Lee' Pov
Sabado.
Ito na ang araw na hinihintay ko. Ang paghatol ko sa babaeng thief at bad-ass na yon! Sana lang makita ko siya ngayon dahil langya! Isinantabi ko lahat ng mga mahalaga kong gagawin ng dahil lang sa babae na yon. Kapag hindi ko siya makikita ngayon, bahala na siguro .
"Mom."
Lumingon naman sakin ang napaka-ganda kong nanay na busy sa pagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sakanya at hinalikan ang pisngi niya.
"Oh ijo mukhang bihis na bihis ka. Saan ang lakad mo?" Tanong sakin ni mommy.
"May hahanapin lang pong isang daga. Pffft." Natatawang sagot ko. Tinaasan ako ng kilay ni mom dahil sa sinagot ko. Inilagay ko nalang ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pants ko at umayos ng upo.
"By the way mom, have you seen dad? Itatanong ko lang kung saan nakatira sina manang flor." Tanong ko sakanya. Nagliwanag naman ang mukha ni mom sa sinabi ko. May nasabi ba akong maganda?
"Nasa opisina na ang tatay mo. Mukhang tutuparin mo na ang sinabi ng daddy mo sayo anak ha. Your a big boy na to take a responsibility! Good job son." Nakangiting sambit niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko! Ginagawa niya naman akong bata eh.
"Mom naman, malaki naman na talaga ako no. So pano yan?" Sagot ko.
"Fine. Go ahead. I'll text you the address. Take care and goodluck Jasper." Sabi ni mom na ang lapad ng ngiti. Humalik nalang ako sa pisngi niya ar umiiling na lumabas ng bahay. Pati ba naman nanay ko? At parang sobrang saya niya pa ah. Kung sabihin ko kaya na ninakaw lang naman ng babaeng yun ang wallet ko at nandon ang ibinigay niya saking 1week allowance. Im sure uusok ilong nitong nanay ko. Mabuti nalang talaga madami akong ipon at hindi ako namumulube may kotse pa ako.
Pagka-sakay ko sa black porsche ko nareceive ko na agad ang address ni manang flor.
Mommy:
56 C purok 5 Sta. Rosa Laguna. Ingat anak! :)"Bakit may purok5 pa? Tsk mukang hindi sila sa subdivsion nakatira ah." Sabi ko sa sarili ko. Pinaandar ko na ang kotse ko at binuksan ang gps mahirap ng maligaw ngayon lang ako makakarating ng Sta. Rosa in my entire life. Alabang to Sta. Rosa hindi na masama ang biyahe sana lang hindi traffic.
Tama ba itong gagawin ko? Talaga bang susundin ko si Daddy? Ayoko naman maging masama ulit para hindi sumunod sa hiling ni dad pero walangya! Ang hirap naman eh. Isang bad-ass at thief walang kwenta sa lipunan papatinuin ko? Ano ako? Diyos? Kaya ko kaya? Hayst! Ang hirap! At paano ko ito sasabihin sa barkada once na mag-aral na itong babae na ito. Malamang walang katapusang gulo ito.
Matapos ang isang oras na biyahe nakarating din ako sa wakas ng Sta. Rosa kaso lintik saan naman dito ang 56 C purok5? Wala man lang nakalagay na barangay or something. Si mommy talaga oh kahit kailan. Huminto muna ako sa starbucks para bumili ng choco latte at para makapag tanong narin.
"Miss one choco latte please. Grande." Sabi ko. Ngumiti naman yung babae sakin at teka namumula ba siya?
"R-right away sir. M-may I know your name sir?" Bakit siya nauutal? Natatakot ba ito sakin o ano? Tsk ayaw nalang magtrabaho ng ayos.
"Lee." Tipid na sagot ko at dumaretcho na sa isa sa mga upuan dito sa loob ng starbucks.
Mukhang nakarating nga ako ng walang kahirap-hirap dito pero mukhang mahihirapan naman ako sa exact address nila manag flor. Naramdaman ko namang nagvibrate ang cellphone ko.
Shay calling.......
Bakit naman kaya natawag ito.
"Hell Shay bakit?" Seryoso kong tanong.
[Where are you? Nandito kami sa pads! Punta ka dito. Ikaw lang ang kulang.] Yaya niya sakin. Akala ko naman importante ang sasabihin niya.
"Sorry Shay. I'm busy." Tanggi ko sakanya. Narinig ko naman sa kabilang linya ang sari-saring mura ng tatlong lalaki. Tsk nakaloudspeak pa!
[Nasaan ka ba? Kj naman nito! Hinahanap ka kaya ni Stacey---SHAY ANO BA!!--Fuck you bro kj ka!--Damn Lee pumunta ka dito!!!-Shut up guys!] Halo-halong sabi nila sa kabilang linya. Ang sakit nila sa tenga. Mga gago talaga ang mga ito kaya imbis na sagutin sila pinatay ko nalang ang cellphone ko. Kahit kailan talaga mga gago sila.
"Here's your choco latte sir." Sabi nung waitress tska inabot sakin yung order ko. May ipinakita naman ako sakanya. Yung text ni mom.
"You know that address?" Tanong ko sa waitress. Binasa niya naman ito at nanlaki ang mata.
"Y-yes sir. Taga dyan po ako sa lugar na iyan, bakit po?" Thank god! Mukhang swerte parin pala talaga ako.
Lumabas na ako ng coffee shop at dumaretcho sa exact address ng bahay nila manang flor, sana lang at nandon ang babaeng yon at kung hindi mayayari talaga siya sakin dahil sobrang effort ang pagpunta ko dito. Habang papalapit na ako sa lugar na sinabi ng waitress parang unti-unting nagbabago ang lugar hindi katulad kanina na sobrang aliwalas at ang gaganda ng mga bahay pero ngayon mukhang hindi na nababagay ang kotse ko sa dinadaanan ko. Kabalikataran na lahat, ang dumi, panay usok, puro mga batang nagtatakbuhan sa gitna ng kalsada. May mga nagsusugal pa sa gilid. Teka skwaters area ba ito? Tirahan ng mga mahihirap? So mahirap lang sila kaya nagnanakaw ang babaeng yon? Tsk! Kaya naman pala. May pinag manahan na lugar. Lumingon-lingon ako para makita ang bahay nila, pero halos pare-pareho lang ang style ng mga bahay dito. Bunggalow type at may mga tagpi ng yero at plastic. Komportable kaya sila sa lugar na ito? Pansin ko din na kanina pa nila tinitignan itong kotse ko. Nako mukhang mapapasubok ako dito ah! Iniliko ko pabalik ang kotse ko mahirap ng manakawan ulit no. Ipapark ko nalang muna ito sa malapit na fastfood chain ng hindi macarnap ito sa lugar na yon.
Pero bago ko pa mailiko ang kotse ko may pumukaw na agad ng atensyon ko. Hindi ako nagkakamali siya nga! Agad akong bumaba ng kotse ko at dinouble lock ang mga pinto at bintana hightech naman itong porsche ko kaya mahihirapan silang nakawin ang kotse ko. Tsk!
"Teka Jessica!" Sigaw ko ng bigla siyang tumakbo ng may humabol sakanyang babae? Pati ba naman dito may kaaway ang babae na yun? Tsk ibang klase! Hinabol ko din sila pero sa patago lang, mahirap ng madamay sa gulo ng bad-ass na yan! Sanay akong makipag-away pero takte hanggat maari iniiwasan ko.
Sa kakahabol ko sakanya nakita ko siyang pumasok sa may isang eskinita kasunod ng humahabol sakanyang may katandaang babae, mga nasa mid 30's na siguro iyon! Pati ba naman matanda pinapatulan nito? Takte yan! Kaya naman pumasok din ako at nakita ko sila sa isang maliit na baro-baro. Agad akong napahinto at napapikit sa nakita ko.
Kahit na lalaki pa ako at sanay parin sa pakikipag basag-ulo hindi ko kaya ang nakikita ko ngayon. Tangina! Makatao pa ba siya? Ganito ba ang ginagawa nila araw-araw? Kahit sino sigurong taong matapang at matigas masasaktan kapag hinampas ng dos por dos sa katawan at binato ng bote sa ulo. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa galit. Tangina nanggigil ako! Mamamatay siya kapag hindi siya lumaban sa babeng yan. Gago tong babae na ito ah! Sino ba siya sa akala niya? Hindi lang siya isang Bad-Ass na maituturing, isa din siyang demonyo para sakin.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko.
"Tama na yan!"
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED