Chapter 33

4.5K 93 1
                                    

Third Person' Pov

Isinugod nilang anim si Jessica sa Asian Hospital sa Alabang kung saan nagta-trabaho ang ina ni Patrick.

"Mom please! She collapse. Help her to recover okay?!" Nag-aalala nitong  saad sa ina matapos nilang dalhin ang dalaga sa emergency room.

"Relax son! Don't worry akong bahala sakanya. Just wait for me and guys relax lang kayo. Don't panic. Excuse me." Wika ng ina ni Patrick at tuluyan ng pumasok sa emergency room.

"Fuck it! Bakit ba kasi hindi ko siya tinignan kanina eh!!" Sisi ni Uno sakanyang sarili habang sinusuntok ang pader.

"Hindi makakatulong kay Jessica yan kung sisisihin mo ang sarili mo." Kalmadong saad ni Jacob habang nakaupo.

Sinamaan siya ng tingin ni Uno at dinuro. "Kasalanan to ng lintek mong kapatid! Lahat nalang ng mahal ko sa buhay siya ang dahilan kung bakit ito napapahamak!! Damn your brother!" Singhal niya sa binata.

Napatayo naman sa galit at itinulak si Uno at naghahamon niya itong tinignan. "Anong sabi mo?! Wag mong madamay-damay ang kapatid ko dito!! Kahit na nagbago ang ugali niya wala kapa din alam kung bakit at kung ano ang pinag-daraan niya!!" Aniya ni Jacob.

"Hindi ko alam?" Tila naghahamon na tanong nito kay Jacob. "Eh kung sabihin ko kaya sayo na siya puma---"

Hinawakan ni Partrick ang balikat ni Uno kaya inis na napabaling siya dito. "Wala yang alam kaya manahimik ka!" Saad ni Patrick sa mahinang tono. Kaya napilitan si Uno na dumistansya sa nakababatang kapatid ni Lee at pasalampak na naupo sa couch.

"What happened to her ba? Bigla siyang namutla? Hindi naman ganun si Jess right?" Nag aalalang tanong ni Shay.

"Walang nakaka-alam!" Tila nagpipigil ng galit na saad ni Uno.

"Kalma lang tayo guys at hintayin nalang natin si titang lumabas ng er." Singit ni Clark.

Matapos ang ilang minutong pag-hihintay ay lumabas na ang ina ni Patrick sa emergency room at meron itong napaka-seryosong mukha. Nilapitan siya nila Patrick.

"Mom anong balita? Anong lagay niya?" Tanong agad ni Patrick sa ina.

"This is too confidential son. Call your Tita Margareth and tell her na tumawag siya sakin as soon as possible may kailangan akong idiscuss sakanya." Tumango naman si Patrick. Bumaling ang doktora kay Uno. "Mr. Sky Garcia right?" Tanong niya dito at tumango naman si Uno. "Come with me to my office. I need to talk to you besides walang parents and guardian ang pasyente." Pormal na saad nito.

"Tita parating na po si Mom and Dad. Sila po ang pansamantalang guardian ni Jess." Singit ni Jacob.

Tumango ang doktora. "Okay once they're arrived, please tell them na pumunta sa opisina ko right Jacob?" Aniya.

"Yes tita." Magalang na saad ni Jacob.

"Now ikaw muna ang kakausapin ko Mr. Sky let's go." Akma ng aalis ang doktora ng pigilan siya ni Patrick.

"Mom can I come in?" Pursigidong tanong nito kung kaya't ngumiti ito at tumango.

Sa opisina ng doktora. Meron itong binabasa na mga papel bago harapin si Uno na nakaupo sa couch habang matiim na nag-aabang ng sasabihin ng doktora.

"Tatapatin na kita. The case of Jessica is very rare and dangerous." Panimula ng doktora at bumaling muli sakanyang tinitignan na papel. Tahimik lamang na nakikinig sakanila si Patrick. "The last time na isinugod niyo dito si Jessica, inuwi niyo din siya without my permission kaya hindi ko nasabi ang kalagayan ng pasyente." Seryosong saad nito.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon