Lee' Pov
"Tama na yan!" Sigaw ko ng makalapit ako sa bahay na barong-barong. Hinila ko papalayo si Jessica at inilagay ko sa likod ko. Sinamaan ko ng tingin ang matandang babae na nananakit sa babaeng ninakawan ako.
At oo. Hindi si Jessica ang tinutukoy ko kanina kundi ang may katandaang babae.
"Sino ka naman sa akala mo ha?! Kasintahan ka ba ng walang kwenta na batang yan ha?! O katulad ka din niyang walang kwenta sa lipunan panay basag-ulo lang ang alam!" Sigaw niya sakin habang dinuduro itong babae na nasa likod ko. Ngumiti naman ako ng mapakla sa may katandaang babae na nasa harap ko ngayon.
"Ako? Teka lang ho! Sino ba ang tinutukoy niyong walang kwenta sa lipunan? Siya ba o KAYO?! Kasi ang alam ko lang ho mahilig siya makipag basag-ulo pero sa tingin ko IKAW ANG WALANG KWENTA SA LIPUNAN!" Galit na utas ko sakanya. Shit! Ngayon lang ako sumagot ng ganito sa nakakatanda pa sakin. Sana lang at wag ng maulit ito dahil wala na akong balak pang ulitin ito.
Halata sa mukha ng babae na nagulat siya sa mga sinabi ko. Tsk! Totoo naman lahat ng sinabi ko. Guilty siya kaya siya nagulat! Ang mga hampas lupa nga naman. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko.
"Ang talas ng bibig mo bata ha!" Ihahampas niya sana sakin yung hawak niyang dos por dos pero agad ko naman iyong naagaw sakanya. "Ginagalit mo ako! Hoy ikaw Jessica pag sabihan mo yang walang kwenta na lalaki na iyan! Walang modo katulad mo!" Sigaw niya pa.
"Aba mawalang galang na ho! Kayo ang walang---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang nahimatay ang tao na nasa likod ko. Dala ng adrenaline rush agad ko siyang binuhat. Narinig ko pa ang mahinang tawa ng babae sabay sabing "Buti nga manang-mana sa nanay niya!" Wala na akong panahon na sumbatan pa ang babaeng ito. Kaya naman agad ko ng dinala sa kotse ko si Jessica at madala sa pinaka malapit na hospital dito sa Sta. Rosa.
Mabilis kong pinaandar ang kotse ko at naghanap ng malapit na hospital. Asar! Sino ba ang babaeng yon at hindi lumaban ang babaeng ito sakanya. Ayan tuloy ang napala niya! Napatingin ako sa walang malay nasi Jessica.
"Shit! Baka mawalan siya ng dugo." Bulong ko sa sarili ko ng makitang duguan ang kanyang ulo. Mabuti't nakarating ako sa hospital at agad ko siyang isinugod sa emergency room.
--
"N-nasan ako?" Salamat at nagising din siya matapos ang limang oras na pagkakaratay niya diyan sa kama.
"Nandito ka sa hospital. Nagugutom ka ba? Anong gusto mo sabihin mo lang." Nag-aalalang tanong ko sakanya. Bigla naman nag dilim ang ekspresyon ng mukha niya at pilit na tinatanggal ang mga nakakabit na swero sakanyang kamay.
"Pakielamero! Aalis na ako dito!" Galit na sambit niya. Pinalo ko naman ang kamay niya na pinangtatangal niya sa mga swero niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano ba?!" Sigaw niya sa akin.
"Pwede ba wag kang mag-iskandalo dito! Tska anong pakielamero pinagsasabi mo? Hoy red hair for your information utang mo ngayon sakin ang buhay mo! Iniligtas kita sa mangkululam na iyon!" Sigaw ko sakanya. Nag dikit nanaman ang kanyang mga kilay at nag cross arm na hinarap ako.
"Bakit Mr. Intelligent kuno! Sinabi ko bang iligtas mo ang buhay ko ha?! Kaya ko ang sarili ko kanina kahit hindi ka dumating! Masyado kang pabida feeling mo ikaw si superman ganon?! Tsk tangina mo!" Galit niyang utas. Aba hinahamon ako nito eh siya na nga ang niligtas minura pa ako. Hindi nalang nagpasalamat! Ibang klase talaga.
"Pakshet! Pwede mag thank you ka nalang? Tangina minura mo pa ako eh!" Inis na sabi ko sakanya. Aba't ang tigas din nitong babaeng to! Irapan ba naman ako at humiga patagilid ng hindi ako makita. "Salamat ah?" Sarcastic na sabi ko sakanya.
"Walang anuman!" Sagot niya. Hay! Puta kung wala lang itong benda sa ulo kanina ko pa ito nasuntok. Asar! >…<
Narinig kong nag-vibrate ang cellphone ko.
Daddy calling.....
"Yes dad?" Sabi ko sa kabilang linya.
[I heard from your mom nandyan ka daw sa laguna for that girl. Is it true Jasper?]
"Ugh dad yes!" Frustrate na sagot ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni dad sa kabilang linya. "Dad don't laugh! It's irritating. By the way nasa hospital kami." Sabi ko.
[What? Why?! Are you okay son? What happened? Bakit kayo nandyan?! Sinaktan kaba niya?!] Ang oa ni daddy. -__-
"Dad relax! Si Jessica ang na-hospital not me. After she recovering and after the result dadalhin ko siya dyan sa bahay natin tulad ng gusto niyo ni mom."
[Okay! That's a better idea. Take her rest and take good care of her son! I trust you. I'll hung up now. Take care. Bye!]
Napa buntong-hininga ako at napatingin sa nakatalikod na katawan ni Jessica. Psh! So childish bad-ass. Paano ko kaya ito mapapasama sakin sa bahay namin sa Alabang? Kakaladkarin ko ba? O blackmail? Tama iba-blackmail ko nalang. Ang talino ko talaga kahit kailan. Sa ngayon pupuntahan ko muna ang doctor niya para makuha na ang test result.
"Hindi ako sasama sayo." Napahinto ako sa paglabas ng sabihin niya iyon. At napatingin ako sakanya na ngayon ay nakaupo nasa kama pero nakahiga padin. Gets? Kunot-noo ko naman siyang nilapitan.
"Are you out of your mind?! Ibinilin ka sa amin ng lola mo. Kaya responsibilidad kana namin ngayon. Anong gusto mo bumalik ka sa lugar na iyon at makipag basag-ulo nalang habang buhay?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. She's unbelievable.
"Doon ang bahay at ang buhay ko! Wala kang pakialam kung makipag basag-ulo ako habang buhay dahil hindi muna man ito buhay! Pakialaman mo ang sarili mong buhay tutal pakielamero ka naman." Sagot niya. Hay! Talagang sinasagad niya ang pasensya ko.
"Anong gusto mo bumalik don? At ano? Para balikan ka ng babaeng may gawa sayo niyan ha?!" Inis na sambit ko at itinuro ang ulo niya na may benda. Umiwas siya ng tingin sakin.
"Nanay ko siya." Natigilan ako sa sinabi niya. Nanay? Nanay niya iyon? Siguro ba siya?
"Teka pero sabi niya----"
"Pangalawang asawa ng tatay ko." Putol niya sa sasabihin ko. Tama step mother niya iyon tulad nga ng sabi sakin ni daddy nung nasa library kami. Pero grabe naman ang babae na iyon. Hindi tama ang ginagawa niya. Baka makapatay siya sa ginagawa niya.
"Pumapayag kang saktan ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tulad kanina nakaiwas siya ng tingin sakin habang sinasagot ang mga tanong ko.
"Oo dahil pamilya ko pa din siya. Kahit papaano siya ang bumubuhay sakin kaya hindi ako sasama sayo." Matigas na sambit niya. Kahit na sobrang sama ng unang impresyon ko sakanya naaawa ako sakanya.
"Pero yung lola mo binilin ka niya sa amin." Kalmadong sabi ko. Napatingin siya sakin at may kung anong meron sa mga mata niya para siyang naiiyak pero pinipigilan niya. She so brave bilib ako sakanya.
"P-pakisabi sa matandang yon hindi ako papayag sa kagustuhan niya. Makaka-alis kana." Sambit niya at humiga ng muli. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan pa sa gusto niyang mangyari. Mas gusto niya ang masaktan siya sa puder ng madrasta niya. Fine ibibigay ko ang gusto niya! Papaalis na sana ako ng may ihagis siya. Yung wallet ko. Pinulot ko ito at binuksan habang nakatingin sa nakatalikod na siya. 10k cash ang laman nito at mga ID ko. Pero 250 lang ang nabawas. Hindi niya winaldas lahat.
"Mukhang hindi na kita mapipigilan pa. Alis na ako ingat ka." Sabi ko at nag-iwan ng 5k cash at calling card ko sa bedside table niya tska ako tuluyan ng lumabas kwarto.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Badass
ActionJessica and Lee (LIM Series #1) Written By: PinayKimchii xx Highest ranking in Action #12 UNEDITED