Chapter 25

4.5K 86 0
                                    

Jessica' Pov

"I love you. Please be my date?"

I cried hard. Paano ko ba sasabihin sakanya na mahal ko din siya? Naalala ko parin ang araw na iniwan ko lamang siya doon na nakaluhod at nag-aabang ng isasagot ko pero anong ginawa ko? Tinakbuhan ko lamang siya. Ang sama ko. Matagal na akong nag-aasam ng taong mag-mamahal sakin ng totoo, mag-aalaga pero pinakawalan ko pa. Ang sama-sama ko. Kay Lee Jasper Lim pa. Ang lalaking tumutulong sakin, sa lalaking malaki pa ang utang na loob ko.

Bukas na ang party ng Celestine, pagkatapos nun christmas break na. Mag papasko akong mag-isa at sasalubungin ang bagong taon na nag-iisa. Pinag-iisipan ko kung aattend ba ako o hindi. Gusto kong umattend para makita ko si Lee, dahil matapos ang pang-yayaring iyon hindi ko na siya nakikita, sabi ni Jacob masyadong daw busy para sa nalalapit na party. Wala parin silang alam tungkol sa nangyaring pag-iwan ko sa ere kay Lee. Kapag nalaman nila, tiyak na magagalit silang lahat sakin. Baka malala pa ang mangyari knowing Stacey isa siyang beast magalit. Pero as if I give a damn. Ang problema ko is si Lee. Gusto ko siyang makita at maka-usap. I miss his presence.

Shay Calling......

"Why?" Tamad kong sabi.

[Gosh! Nasaan ka ba? Bakit hindi ka pumasok? Pumasok na kaya si Lee sa klase natin ngayon.] Sabi niya sa kabilang linya. I sighed. Pumasok na siya kasi wala ako. Mukhang siya naman ngayon ang umiiwas samin dalawa.

"Ganun ba." Tanging nasabi ko.

[Anong ganun ba! May problema ba kayo? Parang may naiba kay Lee eh. Mas lalong uminit ang ulo niya parang may mali.] Dagdag niya ng nagpa kaba sa dibdib ko. [Hindi nga mapakali si Jacob dito eh pati din si Pat.] Saad niya pa.

Napatayo naman ako sa narinig ko. "T-talaga? Anong kakaiba kay Lee ngayon?" Tanong ko.

[Hmmp. Basta! Pumasok ka kase. Aattend ka ba bukas?] Tanong niya na hindi sinagot ang tanong ko. Bastos na babae!

"Oo aattend ako." Buong pasyang sagot ko bago pinatay ang tawag.

Buo na ang desisyon kong aattend ako ng party. Bahala na kahit wala akong kapartner basta makita ko lang siya o makausap man lang. Napatingin naman ako sa kama ko, patay! Mascarade pala ang theme ng bwisit na party na iyon. Paano ko siya hahanapin sa dagat ng mga naka-maskara bukas ng gabi? Bahala na nga. Ang kailangan ko is damit na susuotin. Kailangan ko ang tulong ni Haru.

I dialled his number.

"Hey where are you?" Tanong ko dito.

[House. Bakit Tres pfft.]

"Fuck! Sunduin mo ako dito magpapa-sama ako sayo sa boutique ng kapatid mo."

[Right away. Otw na kami]

"Huh? Sinong kam-----

Bastos! He ended the call bago ko pa mabuo ang sasabihin ko. Patay talaga sakin yan pagka dating niya dito! Matapos ang ilang minuto nakarating din sila sa bahay ko. Yeah sila! Primo and Uno. Ngayon nalang ulit kami nagkita ng isang to. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan matapos ng nangyari samin. Katulad ni Lee, binalewala ko din ang pag mamahal niya. Nilapitan at inakbayan ako ni Haru, kaya naman siniko ko siya sa tiyan niya gayon para masaktan siya.

"Ouch Sica your so hard!" Daing niya.

I smirked. "You deserved that Moron!" Then pumasok na ako loob ng sasakyan sa backseat. Ayoko sa frontseat dahil kotse to ni Uno, ayoko siyang makatabi. Nakaka-ilang kaya. Maya-maya tumabi narin sakin si Primo at Haru na umakbay na naman sakin, napapagitnaan nila akong dalawa. Ang sikip namin dito dahil ang lalaki nitong dalawang mama na ito! Gym pa kasi ng gym kaasar! "Urgh! Doon ka nalang nga sa unahan Haru, ang sikip natin tatlo dito eh!" Reklamo ko habang inaalis ang pagkaka akbay niya sakin.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon