Zia's Pov
"Bakit mo ba akong gusto ma kita ah?" Tanong ko sakanya habang tinanggal ko yung hair extension ko sa sa loob ng sasakyan ni jin.
"Kamusta si Samantha?"
Huminto na siya sa pag dadrive at napunta kami sa dagat medyo malakas ang alon at malakas din ang hangin. Sinuot ko ang shades ko at lumabas na din sa kotse.
"Bakit mo ko dinala dito?" Sabi ko habang tumingin sa dagat
"Diba sabi mo nung bata pa tayo na bago ako mamatay, dadalhin kita sa dagat? Kaya dinala kita dito." Napatingin ako sakanya
"Ha?" Napatingin siya sakin "bakit? Mamamatay ka na ba?"
"Baka sakaling kung mag simula na ang digmaan, mamamatay na ako at hindi na kita makikita." Sabi ni jin.
"O.A. mo, malabo mangyari yun." Sabi ko " Alam ko na kung saan gawa yung barrier nila."
"Si Lance, tama ba?" Sabi ni jin
"Ayoko sanang sabihin sayo kaso, nalimutan ko pala na Spy ka din sa Black Empire.." sabi ko
"Yep.."
"Pero, jin. Taga sunod parin ako ni Samantha, hindi ko siya pwedeng biguin."
"Hindi mo siya pwedeng biguin, pero binigo ka naman niya nung pina away kayo ni emperor black sa harap niya. "
"Noon yun."
"Ang sabi ni emperor black nun, na papatayin ka para mapatunayan ni samantha na karapatdapat siyang imana sakanya ang buong kaharian. Muntik ka ngang mamatay nun eh."
"Pero hindi parin niya ako pinatay.." sabi ko " kaya hindi rin niya ako binigo."
"Ewan ko ba sainyo mga babae, ang hirap niyong intindihin. "
Bigla nalang kami napatahimik saglit at tumingin ako sakanya ulit habang siya ay nakatingin sa dagat.
"Jin-"
"Kung sakaling mamamatay ako, anong gagawin mo?"
"Ewan ko."
"Kahit papano ang sakit mo parin magsalita.. " sabi niya na na nakangiti " hindi ka parin nag bago-"
"Ano bang gusto mong gawin ko? Mag fifiesta??! "
"Gusto ko umiyak ka.."
"Kapal din ng mukha mo noh!!" Hinampas ko siya sa braso ng malakas
"Ako?!? Iiyak sayo?? Hinding hindi ko magagawa yun!! Kahit itaga mo pa yun sa bato!!"
"Oh sige.. gusto ko e kiss mo ko sa tuwing mamatay ako.."
"Utot mu.." agad akong pumasok sa kotse at pinaandar ko to
"Hoi!! Lumabas ka diyan sa Mamahaling kotse ko!!!" Agad siyang pumasok sa front seat at hinawakan ang manobela
"Wag kang mag drive'"
"Ano tingin mo sakin?! Hindi marunong?!"
"Tumigil ka na nga?!! Umalis ka diyan."
"Pwes, tignan natin"
Agad.kong ni release ang brake at nag pa harorot ng patakbo..
"Ziaaaaaaaaaa!!!! Wahhhhhhhhhh!!!!! Ihintooooo mooooooo!!!!!!!papatyin talaga kita!!!!!!!!"
" AHAHAHAAHHAA hindi pala marunong ha?!? "
Agad ko tong minamaneho ng mabilis at agad siyang napahawak sa seatbelt at sinuot niya ito. Halos namumuti na yung mukha niya dahil sa bilis neto habang ako naman enjoy na enjoy.
BINABASA MO ANG
Eyes (Soon to be Published)
FantasyAmanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an accident came that killed his brother, and changed her life. Years later, she comes back to discover som...