Third Person' Pov
Kinabukasan. Maagang gumayak si Jessica upang makipag-kita kay Patrick sa Starbucks coffee shop malapit sa Festival mall. Doon napiling makipag-usap ni Patrick dahil malimit lang naman ang tao dun at hindi gaanong maingay kumpara sa ibang coffee shop.
"Queen pwede naman na hindi mo na kitain ang lalaking yon eh!" Mariin na awat sakanya ni Uno.
"Gusto kong malaman ang totoo." Matigas na sagot niya sa binata habang sinusuklay ang kanyang buhok."Bakit ba kating-kati ka malaman ang totoo? Isa lang siyang miyembro ng Dark Wolves Queen! Wala kang mahihita sakanya." Pa-galit na saad ni Uno sakanya.
Binigyan lamang siya ng nakamamatay na tingin ni Jessica. "Manahimik ka! Ang Dark Wolves ang huli nating---urgh!!" Hindi naituloy ni Jessica ang kanyang sasabihing biglang sumakit ang kanyang ulo. "Urgggh!" Daing niya at napahawak siya sa kanyang ulo.
"H-hey! Sica what's wrong?!!" Natatarantang tanong ni Uno sakanya. Pilit naman tumayo si Jessica at nagtungo sa banyo upang sumuka. Nilapitan siya si Uno at hinimas-himas ang kanyang likod. "Shit Sica wag kanang tumuloy. Wag kanang umalis! Mamamatay ako sa pag-aalala sayo." Saad ni Uno sakanya.
Nag hilamos ng mukha si Jessica bago harapin ang nag-aalalang mukha ni Uno. "A-ayos na ako. Kailangan ko ng umalis." Kahit na nahihilo pa siya pinilit niyang tumayo ng tuwid at naglakad palabas ng kwarto. Sinundan siya ni Uno.
"Damnit! I'll go with you." Pag mamatigas ni Uno. "Just tell me kung saan kayo magkikita. Sasama ako!" Aniya.
"No!" Matigas na sagot ni Jessica.
"Anong NO?! Goddamnit Jessica Watson! Hindi ko alam kung ano yang nararamdaman mong sakit! Palaging nasakit yang ulo mo! Nahihilo at ngayon naman sumusuka----" Aniya sa mataas at galit na tono ng biglang magbago ang kanyang tono sa huling salita na binanggit niya at meron siyang narealize. "A-are you pregnant?" Hindi makapaniwalang tanong ni Uno sakanya.
Sinamaan siya ng tingin ni Jessica at sinipa sa kanang paa nito kaya't nag-dadadaing siya sa sakit. "Tangina mo!" Singhal niya sa binata at inalisan ito.
--
"Sorry I'm late." Hinging paumanhin sakanya ni Patrick ng makarating ito sa pinag-usapan nilang lugar. "Kanina kapa?" Tanong muli nito ng maka-upo ito.
Umiling lamang ang dalaga at uminom sakanyang inorder na cappucino frappe. "Saglit order lang ako." Aniya ulit ni Patrick at umalis para magtungo sa counter upang umorder.
Napatingin na lamang si Jessica sa labas ng bintana habang tanaw niya ang mga taong nag papasukan sa labas ng mall. Inisip niyang muli ang sinabi ni Uno sakanya na baka buntis daw ito. Napangiti siya sa inakala ng binata sakanya. "Siraulo talaga." Napapailing siya habang nakangiti.
"Happy thoughts?" Nabaling ang tingin niya sa kakaupo lang nasi Patrick at biglang nag-iba ang reaksyon ng kanyang mukha.
"Mag-umpisa kana." Walang emosyong saad nito sa binata. Tumango't huminga ng malalim ang binata bago mag-umpisa sa kanyang sasabihin.
"Bago ang lahat, bakit mo kilala si Uno? Anong koneksyon mo sakanya?" Seryosong tanong nito sa dalaga.
Umiwas ng tingin si Jessica bago sagutin ang tanong ni Patrick. "Tres. Ako si Tres." Tanging sagot niya sa binata. Hindi niya na kailangan pa ng mahabang paliwanag kung bakit niya kilala si Uno, sabihin niya lang dito na siya si Tres. Malalaman na agad ng nakakakilala dito o naka-away na gang kung anong namamagitan sakanila ni Uno at kung anong koneksyon nila.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED