Amanda's Pov
"Wait!! Wa-water break muna!!!" Hingal na hingal kong sabi.
Dalawang buwan na ang lumipas ay hindi pa kami tapos ni trixie sa pag training, totoo pala ang sinasabi nilang nakakapatay ang training nila.
Nagpahinga muna ako at agad uminom ng tubig, Grabeh!!!! Ang laki ng Field nila naka ilang ikot na kami sa takbo ni trixie. Sila naman Lance at yung iba ay nasa bleachers lang, wala kasing medyong estudyanteng nag lalakad sa field kasi walang pasok.
"Tapos ka na? " tanong ni trixie " tara, naka 599 na tayo kaya dapat pa tayong magpatulo-"
"Teka teka, siguro 599 is enough?? pagod na pagod na ako ate trixie-"
"Please, just call me trixie" nag crossed arms siya
" pakiramdam ko tuloy ang tanda tanada ko para tawagin mo ako ng 'Ate' "
"Okay.."sabi ko " Trixie, pwede ba tayong mag pahinga?"
Bago siya sumagot, tinignan niya muna ako mula paa hanggang ulo, ngumti ito at naglakad papalayo.
"Ok, sa total pagod naman din ako"
Sinundan ko nalang siya ng tingin at sumunod sa dun nila lance."So? Kamusta? Ok lang ba kayo?" Tanong ni lance
"Gustong magpahinga ni amanda.. " umakyat siya sa bleachers" kaya magpapahinga din ako"
Aakyat na sana ako at bigla akong pinigilan ni terrence, hinawakan niya ang wrist ko at tinignan ako.
"Bakit?" Tanong ko
"Wag ka munang umupo.." sabi niya " may gagawin ka pa."
"gagawin? "
"Yep " sabi ni lance at lumapit siya sakin
"hindi na si trixie ang magiging trainer mo kundi si Mindy"
Napatingin ako kay mindy na agad lunapit sa akin na medyo seryoso ang mukha, naka red jacket siya at naka black shorts at rubber shoes.
"Simula ngayon, siya ang magiging trainer mo.." sabi ni lance
" Mindy can control mist, anesthetic gas, at kaya niyang mag pasabog ng bagay which she inherited it from her great great grandfather.."
"Hey.." bati ni mindy.
"H-hi.."
Tumingin si mindy kay lance at parang sumignal si lance sakanya, agad namang nag lakad sa harap ko si mindy at tumalikod din ito, humarap siya kung saan naka tayo ang mga empty barrels na napakalayo samin.
"Watch.." sabi ni lance
Nag concentrate ako sa panonood ni mindy and she extend her arms at tinitignan niya yung mga empty barrels.
"Done!" Sabi ni mindy
"Bakit hindi pa sumabog?" Tanong ko
"Tignan mong mabuti." Sabi niya habang ngumuya siya ng bubblegum
Tinititigan ko talaga yung mga empty barrels at bigla nalang itong sumabig ng malakas dahilan sa pagkamulat ng mata ko at pagkabigla.
Booooooooooooommmmmmmmmm
"Boom.." mindy smiled at bumalik siya sa kanyang upoan.
Tumingin agad ako sakanya at napakunot ang noo, but she only smiled.
"Nakita mo ba yun amanda?" Tanong niya
"yung pasabog ko, nakakamatay yun, kaya wag kang lumapit sakin kung sakaling aawayin mo lang ako.."
BINABASA MO ANG
Eyes (Soon to be Published)
FantasyAmanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an accident came that killed his brother, and changed her life. Years later, she comes back to discover som...