Chapter 26

4.1K 85 1
                                    

Third Person' Pov

Natatarantang isinakay ni Uno ang walang malay na dalaga sa sasakyan nito at agad tumingin kay Haru upang simulan na ang pag mamaneho. Agad din sumakay si Haru at Primo sa loob ng sasakyan.

"Fuck Haru make it faster! Drive!" Galit at natatarantang sigaw nito sa nakatungangang kaibigan na nag aalalang naka dungaw mula sa driver seat.

Noon lang nagbalik sa sarili si Haru ng tapikin siya sa balikat ni Primo. At agad itong nag maneho sa pinaka malapit na ospital sa Alabang. "Damn Sica wake up. Wake up pleaseee." Nag aalalang saad ni Uno habang mahina niyang tinatapik ang pisngi nito.

Agad din silang nakarating sa Asian Hospital at agad na isinakay ito sa strecher at patakbo silang sumusunod dito. "What happened to her?" Tanong ng doctor sakanila matapos ipasok si Jessica sa isang kwarto.

"I-I really don't know. B-basta nalang sumakit ang ulo niya t-then nag collapse siya." Wala sa sariling sagot ni Uno.

Tumango ang doctor. "Okay, I'll make some test to her. Don't worry everything is gonna be fine. Excuse me." Aniya ng doctor at pumasok na din ito sa loob ng kwarto.

Hindi mapakaling palakad-lakad si Uno habang hinihintay lumabas ang doctor mula sa emergency room. Nilapitan siya ni Haru. "C'mom Uno, take a sit." Kalmadong saad nito. Tinitigan lamang siya ni Uno at maya-maya ay bagsak ang balikat nitong naupo sa tabi ni Primo.

"Ano bang tunay na nangyari Uno? Bakit siya nawalan ng malay?" Tanong ni Primo na hindi din makapaniwalang nawalan ng malay ang kaibigan nitong babae.

"Oo nga, kanina lang naman okay siya ah." Hindi din makapaniwalang sabat ni Haru.

Napayuko si Uno at napahawak sakanyang ulo. "Hindi ko alam. B-basta nalang nakita ko siyang namimilipit sa sakit ng ulo a-at bigla na siyang nawalan ng malay." Nahihirapan niyang sagot mula sa tanong ng mga kaibigan nito.

Biglang lumabas ang doctor mula sa emergency room at sabay sabay na napatayo ang magkakaibigan at lumapit sa doctor. "Where's the family of the patient?" Tanong nito.

Nagkatinginan silang tatlo at nag papakiramdaman sa kung sino man ang sasagot sa tanong ng doctor. "I need them now para makausap ko sa lagay ng pasyente. Seems the three of you was a teenagers.  Am I right?" Pag tatanong muli ng doctor. At sabay-sabay silang nagsi tanguan.

"K-kamusta po ba siya ngayon?" Tanong ni Uno sa doctor.

"O-okay naman na ang pasyente. Sa ngayon ay gising na siya, ililipat nalang siya ng kwarto para madalaw niyo na siya. Excuse me." Aniya at umalis na.

Nag antay lamang sila ng ilang sandali bago ito malipat sa sariling kwarto. Sabay-sabay na pumasok sila Uno sa nilipatang kwarto ni Jessica at nakita nila na gising na ito.

"Mabuti naman at nagising kana." Masayang bungad ni Primo sa dalaga at ginulo ang buhok nito.

"Ano ba Primo! Wag nga ang buhok ko." Iritadong saad ng dalaga at inayos ang buhok nito. Tumawa lamang si Primo at naupo sa may sofa.

Tinabihan naman siya ni Haru sa kama at inakbayan ito. "Akala ko ba katawang kalabaw ka? Eh bakit naman nawalan ka ng malay? Pfft. Weak ka pala eh!" Pang aasar ni Haru sakanya. Inismiran niya lang ang kaibigan sabay cross arm na humarap dito.

"Alam mo kung wala kang magandang sasabihin manahimik kana lang!" Asar na saad ng dalaga.

"Pfft. You look pale yet nagagawa mo pang mairita sa mga sinasabi ko. The best ka talaga bestfriend!" Aniya na natatawa.

My Girlfriend is a BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon