Third Person' Pov
Nakasimangot na nagtungo sa gymnasium ang tatlong babae na naparusahan na linisin ang mga cr doon at ang mga lockers kung saan ang mga kalimitang players ng basketball at volleyball ang gumagamit nito. Inis na sinipa ni Jessica ang isang pintuan ng cubicle sa pinaka dulo ng cr at mahina itong nagmumura.
"Hey bitch! Kung ayaw mong gawin ang inuutos ni Lee, you better get out this place baka hindi kita matansya at ibuhos ko sayo ang laman nitong timba!" Nakapameywang sa sabi ni Shay sakanya habang nakataas ang isang kilay nito.
Umismid naman si Jessica sa sinabi nito. "Try me then." She sarcastically said.
"Aba't ang tapang mo din talaga ano? Pasalamat ka inawat tayo ni Babe kundi lagot ka talaga saming malandi ka!" Bulyaw naman ni Stacey sakanya.
"Tsk! Bakit hindi pa ako ngayon malagot sainyo?" Matapang na hamon nito at tumingin pa sa kaliwa't-kanan. "Tutal wala naman yung gagong babe na tinutukoy mo." Dagdag niya pa rito.
"Sige ang tapag mo eh!" Akma ng susugod si Shay kay Jessica ng hawakan ni Stacey ito sa braso upang pigilan. Kaya nagtataka itong napatingin sa kaibigan. "What the hell Stacey! Wag mo akong pigilan, kanina ko pa gustong saktan tong babae na ito!" Nanggigil na sambit niya dito.
"Easy girl. Baka makarating to kay babe at baka lalo lang siya magalit satin." Bulong nito kay Shay. Napatingin naman silang parehas kay Jessica na kinuha ang timbang may laman na akmang ibubuhos sakanilang dalawa kaya agad silang napailag.
"Tsk!" Sabay ni ismid ni Jessica at umiwas ng tingin. "Gago talaga." Dagdag niya pa.
"WHAT THE FUCK! YOU BAD-ASS GIRL?!!!"
Sigaw ni Lee dahil saktong pagdating niya sa may cr ay sakanya nabuhos ang timbang may lamang tubig. Agad naman siyang nilapitan ni Stacey at inabutan ng panyo. Sinamaan nito ng tingin si Jessica habang ito naman ay naka-iwas ng tingin. Bigla naman dumating ang tatlo pang lalaki na kaibigan nila at malakas na tumawa sina Clark at ang kanyang kapatid nasi Jacob.
"Hahaha bro what happened? Bakit basang-basa ka?" Halos mamatay nasa kakatawang sambit ni Jacob.
Tinapik naman ni Clark si Lee sa likod habang walang humpay din sa kakatawa. "Yo hindi mo naman sinabing gusto mo palang maligo bakit dito pa sa cr ng girls? Hahaha bakit hindi kana lang dumaretcho sa pool area." Sabi nito.
Binalingan sila nito ng nakakamatay ng tingin. "Shut the fuck up two morons! Shit. Let's go guys." Nauna na itong maglakad kasabay sina Clark at Jacob na tawa parin ng tawa ng bigla itong huminto at lumingon sa gawi ni Jessica na ngayon ay masamang nakikipag titigan kay Patrick. "I said let's go! Shay at Stacy you're forgiven pumunta nalang kayo ng detention na dalawa at ikaw Jessica linisin mo itong mag-isa!" Sigaw nito at nauna ng maglakad. Sumunod naman sakanya ang apat na kaibigan at naiwan doon si Jessica na masama parin ang tingin kay Patrick na hindi sumunod kala Lee.
"Ikaw ano pang tinatanga-tanga mo dito? Ba't hindi kapa sumunod sa gago mong kaibigan?" Sambit ni Jessica kay Patrick na ngayon ay sumandal sa sink at nagcross arm pa.
"Simple lang. Gusto ko lang na makita kang nahihirapan maglinis nitong buong banyo at ng locker." Sambit ni Patrick.
"Tsk! Hindi ko kailangan ng audience." Ani nito sabay sipa muli sa pinto ng isang cubicle at nag-umpisa na itong linisin ni Jessica. Mahina itong nagmumura dahil siguro sa sobrang dumi nito at sa amoy.
"Alam mo palaisipan parin sakin kung bakit ka naging responsibilidad ni Lee. Gayong hindi naman niya sinabi ang dahilan." Napahinto si Jessica sa ginagawa nito at saglit na sumulyap sa ngayon ay nagsindi ng sigarilyo nasi Patrick. "Eh halata naman na wala kang kwenta na babae na puro katarantaduhan lang ang alam. So bakit ka kaya naging responsibilidad ni Lee at paano ka nakilala ng pamilya nila. Pfft! Hindi ko alam na good samaritan pala ang pamilyang Lim at tumanggap sila ng isang walang kwentang tulad mo lang." Sambit ni Patrick habang huhithit-buga ng hawak niyang sigarilyo. Naikuyom ni Jessica ang kanyang kamao at matalim na tumingin sa ngayon na naka malademonyong ngisi nasi Patrick.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED