yan ang sasabihin mo "
BINABASA MO ANG
Eyes (Soon to be Published)
FantasyAmanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an accident came that killed his brother, and changed her life. Years later, she comes back to discover som...