Chapter 27

4.3K 91 2
                                    

Third Person' Pov

Ngayon gabi na ang pinaka-inaabangan ng lahat ng estudyante ng Celestine ang Christmas Party-to a Fantasy Ball na ang mismong mga student council ang nag-ayos. Ito na ang pang dalawang taon na gaganapin ang nasabing party para sa lahat ng mga estudyante ng Celestine kung kaya't talagang pinag hahandaan ito.

Sa silid naman ni Jessica ay tulala lamang itong nakatingin sa kanyang susuotin habang inaayos ni Missy ang kanyang buhok. Natapos na din itong ayusan sa mukha, light lang ang make-up nito na binagay sa kaputian ng dalaga. "Jess c'mon smile. This is your night remember? It's your fisrt time kaya naman ngumiti ka dyan." Kalmadong saad ni Missy sa nakatulalang dalaga.

She heaved a sighed. "Natatakot ako Missy. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito." Tulad kanina ay blanko at malaming na sabi ni Jessica sa babae.

Nagtataka naman siyang tinignan ni Missy mula sa malaking salamin. "At bakit ka naman natatakot? Is there any problem?" Tanong nito. Nag kibit balikat lamang si Jessica at muling itinuon ang pansin sa susuotin niyang evening gown. "Kung anuman ang gumugulo dyan sa isipan mo. Forget that. Hindi yan makakatulong sayo Jess, I know you....alot. Matapang ka at matatag ka. Kaya huwag mong hayaan na kainin ka ng takot. Labanan mo yan." Pagpapa kalma nito sa dalaga at nginitian. Tipid na gumanti ng ngiti si Jessica.

"Tama ka Missy. Meron pa akong misyon na kausapin si Lee, kailangan ko yun gawin. Salamat Missy ha?" Saad ni Jessica at nginitian siya nito.

"No problem Jess." Aniya. "Oh tapos na. Tumayo kana dyan at isuot muna itong gown na susuotin mo." Aniya at kinuha ang gown sa kama at ibinigay kay Jessica.

"Wow! You look so hot in that evening gown Jess. I'm sure luluwa ang mata ng mga kalalakihan sayo. Gorgeous. Perfect!" Tuwang-tuwang saad ni Missy pagka labas ni Jessica sa banyo.

Nakasuot ito ng pulang evening gown na may slit sa kanang bahagi ng hita at backless din ito. Naka messy bun ang kanyang itim na buhok at nilagyan lamang siya ng light make up. Litaw na litaw ang kaputian at kagandahan nito ngayon gabi at walang bakas na pagka bad-ass o gangster sa itsura ng dalaga. "H-hindi ba pangit? At parang masyado naman tong sexy." Nag aalinlangan na tanong ni Jessica.

Nilapitan siya ni Missy at inayos ang suot nito. "Ano ka ba! Hindi no. Tska ngayon ka pa nag alinlangan, sinukat mo kaya to kahapon at mas naging mas bagay siya ngayon sayo! Hala sige let's go to the veñue. Late kana aba!" Paalala ni Missy sakanya at agad na bumaba upang ihanda na ang sasakyan. Huminga muna ng malalim si Jessica at bumaba narin siya mula sa kanyang kwarto.

--

Mula sa Celestine. Maingay ang function hall kung saan ginanap ang kanilang Christmas Party, makukulay ang mga dekorasyong ginamit, may mga nakasabit na christmas lights mula sa itaas, nag sasayawang mga disco lights, maingay na dance floor, may nakahain ding buffet table para sa mga estudyante at higit sa lahat mga estudyanteng bongga ang mga kasuotan at natatakpan ng maskara ang kanilang bahagi ng mata. Hanggang sa mag-simula na ang party sa pangunguna ng kanilang Principal, mga piling punong-guro at ng Presidente ng Student Council na si Lee.

"Enjoy this night." Malamig na wika ni Lee at agad ng bumaba ng stage. Nagbulungan at nagtinginan ang mga estudyante sa tinig na ipinakita't ipinarinig niya sa lahat. Hindi ito nakasuot ng maskara dahil isa ito sa Student Council na hindi required sa pag susuot nito. Blangko lamang tanging reaksyon nito na talagang pinag titinginan ng mga tao dahil nakasanayan ng lahat ang kanyang masayahing mukha at tila palaging bumabati sa lahat kahit na minsan ay may pagka-moody ito. Hindi sila sanay sa nakikitang pagbabago ng ugali ng kanilang presidente ng student council.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon