Lee' Pov
Five months and a half to be exact simula ng makilala at makasama ko si Jessica. Sa sobrang ikling panahon ng pag-sasama namin na dalawa, natutunan ko siyang mahalin. Pero sa sobrang pagmamahal ko sakanya nasaktan ko siya. Nasaktan ko yung babae na iniingatan at pinoprotektahan ko.
Naalala ko pa noong una kaming magkita or should I say una ko siyang makita. Hindi ko siya nagustuhan dahil mukha siyang badass, walang kwenta sa lipunan, may kulay pa ang buhok at inaaway pa ang mga kaibigan ko. Pero nagandahan na ako sakanya.
Yung maamo niyang mukha. Mapupulang labi. Matangos na ilong at mga matang malalalim.
Habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sakanya. Deep and hard.
Naalala ko muli palagi siyang lapitin ng gulo. Sempre palagi ko din siyang pinag-tatanggol. At ang pinaka-masayang araw ko sa lahat ay yung isinigaw ko sa buong estudyante ng Celestine na girlfriend ko siya at yung time na nililigawan ko na siya. Sobrang saya ko nun kahit na naiilang at nilalayuan niya ako.
Wala man kaming happy memories na dalawa. Ayos lang sakin. Dahil sapat na ang nakilala ko siya at minahal ko siya. Sapat na yung narinig ko mismo galing sa bibig niya noon na mahal niya din ako. Sapat na yun para matawag ko siyang happy memories.
"And now Let's all welcome the 2015 Valedictorian. Mr. Lee Jasper A. Lim. Let's give him around of applause...."
Tumayo ako na may ngiti sa mga labi ko. "Good evening to my fellow students, to all my teachers and ofcourse to all the parents. Thank you dahil ipinag-kaloob niyo sakin ang pagiging Valedictorian sa kabila ng mga nangyare. Salamat sa lahat ng taong nag tiwala sakin. Sa lahat ng taong tumulong sakin. Alay ko ito sa pamilya at mga kaibigan ko. Sempre alay ko din ito kay Jessica na ngayon ay nasa piling na ng kanyang mga magulang." Aniya ko at napatingin sa kalangitan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga taong nanunuod at nakikinig sa speech ko. Huminga ako ng malalim bago ipinag-patuloy ang sasabihin ko. "Salamat sa mga gurong tumulong sakin, hindi lang sakin kundi sa lahat ng mga estudyante dito. Sa mga co-fficers ko. Sana sa mga matitirang estudyante ay mas pagbutihin niyo pa ang pag-aaral. Wag niyong sayangin ang magandang pagkakataon na ibinibigay para sainyo. Iwasan niyo ang mga gulo. Dahil wala itong magagawang mabuti. Naniniwala akong may mga taong pwede pang mag bago, wala namang masamang mag bago eh. Kailangan din nating tumayo sa sarili nating mga paa. Wag puro asa sa mga magulang natin. Wag tayong magpadala sa emosyon natin dahil hindi ito makakabuti para satin baka nga makasama pa ito eh!" Aniya ko.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Kung meron man akong isang bagay na natutunan. Iyon ay ang pagiging isang mabuting kaibigan. Salamat kasi ipinaintindi niyo sakin ang mga kamalian ko at itinuro ang mga dapat gawin. Salamat sainyo kasi hindi kayo sumuko para sakin. Salamat kasi nandyan kayo nung panahon na hindi ko na kaya at gusto ko ng sumuko. Salamat din dahil sa pagmamahal na ibinigay niyo sakin. Naging masama akong tao, kaibigan, anak at m-minamahal pero natutunan kong bumangon at mag bago at dahil yun sainyo." Nakangiti kong pahayag.
"J-jessica. Kung nasaman ka man. Mahal na mahal kita. Hindi kita makakalimutan, palagi kang nasa puso at utak ko. Sayang at hindi tayo sabay na grumaduate, pero ayos lang para sayo naman itong diploma ko. Again salamat at magandang gabi. Congratulations to us! We did it!" Aniya ko at bumaba na ng stage at lumapit sa mga kaibigan ko. Nakipag handshake at nakipag yakapan ako sakanila.
Mag papa-alam na ako sa Celestine. College na ako at magsisimula ng panibagong buhay. Tatapak at sasabak na ako sa totoong mundo.
Napatingin muli ako sa kalangitan. Paalam na Jessica. Pero tulad ng sabi ko, palagi kang nasa puso at utak ko.
--
It's not yet done pips.
xx
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED