Trixie's Pov
I Parked my White Ferrari sa isang slot ng parking lot, sinuot ko ang Sunglasses ko at dala na din yung Hand bag ko.
I am wearing my knee length white dress at naka heels ako, may pinuntahan akong isang lugar kung saan dun na siya nananatili.
lumabas na ako kaagad sa sasakyan at ni lock ito, naglalakad ako papuntang entrance at binati naman ako sa nag babantay dito na security guard.
"Good morning ma'am" ngumiti ako ng konti At nag patuloy lang sa pag lalakad.
At di nagtagal nakita ko na siya, ang puntod ng isang lalakeng pinakamamahal ko.
Si Aldren Perez.
Umupo ako para maging magkalevel kami ng height ng puntod niya, hinawakan ko ang lapida niya na kung saan naka ukit yung pangalan niya.
Aldren F. Perez
September 14 1997 – August 5 2012
Napangiti nalang ako at napabunting hininga sa harap ng lapida niya, tinaggal ko ang glasses ko at ngumiti.
"Kamusta ka na?" Sabi ko habang nakahawak parin sa lapida niya
"Medyo matagal ka nang natutulog diyan ah? May aircon ba diyan?" Biro ko at tumawa habang tumulo yung luha ko
" medyo matagal tagal na din tayo hindi nag usap, tapos may kasalanan pako sayo nung libing mo"
I brushed my hair up and bit my lips, napangiti naman ako ng konti.
" Alam mo? Gustonng gusto kong pumunta sa libing mo nun. Kaso natatakot ako eh." Sabi ko
" natatakot ako baka, baka tumalon ako sa hinukay para samahan ka. Ayoko ding makita ang mukha mo sa kabaong na nakangiti na natutulog habangbuhay habang ako umiiyak sa harap mo. Kasi parang nakakaasar yun sa parte ko." Napabuntong hininga nalang ako sa harap niya
"Alam mo? Ganito rin yung suot ko nung pumunta ako sa burol mo, kaso nasa malayo lang ako at pinagmasdan ang pamilya mo at sila Lance. Umiiyak ako nun, at gusto ko talagang pumunta. Ilang araw din akong umiiyak ng mag isa sa kwarto ko dahil alam kong wala ka na. Ayokong sabihin to pero, kahit nasa puntod ka na aaminin kong nakakaasar ka parin." Napatawa ako at pinunasan yung luha ko gamit ang daliri ko.
"Naiinis parin ako sayo kasi mahal parin kita...Nakakaasar ka, bakit ikaw pa yung nauna pa sa akin?"
bumuhos na ng luha ang at dumaloy sa pisnge ko, tumingin nalang ako sa ibabaw para hindi na aagos yung luha ko.
"Sorry kung, hindi ako dumalaw sayo rito nung Death Anniversary mo nung nakaraan, i bet dumalaw siguro dito sila bryle no? Ang linis linis ng paligid at bagong bago pa ang bulaklak-"
Napahinto nalang ako sa pag uusap nang may napansin akong parang may nakikinig sa may likod ng pinto.
Dahan dahan akong tumayo at inadjust yung Bag ko. Agad akong lumakad ng mahinang mahina patungo kung saan may nakita akong isang lalake na naka talikod.
Para siyang nakikinig sakin, naka cap siya, nakayuko at halatang nag shades siya. Naka All black siya, samahan mo payung Black Trench coat na hanggang tuhod niya.
Napakunot ang noo ko at binilisan sa pag lakad.
"Uhmm, excuse me-"
BINABASA MO ANG
Eyes (Soon to be Published)
FantasyAmanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an accident came that killed his brother, and changed her life. Years later, she comes back to discover som...