Warning: SPG// Lenggwahe at droga.
Third Person' Pov
Matapos tumakas ni Jessica sa kanyang school ay nagpunta ito sa dati nitong tinatambayan malapit lang din sa Celestine. Kung saan natambay ang mga kamiyembro niya sa gang noon.
"Oh whoo! Look who's here." Nakangising bati niya sa nakasimangot ang mukha nasi Jessica. Pabalya itong umupo sa tabi ng kaibigan. "Anong hangin ang nagdala sayo dito ha Jes?" May halong pang-iinis sa tono na ito.
"Shutup Haru. Wala ako sa mood makipag-usap sayo!" Sabay irap nito sa lalaki. Inakbayan naman nito si Jessica at may inabot. Kunot noo naman niya itong tinignan. "Ano yan?" Tanong nito.
"Obvious ba? Marijuana. Mukhang kailangan mo nito eh! Hahaha." Tumatawang sambit nito.
"Tss! Nakatira ka ano?" Inis na tanong nito tska inirapan si Haru. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng lugar. "Nasan nga pala yung nga ka-uri mo?" Pagtatanong nito sa kaibigan na ngayon ay sinisindihan na ang marijuana.
"Parang hindi mo din sila ka-uri ha? Nagsolo ka lang kaya ganun. Tss nasa rambulan sa kabilang kanto." Sagot nito at tinikman na ang marijuana.
"Ang baho naman niyan!" Sita ni Jessica sabay takip sa ilong. "Bakit hindi ka sumama?" Tanong niya ng mailayo na ni Haru ang ginagamit niya.
"Naa. Ayokong madungisan ang gwapo kong mukha! Mas masarap pa ito lalo na mamaya kapag dumating na ang dalawa kong chics. Ecstacy gusto mo?" Alok pa nito.
Sinamaan siya ng tingin ni Jessica. "Gago lang ako pero hindi ako adik! Saan niyo ba nakukuha yan? Bawal yan ah." Tanong nito tska kinuha ang ecstacy sa kamay ni Haru at sinuri itong mabuti.
"Sa bar. Yung iba ninakaw namin." Simpleng sagot nito habang nagamit ng marijuana.
"Jessica!"
Napalingon silang dalawa sa likod kung saan nila narinig ang isang boses ng lalaki. Napasimangot naman si Jessica ng malaman kung sino iyon at si Haru naman ay may pagtatanong sa mukha nito.
"Tss sino ka naman?" Asar na tanong ni Haru sabay patay ng marijuana at itinago ito.
Imbis na sagutin ang tanong ni Haru ay lumapit lang siya kay Jessica at marahas na hinigit ito patayo at paalis. Galit na tumayo si Haru upang pigilan ito sa panghihila kay Jessica.
"Hoy gago ka ah!" Galit na utas ni Haru.
"Mas gago ka! Halika na Jessica kung ayaw mong magtawag pa ako ng pulis at ipahuli ko kayong dalawa." Galit na sabi nito.
"Shit Lee nasasaktan ako! Bitawan mo nga akong letshe ka!" Reklamo nito habang tinatanggal ang kamay ni Lee sa braso nito.
Nagtaas naman ng dalawang kamay si Haru. "Labas ako dyan ha! Hindi mo sinabi Jes na may syota kana pala. Pftt." Natatawang sabi nito kay Jes at lumakad na palayo.
"Ulul hindi ko ito syota!" Sigaw niya dito.
"Ano ba tong kagaguhan na ito ha Jessica?!!" Sigaw na tanong nito sa dalaga at binitawan ng marahas at frustrated na tumingin dito. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!! Kanina nakipag-sabunutan ka kala Shay. Iniwan mo lang yung punishment na ibinigay ko sayo. Tumakas ka at sinipa mo pa ang mga guards ng Roswell para lang makapag cutting ka. At ngayon makikita kita dito sa tambayan ng mga gangster at may hawak ka pang ecstacy habang yung kasama mong lalaki nagamit ng marijuana sa tabi mo. PUTANGINA JESSICA KABABAE MONG TAO BAKIT GANITO?!!" Sigaw nito sa dalagang hindi man lang siya tapunan ng isang tingin. "Fuck Jessica! Ano ba talaga ang gusto mong mangyare?!" Frustrated na tanong nito.
"Wag mo akong pakialaman." Simpleng sagot nito at walang ekspresyon na nakipagtitigan kay Lee.
Tumawa naman si Lee na parang nababaliw na. "Kung pwede lang Jessica! Kung pwede lang!" Sabi nito na halatang nagpipigil ng galit sa dalaga. "Kaso hindi! Ipinagkatiwala ka sakin ni daddy at ng lola mo! Ughhh! Tangina! Tangina lang. Paano ka ba magtitino?!" Galit at may halong frustration na sambit nito.
Umiwas ng tingin si Jessica. "Umuwi na tayo." Sabi nito at nauna ng maglakad. Wala ng nagawa si Lee at sumunod na lamang dito kahit labag man sa kalooban niya.
Sa hapag kainan sabay silang kumain maliban kay Jacob na may tinatapos na project sa kanyang kwarto kaya't dinalhan na lamang siya doon ng makakain.
"Oh ija how's your first day sa Celestine?" Malambing na tanong ng mommy ni Lee.
"Ayos lang." Mahina nitong sagot.
"Hindi ka ba nahirapan doon mag-adjust? May mga kaibigan kana don?" Tanong pa ulit nito sa dalaga na tahimik na kumakain. Napasulyap sakanya si Lee kung sasagutin ba nito ang tanong ng kanyang mommy.
"H-hindi tska wala." Sagot ni Jessica.
"Ohh. Lee anak tutal naman classmate kayong tatlo nila Jacob bakit hindi mo siya ipakilala sa mga friends mo? Para naman may maging kaibigan nasi Jessica." Ani ng mommy nito. Sasagot na sana si Lee ng maunahan siya nito.
"Hindi na kailangan. Tapos na akong kumain." Ani ni Jessica at agad ng umalis.
"Jasper anong tunay na nangyare kanina?" Seryosong tanong ng daddy nito. Uminom muna ito bago sumagot.
"Disaster dad. A big one."
--
Author's note:My update is so short and lame. Mejo spg din sa languange. Bear with me! :)
Bawi ako sa next chapter.
Follow niyo nga ako ako twitter at ig. Pls. Lol.
@onithxx -ig
@OfficialRSA23 -twitterHehe konti palang followers ko at nagpa followback ako. Kindly dm or tweet me. :) mabait ako promise hehehe. Ü
Pls vote and comment.
*PinayKimchii ❤
(Onith)
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED