Chapter 30

4.4K 79 1
                                    

Jessica' Pov

Ayaw rumehistro sa utak ko ang mga nalaman ko tungkol kay Lee. Tungkol sa nakaraan. Ang sama-sama ko. Kung sana noon ko pa ito nalaman hindi ko na sana siya pinahirapan pa, hindi ko na sana itinago pa ang nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan nito. Ako ang dapat na sinisisi at hindi siya. Ako ang may mali. Hindi siya. Siya ang mas nasasaktan at hindi ako. Mahal kita Lee at handa kong harapin lahat ng kaparusahan mapatawad mo lang ako.

Lee Jasper Dialling.....

The number you've dial is our attendent or out of coverage area. Please try your call later.....

Pang-sampung beses ko ng sinusubukan tawagan si Lee pero out of coverage parin. Nasaan kana ba? Bumalik kana please. Ngayon ko lang ito sasabihin. Miss na miss na kita. Gusto na kitang makita.

"Hindi ko hahayaan na si Jessica naman ang mamatay sa kamay ng Leader ng Dark Wolves na yon! Dadaan muna siya sa mga kamay ko bago niya masaktan si Jessica!!"

Napahinto ako sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? S-si Uno ba yun?

"Ano naman ang gagawin mo ngayon ha? Psh! Kung ano man yang iniisip mo itigil muna Uno."

Si Haru?

Mas lumapit pa ako para mas marinig at makita ko pa ang pinag-uusapan nila. Hindi ako pwedeng magka-mali si Uno at Haru itong nag-uusap. At pinag-uusapan nila ako at si Lee.

"Tuturuan ko siya ng leksyon Haru! Nakikita mo ito?" Aniya na ipinakita ang katana? Hindi ako pwedeng magka-mali. Ayan mismong hawak na katana ni Uno ay ang katana ko. Paano napunta sakanya ang pag mamay-ari kong katana?

"T-teka kay Tres yan hindi ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni Haru habang turo-turo niya ang katang hawak ni Uno. "Ayan yung nawawalang katana ni Tres hindi ba? Paanong napunta sayo yan?" Tanong niya pa.

Uno smirked. "Huling laban natin sa Dark Wolves. Gamit ito ni Jessica at ibinato sa braso ng leader ng Dark Wolves kaya lang naiwanan niya ito. Kaya itinabi at kinuha ko." Pag-amin niya.

"Paborito yan ni Tres. Wala ka bang balak ibigay sakanya yan?" Tanong ni Haru.

Uno shooked his head. "Naa! Itong katanang hawak ko ang kikitil sa buhay ng Lee Jasper Lim na iyon. Bago pa siya mauna, uunahan ko na siya." He said with gritted teeth.

"Pero Uno----"

He cut him off and he gave Haru a deathly glare. "Shut the fuck up! Katana ang ginamit niya para mapatay si A. Katana din ang gagamitin ko kapalit ng buhay niya." Aniya sa galit na tono.

"Hindi ito tungkol kay Jessica. Hanggang ngayon si A parin pala talaga. Dude matagal na siyang wala, akala ko pa naman tapos kana kay A hindi pa din pala. Kahit na si Jessica na ang dehado isinisingit mo parin si A." Umiiling na saad ni Haru.

Umalis na ako sa tambayan bago pa nila ako mahuli at makita. Napapikit ako sa mga narinig at nalaman ko ngayong araw. Anong balak ni Uno? Papatayin niya ba si Lee? Mawawala ba si Lee sakin ng maaga? No! Hindi ako makakapayag, hangga't kaya ko pang pigilan ay pipigilan ko si Uno sa balak niya. Kahit ipang-sangga ko pa ang katawan ko, gagawin ko wala lang mangyari sakanyang masama. Makabawi lang ako sa mga kagaguhan na ginawa ko.

Tinawagan ko si Haru.

[Oh Sica napatawag ka?]

"Lahat ng plano niya kailangan mong sabihin sakin. Mula sa maliit at sa malalaking detalye."

[Huh? What do you mean Sics?]

"Don't Sics me Idiot! Narinig ko kayo kanina."

[Uhh. F-fine. Kakampi mo ako kahit na insan ko ang gagong yun! Were bestfriend right pfft.]

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon