Chapter 24

4.8K 95 1
                                    

Jessica' Pov

"Malapit na ang Christmass party natin ngayon Jess, any preparation for the party?" Tanong sakin ni Shay, habang naglalakad kami sa hallway na merong bitbit-bitbit na kahon para sa SC room. Bwisit kaya ayokong tatambay sa loob ng classroom eh mauutusan ka ng mga tamad na teachers na dapat sila ang gumagawa nito imbis na ipa-utos pa sa mga estudyanteng tulad namin ni Shay. Ang pinaka kinaiinisan ko pa is dadalhin namin tong mga kahon sa SC room kung nasan si Lee ngayon. Urgh kung kailan naman ako naiwas oh!

Napatingin naman ako kay Shay. "Party? May ganun pa ba? Psh!" Napa iling nalang ako.

She rolled her eyes. "Duh Jess! Inaabangan ng lahat ang Christmass party ng Celestine, cause' hindi lang siya basta party. It's a ball! At meron din na kasabihan na pag patak ng 12 midnight kung sino ang huling makaka-sayaw mo siya ang makakatuluyan mo. But hindi belong ang mga real couples para sa fantasy dance na yun." Paliwanag niya. Kalokohan. Pag patak ng 12 midnight? Kung sino ang huling makakasayaw mo siya na ang makaka tuluyan mo? Ano to! Cinderella lang ang peg? Diary ng Panget ganon? Psh!

"Psh! Kalokohan." Sagot ko sabay ismid. Siniko niya naman ako kaya medyo muntik na akong madapa.

"Kj ka talaga Jess! Tska hindi yun kalokohan no. Ang sweet kaya tska ewan ko kay Lee kung anong theme ang gagawin niya for this month. Last year kasi is God and Goddess eh." Aniya.

"Bilisan na nga lang natin ng makapag lunch na tayong dalawa." Aniya ko at nauna ng maglakad.

Pagka pasok namin sa magulong SC room nadatnan namin ang mga officers na sobrang busy na halos lahat ay nakatutok sa mga laptop nila at si Lee naman ang parang asong nakatingin sakin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay. Kaya nga ba ayokong nandito ako eh.

"Oh mga ate nandito pala kayo." Masiglang bati samin ni Faye at kinuha ang mga dala naming boxes. Tipid na ngiti lamang ang ibinigay ko sakanya dahil naiilang na talaga ako sa titig sakin ni Lee.

"Pffft. Lee stop that! Ang pangit mo." Narinig kong asar ni Shay habang natatawa.

Tumalikod na ako at akma ng lalabas ng SC room ng hawakan niya ag braso ko. Fuck! Bakit sa simpleng pag hawak niya pa lang sakin ang lakas na ng impact. What the hell! Lee stop doing this to me. Nakakabaliw eh!

"Haays! Ang pangit mo talagang suitor Lee. Jess let's go." Aniya ni Shay at hinatak na ako palabas ng SC room. Narinig kong nag reklamo at nag mura pa si Lee pero hindi ko na ito narinig ng isarado ni Shay ang pintuan. "Hanggang kailan mo papahirapan ang kaibigan ko?" Tanong niya. Alam na ng barkada ni Lee na hindi niya talaga ako girlfriend at okay lang sakanila iyon, pero alam nila ngayon na nililigawan ako ng kaibigan nila ngayon.

"I don't know." Kibit balikat ko. Dahil hindi ko din naman talaga alam, at wala pa akong karanasan sa mga ganyan-ganyan. Tama ng isang beses na akong masaktan wag na natin pang ulitin at ayokong maging tanga na naman.

"Hmmp. Sana bago mag party or after party maging kayo na hahaha." Aniya na tumatawa kaya binigyan ko siya ng isang malakas na batok. "Ouch! Ang hard mo talaga." Aniya na hinihimas pa ang kanyang ulo while pouting.

"Bagay talaga kayo ni Clark." Saad ko at nauna ng mag lakad.

"Hoy sarcastic ba yon o papuri? Kadiri kase eh!" Dinig kong sigaw niya habang nakasunod sakin. Hay Shay akala ko ako lang ang manhid. Ikaw din pala. Ang tanga niya para hindi mapansin ang presence ni Clark na palaging nag aalala sakanya at binibili pa lahat ng gusto niya. Poor Clark.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at sabay-sabay na kumakain ng lunch ofcourse without Lee kasi busy pa ang gagong yun sa SC room. Im just silently eating my cordon bleu when suddenly Shay poked my shoulder, bago pa ako makapag react nalaman ko na kung bakit. The great Lee is sitting beside me.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon