Chapter 15

5.8K 123 0
                                    

Third' Person Pov

"Ija sure kana bang kaya mo ng pumasok ngayon? Hindi pa magaling ang sugat mo sa ulo." Nag-aalalang tanong ng mommy ni Lee kay Jessica na ngayon ay nakasakay sa kotse at nasa harap sila ng Celestine.

"O-opo kaya ko. Wag na kayong mag-alala." Mahinang sambit naman ni Jessica na ngayon naman ay nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang malaking building ng Celestine.

"If that's what you want ija. I can call Lee para masamahan ka niya papasok sa loob. Or if you want sasamahan kita." Alok niya dito na agad naman niyang tinanggihan.

"K-kaya ko na." She uttered a word. Tska tumingin sa salamin para tignan ang kanyang itim na buhok na pinakulayan niya kanina lang kasama ang mommy ni Lee.

Ngumiti naman ang matanda dito. "Don't worry Jessica, you look good on your new hair color. Mas lalo kang gumanda." Aniya.

"S-sala.... Una na ako." Mahina nitong sagot at mabilis na lumabas ng kotse at mabilis na tinungo ang front gate ng Celestine.

Nakangiti namang sinundan ng tingin ni Leandra si Jessica. "Ang laki na ng pinag-bago niya simula ng unang dating niya samin hindi po ba manong?" Tanong niya habang nakamasid kay Jessica na papasok sa loob ng Celestine.

"Opo madam. Nag-improve na ho si Mam Jessica." Magalang na sagot naman ng driver.

"Hindi kami binigo ni Lee. Sana magtuloy-tuloy na. Halika na po dun po tayo sa opisina ni Leon manong." Nakangiti nitong sabi at agad naman na pinaandar ng driver ang kotse papunta sa opisina ng asawa niya.

Habang tinatahak ni Jessica ang hallway papunta sa klase niya hindi na bago sakanya ang masasamang tingin na nakukuha niya sa mga estudyante ng Celestine. Ginantihan niya din ito ng masamang tingin.

Isang linggo na rin ang nakalipas matapos ang nangyaring insidente sakanya laban sa mga kaibigan ni Lee. Lingid sa kanyang kaalaman nabigyan ng kaparusahang tatlong araw na suspension ang mga may sala at tatlong araw na community service.

Nang biglang may humila sa kanyang kamay at dinala siya sa music room kung saan walang tao at nakapatay pa ang ibang ilaw. Hindi niya maaninag kung sinong poncio pilato ang nanghila sakanya, at nalaman niya lang ng bigla itong mag salita.

"S-orry." Sabi ng taong nang-hila sakanya.

"Bakit mo ako hinila dito? Late na nga ako, mas lalo pa akong nalate." Iritang sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ng taong nang-hila sakanya.

"I said I'm sorry." Ulit nito na may tonong naiinis na.

"K." Walang ekspresyon na sabi nito.

"Is that a yes?" Nakangising sabi nito sa dalaga. Kaya namang tamad na tumango ito. Akma ng lalabas ng music room si Jessica ng hilahin siya nito pabalik sa loob at biglang siyang yakapin. "Please be my girlfriend." Seryosong ani ng lalaki.

Malakas itong tinulak ni Jessica. "Gago ka ba Patrick?!" Bulyaw nito at sinamaan ng tingin si Patrick.

"I'm dead serious here Jessica. Ugh! Tangina kasi eh after what we did to you, hindi kana naalis sa sistema ko! Ayun naman pala nahulog na ako sayo!" Frustrated na sambit nito.

"Pwes wala akong balak na saluhin ka." Akma na siyang lalabas ng magsalita ulit si Patrick.

"Kapag naging boyfriend muna ako wala ng sinuman ang mananakit sayo!" Aniya.

Mariin naman siyang tinignan ni Jessica at nakipag sukatan ng tingin. "Kaya ko ang sarili ko." Sagot ni Jessica at tuluyan ng lumabas ng music room at nagtuloy na sa kanyang classroom.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon