Lee' Pov
Mga hunghang.
Ayan ang tawag ko sakanila. Sa mga kaibigan kong basag-ulo lang ang alam. Psh! Ayaw pa magtino alam ng mga senior na sila, paano nalang kung hindi sila maka-graduate ngayong darating na march? Mga hunghang talaga.
Kakauwi ko lang galing school, actually nakakapagod ang araw na ito para sa akin. Dahil inayos ko lang naman ang gusot na ginawa ng nga magagaling kong kaibigan kanina sa labas at loob ng Celestine. Hindi tuloy ako nakapag-focus sa lessons kanina tsk!
"Oh bro dumating kana pala." Nakangising bati sakin ng kapatid kong si Lei Jacob at agad sumalampak sa mahaba naming sofa. Umupo naman ako sa katabi nitong sofa at inihagis ko ang bag ko sa sahig na may nakalatag na pulang carpet.
"Tsk! Gago kayo. Sa susunod wag kayong tatakas kapag oras ng klase kasi sa susunod hindi ko na kayo ipagtatanggol pa sa mga faculty members ng celestine tandaan mo yan!" Iritang sambit ko tska ko ihiniga ang ulo ko sa headress ng sofa namin. Haay nakakapagod.
"Bro okay lang. Matagal mo na yang sinasabi pero hanggang ngayon ipinag-papatuloy mo parin naman. Pffft wala ng bago yan samin." Pangangatwiran niya pa habang natatawa.
"Ulul! Sila mommy pala? Dumating na ba?" pagtatanong ko sakanya. Umiling naman siya bilang pag tugon. Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko sa second floor para makapag pahinga na rin. Pagod ako ngayong araw. Hahakbang palang ako sa hagdan ng magsalita ang magaling kong kapatid.
"Kuya wag mo na ulit akong isusumbong kay dad ha. Kuya wag ah!" Sabi niya ng dahilan ng pag ngiti ko. Ngumiti ako hindi dahil sa nakiki-usap siya, kundi dahil sa tinawag niya akong kuya humarap ako sakanya ng nakangiti parin at itinaas ko ang kanan kong kamay kasabay ng pag dirty finger ko sakanya. Ngumisi naman ang gago at gumanti pa ng dalawang kamay.
"Kuya kapag may kailangan ano? Hanep idol kita!" Pa-iling iling na sabi ko at tuluyan ng umakyat sa itaas.
"Hindi talaga ako maka-isa sayong hayop ka!" Pahabol na sigaw niya at narinig ko pa ang pagtawa niya bago ko isara ang pintuan ng kwarto ko. Si Jacob talaga oh masyadong isip bata. Kaya hindi pa nagkaka girlfriend eh.
Inihagis ko nalang ang bag ko sa sahig ng kwarto ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa malambot kong kama. Makatulog muna.
Nagising ako sa ingay ng katok ng kapatid ko. Damn! Ano bang problema ng gagong to at katok ng katok? Inis akong bumangon at inis kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. At bumungad sakin ang nakasimangot niyang mukha.
"Puta bro' akala ko patay kana dyan eh!" Nakasimangot ngunit sarkastik na pagkaka sabi niya sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at bilang pag tugon niya ininguso niya ang unang palapag ng bahay namin.
"Ano?!" Pagalit na tanong ko sakanya.
"Pinapatawag ka ni dad at ni mom kanina pa, may bisita silang kasama. At tiyak na hindi mo magugusgustuhan ang kasama nilang bisita. Kita mo to?" Nakasimangot na sabi niya at pinakita ang kaliwa niyang pisngi. Ngayon ko lang napansin na may pasa siya sa kaliwa niyang pisngi. Saan naman nang-galing iyon? Wala naman kanina yon. Bago pa ako magtanong sinagot niya na kung ano ang nasa isip ko. "Yung bisita nila mom at dad ang may gawa nito. Tsk! Nakakainis. Ang tapang akala mo kung sino! Bumaba kana dun." Iritang sambi niya at naglakad na papasok ng kwarto niya na katapat lang ng kwarto ko. Sino naman kaya ang bisita nila mommy? At bakit niya sinapak ang kapatid ko? Tsk! Bumaba na ako para makita kung sino ba ang bisita nila mom at dad.
Pagbaba ko agad nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya kinaka-usap nila mommy? Anong koneksyon ng babaeng yan sa mga magulang ko at parang close na close nila mommy ang may katandaang babae na kasama ang babaeng dahilan ng pasa sa mukha ng kapatid ko. Agad napansin ni daddy ang presensya ko.
"Oh nandito na pala ang panganay ko. Halika ka dito Jasper at maupo ka. May ipapakilala ako sayo." Sabi ni daddy at agad naman akong umupo tulad ng sabi ni dad. Narinig ko ang pagsinghap ng babae sa harapan ko.
"Sino po sila dad?" Pagtatanong ko. Dahil wala akong ideya kung sino ba talaga sila at bakit sila nandito. Kanina ko lang nakita ang babaeng to' na may pula at violet na kulay ng buhok niyang kulot sa ilalim habang binubugbog ang dalawa kong kaibigan sa labas ng celestine. At ngayon ang lakas ng loob sapakin ang kapatid ko. Gago man yun pero ayokong may nananakit don.
"Sila ba anak? Ito si Manang flor at si Jessica ang apo niya. Matagal na nanilbihan satin noon si Manang flor noong nandito pa ang lolo at lola mo anak. Kanang kamay siya ng lola mo." Nakangiting sambit ni mommy sa akin. So sila pala.
Tumango naman ako at. "Ano pong ginagawa nila dito?" Tanong ko at napatingin ako sa babaeng may kakaibang kulay ang buhok na masamang nakatingin sa akin. Problema niya?! Hindi ako matatakot sa tingin niyang yan!
"Ahhm paano ba? May kahilingan kasi itong si Manang flor tungkol dito sa apo niyang si Jessica. At......." Pinutol ng babaeng may wirdong color hairstyle si mommy. Bastos! Tumayo at nakapameywang hinarap ang mommy ko. Napatayo din ako dahil sa inis ngunit hinawakan ni mommy ang braso ko para pakalmahin.
"Hwag niyo ng ituloy ang sasabihin niyo sa gago niyong anak na akala mo matalino! Dahil hindi naman ako papayag sa kagustuhan ng matandang to. Tsk! Bakit ba kasi sumama pa ako dito eh! Hoy tanda uulitin ko. Wag na wag mo ulit akong ipapamigay o ipagtatabuyan man lang! Dahil hinding-hindi ako makakapayag. Kaya ko ang sarili ko kaya wag kana mangi-alam!" Tsk walang manners. Nakaka-irita. Puta nakakainis! Sabay walkout niya. Tama yan umalis siya dito sa pamamahay namin. Napatingin naman ako sa lola niyang maluha-luha sa inasal ng sutil niyang apo. Nilapitan siya ni mommy at pinapakalma.
"Pasensya na ho talaga mam at ser sa inasal ng apo ko. Hindi ko na ho talaga kaya ang katigasan niya ng ulo, naaawa na ho talaga ako sa kalagayan niya. Palagi nalang siyang---" Pinutol ko ang sasabihin ng matanda.
"Ayun nakakaawa? Tsk hindi po nakakaawa ang ganung klase ng tao. Mukhang walang pinag aralan. Ang bastos ng bibig parang..."
"Parang kayo ng kapatid mo." Putol ni daddy sa sinasabi ko. Napatungo ako sa sinabi niya. Kapag talaga si daddy ang nagsalita parang tumitiklop ako. Totoo naman kasi. Hindi na nga ako basag-ulo sumobra naman sama ng bibig ko kung minsan. Huminga ng malalim si dad bago magsalita.
"Wag na ho kayong humingi ng pasenya manang flor, naiintindihan ko ang apo niyo. Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon. Mukhang madali lang naman ang hiling niyo, wag ho kayong mag-alala, tutulungan namin kayo sa apo niyo. Kami na ho ang bahala! Wala pa ito sa nagawa niyo para sa magulang ko. Malaki ang utang na loob ng magulang ko sainyo. Kami ng bahala sa apo niyo, maaari na kayong umalis papuntang davao ipapahatid ko ho kayo. Mag iingat po kayo." Sambit ni papa tska tumayo. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Putangina ano bang nang yayari? "Honey ihatid mo muna si manag flor sa driver natin sa labas, nasabihan ko na sila. At ikaw Jasper sumunod ka sakin." Seryosong sabi ni dad.
Kahit naguguluhan man ako sa mga nangyayari, sumunod parin ako kay daddy patungo sa....... Library? Patay! Kahit mabait na akong anak ngayon kinakabahan parin ako sa mangyayari ah. Mukhang seryosong usapan ang magaganap sa loob ng library na yon ni daddy.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED