Chapter 32

4.5K 88 1
                                    

Third Person' Pov

"Jessica!"

Kahit nahihilo ay pilit na nilingon ni Jessica ang taong tumawag sakanyang pangalan. Kumunot ang kanyang noo pagka-kita niya sa mga ito.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Kunot noong tanong niya sa mga ito habang pilit na iniiling ang kanyang ulo dahil sa pagka-hilo.

"Don't you remember? Auntie namin ang Principal dito. Auntie namin ni Uno." Aniya ni Haru at sumulyap kay Uno. "Right Uno?" Tanong niya sa binata.

"Yeah." Sagot niya habang matiim na nakatingin kay Jessica na tila pinag-aaralan ang bawat galaw ng dalaga.

"A-ah!" Pilit na saad ni Jessica habang pilit na tinatago ang kanyang nararamdaman na pagka-hilo at ang pagiging dalawa ng kanyang paningin.

"Ayos ka lang ba Tres? Mukhang hindi ka okay ah." Tanong sakanya ni Primo.

Umiling lamang si Jessica at umayos ng tayo. "Ayos lang ako. Cr lang ako." Aniya at umalis papuntang cr.

Nagkatingin ang tatlong magkakaibigan pagka-alis ni Jessica. "Sigurado bang okay lang siya?" Ani ni Haru.

Nagkibit balikat lamang si Primo at si Uno naman ay matiim parin na nakatingin sa direksyon na tinahak ni Jessica.

"Wala ba kayong napapansin kay Tres? Ako kasi ang dami ko ng napapansin eh! She look pale. Hindi naman sakitin ang babaeng yon. Nag simula yun ng isinugod natin siya sa hospital." Mapanuring saad ni Haru.

"Baka naman stressed lang siya. Tignan mo nga tong school nila ang laki ng problema! Kaya nga tayo pinapunta ng tita niyo eh." Aniya ni Primo.

Sinulyapan naman ni Haru si Uno na kanina pa tahimik at nakatingin sa direksyon na tinahak ni Jessica. "Ikaw Uno. Anong masasabi mo?"

"Nah!" Tamad na sagot nito.

"King!" Napalingon silang tatlo sa humahangos na si Green. Miyembro din ng Black Sunrise.

"What?" Seryoso at ma-awtoridad na tanong ni Uno habang naka cross arm.

"Sila Blood sugatan na sila sa mga tauhan ng Lee na yon! Kailangan na namin kayo para itigil na ang labanan sa gym." Saad ni Green.

Nagka tinginan muli sila Haru at sabay na nagsi tanguan at tumungo na papuntang lumang gym kung saan merong nagaganap na paglalaban sa pagitan ng Black Sunrise at Kay Lee kasama ang ilang bagong Dark Wolves.

--

Jacob' Pov

Hindi na tama ang nang-yayare ngayon dito sa Celestine. Wala ng tama sa nangyayari ngayon dito. Maski sa Student President namin at kapatid kong si Lee ay hindi na tama ang ginagawa. Nakakakilabot at nakakatakot ang kapatid ko ngayon. Mas nakakatakot siya ngayon kumpara noon.

"Clark nasan si Stacey?" Tanong ko sa katabi ko habang nakatuon ang mata ko sa gitna ng gym kung saan may naglalaban sa pagitan ng Black Sunrise at sa mga bagong tauhan ni Lee.

"Sinundan si Lee pare." Wala sa sariling sagot ni Clark. Napa-iling na lamang ako sa narinig ko. Hindi talaga nag-iisip ang Stacey na iyan! Alam niya naman na delikado ngayon si Lee sunod parin ng sunod. "Shay tawagan mo na si Stacey, sabihin mo at bumalik na dito!" Rinig kong sabi ni Clark kay Shay na katabi niya.

"Y-yeah sige." Sagot ni Shay.

Hindi lang ako ang nakakaramdam ng takot sa mga maling nangyayari dito kung hindi pati narin si Clark at Shay. Wala kaming alam tungkol sa history nitong Celestine dahil halos lahat kaming estudyante dito ay bago lamang sa paaralan na ito bukod kay Lee at Patrick.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon