Chapter 55

928 27 0
                                    

Terrence's Pov

Lumabas ako sa opisina ni Lance, lumayo muna ako at baka kung ano pa ang magawa ko sa loob dun.

Ang sama sama ng loob ko sa nalaman ko tungkol kay julien, nalaman ko lang yung nung nag away kami ni Samantha kanikanina lamang habang naglalabanan kami.

"Kailangan kong hanapin si Amanda, bago mahuli pa ang lahat."

Naglalakad lang ako sa hallway na napakatahimik, napakagulo yung parang may Apocalypse na nangyari. Palakad lakad ako kung san san hanggang sa nakita ko si Stella na nag mamadaling naglakad mag isa.

Sinundan ko lang siya kung san siya pupunta, tumigil sa pag lalakad si Stella at lumingon sa likod niya. Mabuti nalang may locker sa gilid para magtago sakanya. Nagpatuloy si Stella sa pag lalakad at sinundan ko siya muli.

Huminto siya sa isang pinto at napahawak siya sa isnag Door knob. Bago siya pumasok may binulong muna siya sa pinto at bumukas ito.

Pumasok siya at nag mamadali akong sumunod sakanya para maka pasok. Pag pasok ko, ang dilim.

I activated my eyes, para makakita ako sa dilim. Still it was pitch dark, patuloy lang ako sa pag lalakad nang makita ko ang isang pinto na may dugo ang Door knob. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.

"A-Amanda?"

Nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at may duck tape at tinakpan pa ng isang tela ang kanyang bibig para hindi maka sigaw.

Punong puno ng sugat ang mga paa niya, at nakagapos ng lubid at kadena at kandado ang mga kamay niya.

Medyo malayo siya sakin kaya tumakbo ako papunta sakanya, napaluhod ako niyugyug ang balikat niya para siguraduhin kung buhay pa ba. Tinanggal ko yung tela sa baba niya at duck tape. May sugat din ang gilid sa labi niya.

"Amanda.. Amanda gumising ka" hindi siya sumagot.

Hinawakan ko ang ulo niya para makita ko ang mukha niya. Puno ng sugat, may sugat sa ibaba ng mata, at may mga pasa pa siya. Nakita kong may Tumutulong dugo sa gilid ng Noo niya, at pagpahid ko mainit pa.

I looked around para makita kung may pwedeng ipunas. Hanggang sa may nakita akong isang tubo na may bahid ng dugo sa sahig.

"Anong ginawa nila sayo??" Hinawi ko ang buhok ni amanda at hinawi ang buhok niya.

"Sinong gumawa neto sayo??" Unti unti nalang niya minulat ang mga mata niya

"Terrence?" Sabi niya, halos pumiyok na ang boses niya at hindi na marinig

"Andito ka?"

"Umalis na tayo amanda-"

"Hindi, tumakas ka na Terrence baka maabutan ka pa nila."

"Hindi kita iiwan dito, sumama ka na sakin Amanda"

"Hindi pwede, kapag sumama ako sayo baka mapahamak ka."

"Wala akong pakealam, kaya ko ang sarili ko umalis na tayo-"

Naputol nalang ang salita ko at napadapa nang may biglang humampas sakin ng Tubo sa likod ko.

"Terrence!!"

" ang dami niyo pang drama, eh kung pinutol mo nalang yung kadena at tinakas mo siya Terrence?" Napalingon ako kung sino yung humapas sakin at nakita ko si Samantha.

Eyes (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon