Chapter 4

8.7K 150 0
                                    

Lee' Pov

Pakshet.

Pakshet talaga! Sa lahat ba naman ng nanakawin wallet ko pa talaga? At sa lahat ng magnanakaw siya pa talaga? Bwist na babae talaga yun oh! Humanda talaga siya sakin kapag nagkita ulit ang landas namin na dalawa. Makikita niya ang hinahanap niya.

"Oh babe what's wrong?" Tanong sakin ni Stacey sabay kapit sa braso ko. Para talaga siyang linta kung makakapit. Kung hindi ko lang to' barkada malamang kanina ko pa to naupakan kahit na babae pa siya.

"Oo nga Lee what's wrong? Bakit busangot yang mukha mo?" Tanong naman sakin ni Shay na busy sa cellphone niya. Mabuti pa ang isang to' matino at hindi linta kung makaasta kaso para naman siyang tigre kung makipag-away. Pero mas malala talaga ang magnanakaw na iyon eh! Ibang klase, siya ang nalapit sa gulo imbis na siya ang hanapin ng gulo tsk.

"Tsk." Tanging nasagot ko nalang. Paano ko sasabihin na nanakawan ako? At ng isang babae pa? Baka pagtawanan pa ako ng mga ito lalo na ng tatlong ugok na lalaki na busy sa paglalaro ng billiards. Lalo na't hindi ko pa nasasabi sakanila ang tungkol kay Jessica Watson na iyon. I'm sure iinit ang dugo ng dalawang babae sa tabi ko pag nalaman nila na ang babaeng yun ay ang magiging alaga ko hangga't sa tumino siya. Tska paano ko naman kasi gagawin yun kung umpisa palang ang hirap-hirap na! Ninakawan pa ako! Bwist!

"Whoa mukang ngayon ka nalang ulit naligaw sa tamabayan natin ha Mr. Goody good president Lee." Nakangising kantyaw sakin ni Clark Samaniego ang lider sa pang-aasar, sa pang-aalaska at sa lahat ng kabalastugan. Naupo siya sa tabi ni Shay, ang long time crush niya na hanggang ngayon torpe parin. Ang lakas mang-asar ng gago pero torpe naman tsk!

"Oh Bro' nandito ka pala tamang-tama. Doubles tayo, kampi kami ni Clark kayo ni Pat. Ano game? Easy lang ang premyo, pag nanalo kami, amin lahat ng contacts ng mga babae niyo. Game?" Nakangising demonyong saad naman ng kapatid ko matapos bitawan ang hawak na tako at tinukod ang tuhod sa headress ng sofa. Umiling nalang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang hilig nito sa babae. Napatingin ako kay Patrick na busy parin sa pagtira ng mga bola at walang balak batiin ako. Tsk hanggang ngayon parin pala asar na asar sakin ang kumag na ito.

"Mga gago." Then I smirked.

"Duga mo talaga kahit kailan Lee. Teka bakit ka ba naligaw dito? Ussually naman pag friday nag papalipas ka ng oras sa SC room ah. Or daretcho uwi kana. So ano to? Bakit ka nandito?" Tanong ng magaling kong kapatid.

Kunot noo ko naman siyang tinignan. "Masama ba ha? Bakit parang ayaw niyong nandito ako?" Asar na tanong ko. Tumawa naman ang dalawang babae sa inasal ko.

"Napipikon ka nanaman babe. Easy! Pfft. Naninibago lang kami na nandito ka." Nakangiting paliwanag ni Stacey. Sabay lingon sa likod. "C'mon Pat, come here! Buo tayo ngayon wag kang KJ!" Yakag ni Stacey kay Patrick, napatingin din ako sakanya at iritableng binitawan ang tako tska naglakad papunta dito.

Tumayo naman si Clark at nagtungo para kumuha ng sanmig lights. Tsk sabi na nga ba eh... Tutal badtrip ako di muna ako magiging killjoy sa mga to! Kailangan kong magrefresh.

"Clarkeeeey padeliver ka rin ng chicken and pizza. Sayang naman ang pagkakataon oh buo tayong anim dito sa pads." Malambing na sabi ni Shay. Nag okay sign naman sakanya si Clark.

"Tsk parang di naman tayo magkaka-klase. Masyado niyo naman pinaghahandaan tong si Lee." Iritableng singit ni Patrick. Tinabihan siya ng kapatid ko at inakbayan.

"Tol! Forever LQ nalang ba kayo ni Lee? Pffft. Naniniwala na talaga ako sa forever. Hahahaha thanks to James Reid!" Tumatawang sambit ng kapatid ko. Anong kinalaman ni James Reid dito? Umiling nalang ako sa mga naiisip ko.

"Ang corny mo Jacob manahimik ka nga dyan!" Saway sakanya ni Stacey.

Maya-maya lang nagkasiyahan na kaming anim dito at nag-inuman. Dumating narin kasi ang pinadeliver ni Clark na chicken and pizza. Minsan nakakamiss ding tumambay sa pads at makasama ang mga kaibigam ko! Hindi yung sinusubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral. Pero anong magagawa ko? Sadyang matalino ako.

At punong-puno ng tawanan ang pads na ito ng banggitin ko sakanila ang dahilan ng pagpunta ko dito. Asar! Sabi ko na nga bang maling idea ang banggitin sakanila yun eh.

"Ang tanga mo naman pffft." Sabi ng gagong si Patrick.

"Ano ba naman yan Lee? Akala ko ba matalino ka? Eh bakit ka nagpa-isa sa isang bababe lang? Pfft hahahahahaha." Tumatawang sabi naman ni Clark.

"Bopis hahahaha!" Kantyaw ng magaling kong kapatid. Inis naman akong tumingin sakanila at umiling sabay inom ulit sa hawak kong bote ng sanmig lights.

"Namukaan mo ba naman yung babae? Sabihin mo lang at ako ng bahala sakanya." Maangas naman na banat ni Shay. Pambihira.

"Manahimik ka dyan Shay, kakagaling mo lang may babanatan ka nanaman." Pangaral sakanya ni Clark. Ang tinutukoy na kakagaling lang ni Shay ay yung pambubugbog sakanila ni Jessica ang babaeng dahilan din ng pagkawala ng wallet ko. She's a bigtime thief.

"Eh sa ninakawan niya si Lee. So anong gusto mong gawin ko?" Matigas na sambit ni Shay kay Clark. Tsk ito nanaman po tayo!

"Wag kana mangialam kay Lee, siya nga walang ginagawa tas ikaw ikaw mangingialam. Ikaw ba ang nanakawan ha?!" Matigas din na sambit ni Clark. Tumayo na ako at inis na tinignan ang dalawa.

"Shut the hell up! Kung mag-aaway kayo ng dahil lang sa walang kwentang bagay na yan lumabas kayo ng pads! Dito pa kayo magsisigawan!" Sigaw ko sakanilang dalawa. At salamat ng bigla silang manahimik na dalawa.

"Sabihin mo na sakanila Lee yung pinag-usapan niyo ni dad. Ayokong pangunahan ka kahit alam ko na. Para hindi na rin sila magulat once na tumuntong ang babae na yun sa Celestine." Napatingin ako sa kapatid kong seryosong nakatingin sa hawak niyang bote ng sanmig lights. Takang-taka naman silang napatingin sa kapatid ko.

"What do you mean by that? Who's that girl?" Curios na tanong ni Stacey.

"Oo nga. Sinong babae yon? At bakit may possibilities na magugulat kami?" Dagdag pa ni Shay. Tsk! Ito ang ayoko eh. Magkaka-gulo kapag pumasok sa Celestine si Jessica at based sa pagkakakilala ko kina Stacey at Shay hindi sila titigil hanggat hindi sila nakakaganti kay Jessica. At magpapatuloy lang ang awayan dahil sa tingin ko mukang walang balak pagpa-talo si Jessica sakanila.

"Artista ba yang tinutukoy mo Jacob? Kasi sabi mo magugulat kami eh. Or baka naman prank girl yan." Napa-face palm nalang ako sa sinabi ni Clark. Ano bang takbo ng utak nitong lalaki na ito.

Napatingin ako sakanila na halos silang tatlo nakatingin kay Jacob at bukod tanging si Patrick lang ang titig na titig sakin at parang anumang oras ay balak ng suntukin ako.

"Naa. Hindi pa oras para malaman niyo, pag-iisipan ko muna." Tumayo na ako at kinuha ko ang susi ng motor ng kapatid ko. "Peram muna. Ibabalik ko sayo sa bahay. Maki rides ka muna sa audi ni Clark. Ge una na ako sainyo." Bago pa umalma si Jacob binilisan ko na ang paglabas sa pads ng makauwi na. Weekdays bukas. Uumpisahan ko na ang plano ko para sa babae na yun. Tignan lang natin kung makatanggi siya sakin bukas.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon