Third' Person Pov
Puti.
Puro puti ang nakikita ni Jessica ng dumilat siya buhat ng mawalan siya ng malay. Inilibot niya ang kanyang paningin kung nasaang lugar siya naroroon. Babangon na sana siya ng may maramdaman siyang kamay na nakahawak sa kamay niya. Sino siya? Sabi niya sa isip niya.
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng isang lalaking nakatungo at mukhang natutulog at inilibot niya ang paningin. Hospital. Nasa hospital siya bulong ng kanyang isip. Unti-unti naman nag-angat ng tingin ang lalaki at agad niya itong nakilala.
"Anong ginagawa ko dito?... Ughh!" Tanong niya na agad siyang napahawak sa kanyang ulo ng bigla itong sumakit.
Agad naman siyang dinaluhan ni Lee. "Hey, hey anong masakit? Saglit tatawag ako ng doctor!" Natatarantang sabi nito at agad ng aalis ng kwarto ng pigilan siya ni Jessica.
"Wag na. Hindi mo kailangan mag-alala ng ganyan as if totoo yan." Pigil nito at agad na nahiga ulit.
Kumunot ang noo ni Lee sa sinabi ng dalaga sakanya. "Jessica nag-aalala ako! Hindi ka man maniwala pero nag-aalala ako." Mariin nitong sabi.
"Okay." Simpleng sambit ng dalaga at nag-iwas ng tingin. Napapikit siya ng bigla na naman sumakit ang kanyang ulo pero hindi na lamang niya ito ipinahalata pa sa binata.
Lee sighed. "Ano bang nangyare kanina at bakit nagkaroon ng habulan sa hallway at rambulan sa likod ng building? Ano na naman bang ginawa mo?" Tanong nito sa dalaga na agad na binalingan siya nito ng masamang tingin.
"Kapag may rambulan at habulan na naganap ako agad ang may kasalanan?! Bakit hindi mo itanong sa mga kaibigan mo?!" Mariin na sagot niya sa binata.
Nanlabot naman ang ekspresyon ng binata at marahan na napayuko. "S-sorry. It's not my intention to ask---"
"Iwan mo nalang ako dito. Makaka-alis kana." Walang emosyon nitong sabi sa binata at agad na tumagilid ng higa.
Tumayo si Lee mula sa pagkaka-upo at mariin na tumingin kay Jessica ng nakatagilid ang higa. "Jessica ganito kana lang ba lagi? Ipinagtatabuyan mo yung mga taong nag-aalala sayo?" Mariin nitong sabi.
"Nag-aalala? Sakin? Meron ba?" Tanong niya sa binata ng punong-puno ng pagka sarkastiko.
"Meron." Matigas na sambit ni Lee. "Ayaw mo lang buksan yang puso't isip mo pero meron! Nandito ako. Sila mom at dad. Yung lola mo.." Aniya.
Nagulat si Lee ng humarap si Jessica sakanya ng may luha sa mga pisngi nito. Aaminin niyang napaka-tapang ng personality ng dalaga at hindi niya inaasahan na makikita niya itong lumuluha at halata sa mga magagandang mata ng dalaga ang mga hinanakit nito.
"Iiwan lang din nila ako! Lahat sila iniwan na ako. Kayo? Tss. Magsasawa't iiwan niyo lang din ako katulad ng pag-iwan nila sakin." Punong-puno ng sakit na sambit ng dalaga.
Umiling si Lee at agad na niyakap ang dalaga. Wala na siyang pakialam kung itulak man siya nito pero gustong-gusto niya itong yakapin upang maalis ang sakit na nararamdaman nito kahit konti man lang. Gustong-gusto niyang pagaanin ang kalooban nito kahit na hindi sila masyadong close. Ayaw niya man sa pangit at asal-kalyeng ugali ng dalaga ayaw niya parin itong nakikitang nasasaktan dahil sa loob ng isang buwan na pamamalagi nito sa kanilang bahay, hindi maipagkaka-ilang mayroon narin siyang malasakit at pag-aalala sa dalaga. Hindi man sila gaanong ka-close at palaging nag-aaway, ayaw niya parin itong nakikitang malungkot dahil ang Jessica na kilala niya ay isang matapang at palaban na babae.
"Jasper." Mahinang sambit ng dalaga sa pangalan nito habang humihikbi.
Napangiti siya dahil binanggit ng dalaga ang pangalan niya sa unang pagkakataon. May soft side din pala siya, atleast babae talaga siya. Sabi nito sa kanyang isipan.
"Hush Sica. Don't worry ako ng bahala. You're safe with me. You should take some rest para mas mapadali ang pag-galing ng mga sugat mo." Marahang sabi nito sa dalaga. Tumango naman ang dalaga na akala mo'y maamong tupa at agad na humiga. "Sleep. I'll be back tomorrow after school. Don't worry mom's coming to accompany you." Ngumiti ito at pinunasan ang pisngi ng dalaga at kinumutan.
"S-salamat Jasper." Mahinang sabi ng dalaga bago ipikit ang kanyang mga mata.
"You're always welcome Sica." Mahinang bulong nito bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ni Jessica.
Kinabukasan sa Celestine. Agad na pinuntahan ng principal si Lee sa kanyang maliit na opisina sa SC room. Kaya't maagap na tumayo ito at nagbigay galang sa principal.
"P-principal." Nauutal na sambit nito at iminuwestra ang sofa na agad tinanggihan ng principal.
"Mr. Lim alam mo na siguro kung bakit ako naparito." Mataray sa aniya ng principal.
Marahang napayuko si Lee at agad na sumagot sa principal. "Yes principal. And I'm so sorry for what happened yesterday. It's my fault." Hinging paumanhin nito.
"Nauulit na nanaman diba? Same reasons and same gender. Gusto mo bang mag-patuloy pa ito Mr. Lim? O gagawa ka ng paraan para matigil ito? Alam kong pinaghirapan mo ang posisyon na ito at sabihin na natin isa ako sa likod kung bakit ikaw ang high school department ng Celestine, because I trusted you alot. But now? I'm sorry to say......"
"S-sorry po Tita Sandra." Putol nito sa sasabihin ng principal.
"Don't you dare call me Tita Sandra again! Your not my nephew and you're no longer boyfriend of my daughter. She's gone and ALL BECAUSE OF YOU! For what you did in this school a years ago! At kung ayaw mo ng maulit pa ang nangyari noon. Gumawa ka ng paraan." Aniya at mabilis na umalis sa SC room.
Napaupo si Lee ng maalala niya nanaman ang nangyari noon. Hindi niya sinasadya iyon. Isa lang siyang lalaking dumaan sa pagka-bata o sabihin na natin sa pagka-binata na ginagawa ng mga kabataan sa panahon na iyon. Isa lang siyang tao na nagkakamali. Pero isang pagkaka-mali din ang sumira sa buhay niya noon.
Simula ng mamatay si Alicia.
Ang unang niyang naging girlfriend.
Ang dahilan kung bakit nagkaroon ng "Wild Blood Rumble Ring" sa Celestine.
Ang rason kung bakit 4th year highschool palang din siya ngayon.
At ang rason kung bakit siya tumino ngayon, gayong isa siyang "Barumbadong Gangster" noon.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
AcciónJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED