Chapter 9

6.5K 132 0
                                    

Third Person' Pov

Lunes.

Maagang nagising si Lee para paghandaan na ang kanyang pag-pasok sa school. Monday ngayon kaya kailangan niya na maagang pumasok dahil sa gaganapin na flag ceremony.

"Manang may breakfast na ho ba?" Pagtatanong niya sa isa sa katulong nila pagkababa niya ng hagdanan.

"Meron na po. Ipaghahanda ko na kayo." Magalang na sagot nito tska nagtungo sa kusina. Napikit-pikit pa habang nagkakamot ng ulo si Lee habang papunta sa sala nila upang mahiga muna hangga't wala pang almusal na nakahain.

Bigla niyang naalala na ngayon pala ang unang araw ni Jessica sa pag pasok kaya napabangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa at umakyat sa itaas at tinungo ang kwarto ng kanyang kapatid.

"Hoy Jacob gising!!!!" Malakas na sigaw niya sabay tapik ng malakas sa pisngi ng natutulog niyang kapatid.

"Ano ba.... Natutulog pa yung gwapo eh." Inaantok na reklamo nito at nagtakip ng unan sa mukha. Tinapik ulit sa pisngi ni Lee ang kapatid.

"Dammit! Jacob bumangon kana dyan wag mo akong galitin si Dad talaga ang papupuntahin ko dito sige ka!" Pananakot nito. Bigla naman bumangon sa pagkaka-higa ang kapatid nito at nagkamot sa ulo.

"Ano ba kasi yun? Ang aga-aga pa eh." Reklamo nito na medyo inaantok pa.

"Anong maaga? 5:30 na at for pete sake meron tayong flag ceremony! Umattend kana man dun mahiya ka." Sambit nito sa kapatid ng nakapamulsa.

"Oo na! Tawagan mo nga sila Clark para sabay sabay na kami. Kainis!" Inis na sabi nito at nahiga ulit. "30 minutes pa." Ani nito at nagtalukbong ng unan sa mukha.

Inis na napahawak si Lee sa kanyang ulo at mabilis na tinanggal ang unan na nakaharang sa mukha ni Jacob. "May isa pa Jacob!"

"Ano nanaman ba yun Kuya? Inaantok pa ako ehh!" Iratado nitong sabi sabay bangon.

"Si Jessica isabay mo siya mamaya. Maaga akong papasok eh." Mahinahong sabi nito. Nanlaki naman ang mata ni Jacob sa narinig.

"Anoooo? Ayoko! Hindi kami close at ayokong masapak ng babaeng yun. Tska ano ba Lee, ikaw ang may responsibilidad sakanya at hindi ako." Reklamo nito tska tumayo at nagtungo sa CR ng kwarto niya para umihi.

"Isasabay mo lang naman pumasok the rest ako ng bahala!" Sabi nito ng sumunod siya sa kapatid hanggang banyo.

"Fine. Pag pasok sa gate ng Celestine iiwan ko na siya. Ayoko talagang makasama siya! Lalo na't first day niya ngayon dun." Sambit nito at nag hugas ng kamay.

"Psh arte papayag din naman pala! Bumaba kana at mag aalmusal na tayo. Bilisan mo!" Aniya sabay lakad palabas ng kwarto ng kapatid.

Matapos nilang kumain ng almusal magkapatid mabilis na kumilos si Lee para pumasok sa school dahil inaasahan siya ng Celestine para mamuno sa flag ceremony.

"Hoy kumilos kana dyan at isabay mo si Jessica ha! Ge una na ako. Mang Carlo tara na po." Ani nito at umalis na kasabay ang driver nilang maghahatid sakanya. Coding kasi ang sasakyan nito kaya nagpahatid na lamang siya sa driver nila.

Napakamot sa inis si Jacob at magtutungo na sana sa kwarto niya upang maligo ng magkasalubong sila ni Jessica sa hagdanan.

"Nasan na ang gago mong kuya?" Walang emosyon na sambit nito kay Jacob.

Kunot noo naman siyang sinagot ni Jacob. "Ang aga-aga kung makapag mura ka." Aniya.

"Mainis ka kung ikaw ang minura ko. Tsk!" Ani ni Jessica sabay bumaba na ng tuluyan sa hagdanan.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon