Chapter 8

7K 160 6
                                    

Lee' Pov

Napa-face palm nalang ako matapos kong buksan ang pinto ng guest room kung saan si Jessica matutulog at kung saan ako nakarinig ng ingay. Sabi ko na nga ba gulo ito eh.

"Yo bro help me!" Sigaw ni Jacob habang inaawat si Jessica na pasugod kay Patrick. Ibang klase talaga ang babae na ito walang inuurungan. Nabaling ang tingin ko kay Patrick na naka-smirk lang habang titig na titig kay Jessica. Tsk! May laman ang ngisi niyang yun ah.

"Fuck magsi-tigil nga kayo! Mahiya kayo nandyan si mommy sa baba!!" Sigaw ko sakanila habang papalapit kay Jessica.

"Tsk hindi ko alam na may gago ka din palang kaibigan!" Galit na sambit ni Jessica at masamang nakatingin kay Patrick. "Wag mo nga akong hawakan!" Sabay siko naman kay Jacob at padabog na umupo sa kama. Napa-iling nalang ako sa inasta ni Jessica.

"Ano ba talagang nangyare dito?" Tanong ko sakanilang tatlo. Wala ni-isa sakanila ang sumasagot sakin. Tumingin ako kay Jacob pero nag-iwas lang siya ng tingin. Kay Patrick na ganun parin ang tingin kay Jessica at kay Jessica na naka-simangot ang mukha.

Puta para akong nagsasalita sa hangin. "Kayong dalawa sumunod kayo sakin!" Matigas na sambit ko. Palabas na sana ako ng guest room ng mapansin kong hindi pa sila nagalaw sa kinatatayuan nila. "I SAID NOW TWO MORONS!" Sigaw ko at tuluyan na akong lumabas ng guest room at nagtungo sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto agad akong nahiga dahil sa sobrang pagod at dinagdagan pa nila Jacob. Mga pasaway talaga! Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko hudyat na nakapasok na ang dalawang ugok. Bumangon ako at masama silang tinignan.

"Sasabihin niyo na ba sakin kung anong nangyare?" Pinag taasan ko sila ng kilay. Umupo naman si Jacob sa tapat ng desktop ko at nagkibit balikat. Si Patrick naman ay umupo sa railings ng bintana ko. "Putangina naman! Hindi ba kayo magsasalita? Ano kayo naputulan na ng dila?!" Bulyaw ko sakanilang dalawa.

"Ugh shut up dude!" Iritadong sambit ni Patrick. "Ikaw ang magpaliwanag kung bakit nandito ang babaeng yon!" Dagdag niya at masama akong tinignan.

"Pfft. She's unbelievable right Pat?" Nakangising sambit ni Jacob sa nakasimangot na si Patrick. "Ibang klase pagkabukas namin ng pinto ng room ko Bro' bigla namin siyang nakita na papasok ng guestroom. At guess what? Hahaha nakita niya kami at sinuntok si Patrick pffft. Akala ko ako nanaman ang susuntukin eh. Mabuti naka-ilag ako. Whooo!" Kwento ni Jacob na natatawa at hindi makapaniwala. Tuwang-tuwa pa siya sa lagay na yon? Napailing na naman ako. Tumingin ako kay Patrick na mukhang malalim ang iniisip.

"Ang lalim ng iniisip mo Patrick ha." Sambit ko. Tumingin siya sakin.

"Iniisip ko kung paano ka magpapaliwanag sakin at sa barkada." Tumingin siya kay Jacob. "May alam ka dito diba Jacob?" Tanong niya kay Jacob na napakamot sa ulo. "Tsk! Sabi na nga ba eh." Dagdag niya pa sabay tayo mula sa pagkaka-upo.

"Ako ng bahala magpaliwanag nito sa monday. Ngayon wag mo muna bangitin sakanila lalo nasa dalawang babae." Aniya ko.

"At talagang ipapa-monday mo pa? Bahala ka. Basta ako hindi pa ako tapos sa unang babae na sumuntok sakin. Fuck!" Aniya at lumabas na ng kwarto ko. Napatungo nalang ako.

"Hatid ko lang ang isang yon bro! Ge maya nalang." Si Jacob at lumabas narin ng kwarto ko.

Napahawak ako sa ulo ko habang nakayuko. Ugh ano ba naman itong napasok ko? Paano ko ngayon ipapaliwanag sakanila ito? Bulilyaso na agad hindi pa nga naglulunes. Shit naman talaga oh! Napatingin ako sa pintuan dahil may kumakatok. Ugh badtrip naman oh.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon