Jessica' Pov
Badass. Jerk. Gangster. Cussed Machine. Thief. Cold Hearted Girl. Heartless.
Nakakainis man isipin pero ako lahat ng iyan ay naging katangian ko. Naging isang walang kwentang babae ako sa mata ng ibang tao lalo nasa mata ng pamilya ko. Nakakahiya OO! Pero anong magagawa ko? Isa akong tao na uhaw sa atensyon sa pamilya ko.
Pero lahat ng iyan ay nabago ng makilala ko si Lee. Isa siyang lalaki na nakakainis at napaka pakielamero. Ang sakit magsalita na tagos hanggang buto. Gago kasi ang isang iyon eh! Pero kahit na gago siya, natutunan ko siyang mahalin.
Pero ng dahil din sa pag mamahal ko sakanya ay nasaktan ako. Hindi lang emotionally kundi physically pa.
Sayang lang at hindi kami nabigyan ng magandang ending na dalawa. Wala kaming forever. Wala kaming happy ending. Wala din kaming happy memories.
Sapat na sakin si Baby Luke ang naging masayang alaala kay Lee. Kahit na isang pagkakamali lamang ang lahat. Kahit na hindi maganda ang pagkuha niya sa pagkababae ko noon. Oo natakot ako. Oo lumayo ako. Pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon.
Natakot akong baka kung anong gawin niya sakin at sa baby kapag nalaman niya na nagbunga ang ginawa niya sakin. Ayokong mapahamak ang baby ko kaya nag patulong ako sa Mommy ni Patrick na gumawa ng kwento sakanilang lahat.
Ngayon isa nalang akong alaala para sakanila. Isa nalang akong nakalipas na kaibigan at kapamilya sakanilang lahat. Isa nalang akong PATAY na maituturing.
Sa mura kong edad nagkaroon ako ng anak. Pangit man sa mata ng iba pero hindi ko ikakahiya na nagka-anak ako sa edad na disi-syete. Mahal ko ang anak ko tulad ng pag mahahal ko sa ama niya.
Sa lumipas na limang taon. Madami ng nag-bago. Nakapag-tapos akong kolehiyo sa tulong ng ibinigay na trabaho sakin ng Dad ni Patrick sa manila. Habang nag-tatrabaho at nag-aalaga ng anak ay nag-aaral ako para sa kinabukasan naming dalawa ni Luke. Gusto ko balang araw mabigyan ko siya ng magandang kinabukasan hindi katulad ko noon na walang direksyon ang buhay.
Himala din na gumaling ang sakit ko. Nagpapasalamat ako sa panginoon na hindi niya hinayaang kumalat ang sakit ko. Nalampasan ko lahat ng hirap at sakripisyo sa loob ng limang taon.
Sa loob din ng limang taon nanirahan ako sa maynila kasama ang anak ko. Tinulungan ako ng pamilya ni Patrick na makapag-simula, kaya naman nakabili ako ng condo unit at isang sasakyan habang nagta-trabaho ako while nag-aaral. Naging open din ako sa lahat ng taong iniwanan ko sa Alabang ng mahigit apat na taon. Nagkaron ako ng access na malaman kung ano na sila ngayon at kung maayos naman ba sila ngayon sa pamamagitan ni Patrick na palaging nasa condo ko tuwing weekends kasama ang kanyang fianceè. Ngayon ay isa ng ganap na CEO si Patrick ng sarili nilang kompanya ang fianceè niya naman ang kanyang secretary.
Si Uno naman ay bumalik ng States matapos ang highschool graduation ni Haru at Primo. Doon niya na ipinag-patuloy ang college maging si Haru na pinsan niya ay sa States narin nag-aral ng College. Si Clark at Shay naman daw ang nagkatuluyan ayon kay Patrick. Si Stacey ay nanirahan na daw sa Davao kung saan naroon ang pamilya niya. Si Jacob ay naging certified playboy ng mag-college pero ngayon ay meron isang strict na girlfriend.
At si Lee? Nalaman ko na nagkaron pala siya ng sakit na D.I.D. pero naging maayos naman na daw siya at bumalik sa dati. Ayon din kay Patrick ay pinag-sisihan niya ang lahat na nagawa nito sakin pero nanatiling sikreto parin ang pagtatago ko sakanilang lahat lalo na nagkaron ng tatlong girlfriend ito. Ayoko ng sirain ang magandang buhay ngayon ni Lee at ng lahat ng taong iniwanan ko noon.
Ako? Isa na akong Marketing Supervisor sa company nila Patrick. Maayos ang takbo ng buhay ko at anak ko na magpa-five years old nasa darating na buwan.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED